Kabanata 1.
Isang gabing madilim, maririnig mo lang ang hampas ng hangin sa bawat punong naglalakihan sa tabi ng malawak na daan at ang alulong ng mga aso. Ngunit sa kalagitnaan nang gabi isang babae ang tumatakbo papalayo sa mga lalaking humahabol sa kanya, halos hindi na niya makita ang daan dahil sa pagod ngunit diri-diretso pa rin niya itong tinakbo nang mabilis makalayo lamang sa masasamang loob na nais pagsamantalahan ang kanyang pagkababae.
“Bumalik ka dito! Isang halik lang!”sigaw ng lalaking lasing na lasing ngunit mabilis nitong tinatakbo ang kinaroroonan ng babae kasama ang dalawa niyang kaibigan na wala na rin sa sarili. Walang humpay ang pag-iyak ng dalaga na kasalukuyang tumatakbo pa rin. Ngunit sa isang iglap, isang nakausling bato mula sa daan ang pumutol sa kanyang pagtakbo. Nadapa siya at hindi na magawang bumangon dahil sa sakit na natamo nang tumama ang kanyang tuhod sa matigas na semento. Gusthin man niyang makatayo at tumakbong muli ay huli na ang lahat dahil naabutan na siya nang tatlong lalaking nais siyang pagsamantalahan. Hinawakan siya ng dalawang lalaki sa magkabilang kamay at pumatong naman ang isang lalaki sa ibabaw niya.
“Hindi ka na makakawala pa! Akin ka na ngayon! Hahaha!”pagbabanta ng lalaking pumaibabaw sa kanya.
Unti-unting lumapit ang labi nito sa dalaga ngunit iniiwas ng dalaga ang kanyang sarili sa nagbabantang halik ng lalaki. Sa pagkainis ng lalaki ay hinawakan niya nang mahigpit ang magkabilang pisngi ng dalaga upang tumigil ito sa kanyang paghuhulagpos. Hindi na nagawang magwala ng dalaga nang maramdaman niyang dumampi ang labi ng lalaki, napapikit ang dalaga at napaluha dahil alam na niya ang susunod nitong gagawin. Ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang tumigil ang lalaki sa ginagawa nito at makitang hawak nito ang sarili niyang leeg na parang sinasakal at unti-unting lumalabas ang dugo. Laking gulat din ng dalawang lalaki nang makita nila ang kasama sa ganoong sitwasyon. Unti-unting namutla ang lalaki hanggang sa maputulan na ito ng hininga. Halos manginig ang dalawang lalaki sa nakita at kumaripas ito nang takbo papalayo sa babae. Umiiyak pa rin ang dalaga hindi dahil sa muntik nang mangyari sa kanya kundi dahil sa nakita niya, wala nang buhay ang lalaking nais siyang pagsamantalahan dahil sa halik nito sa kanya na kumitil sa kanya. Pilit itinayo ng dalaga ang sarili mula sa pagkakahiga at tumakbo ito kahit tila mawawalan na siya nang balance makalayo lamang sa bangkay ng lalaki sa takot na baka pagbintangan siya nang kung sinumang makakita sa pinangyarihan ng krimen. Alam niyang hindi niya sinasadya ang lahat ngunit kailangan niyang lumayo upang maisalba ang sarili sa nagbabantang panganib.
Sa kabila nang kanyang pagtakbo ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan sa gitna ng kadiliman ng gabi. Nakalayo na siya sa pinangyarihan ngunit ramdam pa rin niya ang takot dahil nag-iisa lamang niyang nilalakbay ang daan. Basing-basa siya ng ulan habang naghahanap ng masisilungan. Hanggang isang waiting shed ang nakita niya at doon siya sumilong at nagpahinga. Ramdam niya ang lamig dahil sa malakas na ulan na bumubuhos at sa nabasa niyang katawan, nanginginig niyang niyakap ang katawan at nahiga sa upuan ng waiting shed hanggang sa mawalan na siya ng malay dahil sa panghihina. Ngunit isang lalaki ang napadaan sa shed at napansin ang walang malay na dalaga.
“Miss okay ka lang?”nag-aalalang tanong ng lalaki ngunit hindi sumasagot ang babae.
Pinulsuhan niya ang dalaga at nang maramdamang may buhay pa ito ay agad niya itong binuhat patungo sa kanyang munting tahanan na ‘di kalayuan mula sa waiting shed. Inihiga niya ang dalaga sa isang papag at sinindihan ang lampara na nasa isan mesa malapit sa kanila. Pinakiramdaman niya ang dalaga at nalaman niyang mataas ang lagnat nito kaya nagmamadali siyang nagpunta sa kusina at nagpainit ng tubig. Inilagay niya ito sa isang planggana na may bimpo at mabilis na dinampian ang noo nito ng bimpong may mainit na tubig. Kumuha din siya nang halamang gamut sa labat sa inilagay ito sa walang malay na dalaga, ngunit hindi sapat ang bagay na ‘yon dahil alam niyang hindi bababa ang temperature ng dalaga kung hindi niya papalitan ang basang damit ng dalaga kaya lakas loob niyang pinalitan ang suot nito. Binantayan ng binata ang dalaga buong magdamag hanggang sa ito rin ay makatulog sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Kiss of Death
HorrorKilalanin si Aldana, ang babaeng may isinumpang halik. Sa oras na halikan ka niya, dalawa lang ang pagpipilian mo... Ang mamatay o ang maghirap sa sakit na idudulot nito... Ngunit sa kabila ng lahat, isinumpa man ang babaeng si Aldana ay umiibig si...