CHAPTER 2

373 10 0
                                    

@Yangxy

"Hinahanap?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit naman kita hahanapin?"

"Matulog ka na sis,nawawala beauty sleep ko sayo" maarteng sabi niya at humiga sa kama.

"Sa kabilang room na 'ko matutulog" giit ko.

Lalabas sana ako pero hinila niya ang damit ko sa likod.

"Ano ba yan!" humarap ako sa kaniya.

"Dito tayo matutulog" nilakihan niya ang boses niya at hinila ako palapit sa kama.

"Ayoko!" Umurong ako ng kaunti.

"Dito." Sineryoso niya ang mukha niya.

Humiga nalang ako at tumalikod sa pwesto niya.

"Arte." bulong niya bago humiga.

Maaga akong gumising pero mas maaga siyang nagising sakin,naghilmos ako at nag palit ng damit na pang gym.

Nag bike ako papunta sa gym,para exercise na din.

"Shocks narito si bakla." bulong ko.

Nakasando lang rin siya at panay ang mga titig ng mga babae sa kaniya.

Pumwesto ako sa treadmill,pansin kong lumingon siya sakin,hininaan ko ang music sa earphone ko.

"Hi babe." bati niya pero umakto akong walang narinig.

"Ay may jowa." bulungan ng mga babae.

"Hindi nga siya pinapansin ng babae oh" saad naman ng isa.

"Baka nag away lang." giit naman ng isang babae.

"Hello babe,why naman so early mo gumising." pilit kong bati sa kaniya.

Lumayas ang mga babae dahil don.

Kumindat siya sakin pero di ko na siya pinansin.

Iw.
---
Nasa mall ako ngayon kasama ang mga kaibigan ko,ang boring naman kase kung buong araw akong nasa bahay.

"Bakit may singsing ka diyan" turo ni Kira sa daliri ko. "Kasal ka na ba,ha?"

"H-Ha?Oo yata" ngumiti ako sa kanila.

"Kasal ka na mare?" Paninigurado ni Alex.

"Oo-"

"Baka may lagnat ka" kinapa ni Zander ang noo ko.

"Wala" tinapik ko ang kamay niya.

"Hala kanino?" Tanong ni Alex.

"Sa anak ni sir Alfonso" sagot ko kaya nabigla sila.

"Sila may ari ng Blossom Clothing ah" sabi ni Kira.

"I know,But I don't like him" saad ko at sumipsip sa milkshake ko.

"What! He's handsome and Kind and soft and-" pinutol ko ang sasabihin ni Alex.

"I know" ngumisi ako.

"Hi" biglang sulpot ng lalaki.

"Andrey" umirap si Kira.

"Hello" bati ni Alex.

"Mauuna nako" Sinukbit ko ang slingbag ko at kinuha ang milkshake sa lamesa.

"Kararating ko lan-" di ko na pinatapos si Andrey at umalis.

Pumunta ako sa parking lot at hinanap ang kotse ko.

"Kendra" sambit ni Andrey sa pangalan ko.

"Bakit mo ko sinundan?" Tinaasan ko siya ng kilay at tinapon basurahan ang milkshake.

MY GAY HUSBAND Where stories live. Discover now