Kabanata 2.
Hindi mapagkakailang nabighani ang binatang si Andrew sa kagandahang taglay ng dalagang si Aldana, kaya walang araw na lumipas na hindi niya naiisip ang dalaga kaya hindi siya mapakali sa loob ng kanyang tahanan na tanging siya lamang ang naninirahan.
“Bakit hindi siya maalis sa isipan ko?”bulong ng binata sa sarili habang nakaupo sa bangko kung saan siya namamahinga. Ilang minuto lang ang lumipas, nagdesisyon si Andrew na puntahan ang dalaga sa tirahan nito kaya naghanda siya ng ilang prutas at mga gulay na dadalhin niya sa pagdalaw kay Aldana.
Isang babaeng matalim ang tingin, may pagtatangka ang kanyang emosyon habang sinasambit ang mga salitang “ISISNUSUMPA KO! HINDING – HINDI KAYO MAGIGING MALIGAYA!” kasabay noo’y isang malakas na hangin ang humapas sa gitna ng kadiliman at matatalim ng kidlat ang gumuhit sa kalangitan. Maya-maya’y dumagsa ang malalaking patak ng ulan sa nagngangalit na ulap.
Kasabay ng mga isinumpang salita ay ang pagsilay ng galit na galit na babae sa batang takot na takot sa kanyang nakikita, pilit nitong itinatago ang sarili sa palda ng kanyang ina ngunit hindi naging sapat ito kaya marahas na sinundan siya ng tingin ng babaeng galit na galit.
“Pakiusap, huwag ang anak ko! Ako na lang… pakiusap!” pagmamakaawa ng ina ng batang babae sa nagngangalit na babae ngunit tila wala itong narinig sa mga sinabi niya. Unti-unti ay itinaas nito ang magkabilang kamay at mas lalo pang nangngalit ang kalangitan.
“Isinusumpa ko ang anak mo!”isang nakapalakas na kidlat ang gumuhit sa kalangitan sumunod nito’y isang nakakapangilabot na hangin ang kumawala sa kapaligiran at muling sumigaw ang babae…
“Pagdating niya sa ikalabing-anim na taon, ang sinumang lalaking humalik sa kanya ay mamamatay!”magkakasunod na kidlat ang tumama sa kapaligiran.
“Mamamatay!”
“Mamamatay!”
“Mamamatay!”
…paulit-ulit itong sumisigaw sa isipan ng batang babae, hanggang sa mamalayan niyang may isang pamilyar na boses ang tumatawag sa kanyang pangalan.
“Aldana!? Aldana?!”napabalikwas sa pagkakahiga si Aldana nang marinig niya ang isang pamilyar na boses. Nagising siya mula sa isang nakakatakot na bangungot na nais niyang kalimutan. “Aldana, nariyan ka ba? Si Andrew ‘to!” sigaw ng lalaki mula sa labas ng bahay nila kaya nagmamadali niyang inayos ang sarili at lumabas ng bahay para harapin ito.
“Andrew, anong ginagawa mo dito?!”salubong ni Aldana sa binata. Gulat at hindi siya mapakali kaya panay ang lingon niya sa paligid.
“Dinadalaw ka…”hindi pa man nakakatapos ng sasabihin ang binata ay agad na hinatak ni Aldana ang binata sa hindi kalayuan. “Aldana, may problem aba?” natatakang tanong ni Andrew.
“Umalis ka na dito baka makita ka ng inay…”wika ni Aldana na hindi mapakali at hinahatak ang binata papalayo sa kanilang bahay.
“Ha? Eh ano namang problema kung makita ako ng inay mo, wala namang masama doon diba?”ani Andrew dahil sa pagkakaalam nito ay ayos lang sa ina ni Aldana ang makipagkaibigan siya sa kanyang anak. Ngunit hindi niya alam na labag ito sa kalooban ng ina ni Aldana sapagkat sa oras na may maramdaman siya para sa dalaga ay maaaring ikapahamak niya ito.
BINABASA MO ANG
Kiss of Death
HorrorKilalanin si Aldana, ang babaeng may isinumpang halik. Sa oras na halikan ka niya, dalawa lang ang pagpipilian mo... Ang mamatay o ang maghirap sa sakit na idudulot nito... Ngunit sa kabila ng lahat, isinumpa man ang babaeng si Aldana ay umiibig si...