Pen pal
Pang apat na ayaw ko na ko dito sa UP diliman. Baguhan palang ako dito. Maraming nagrarally sa harap ng Palma hall dahil Martial Law ngayon.
Minsan ay wala kaming pasok dahil sa mga pangyayari dito.Dumaretso ako sa Locker para ilagay ang mga libro kong sobrang bigat kesa sa kanibukasan ko. Habang nag kakalkal ako ay napatigil ako nang may mahilog na sulat galing sa aking locker. Pang apat na araw na din na may naglalagay ng Pen pal sa locker ko.
Hindi ko alam kung kanino galing ang mga ito dahil wala naman nakapangalan. Binasa ko ang nasa harap ng Pen pal.
Nagmamahal kong sinta
Luminga linga ako sa paligid. Hinanap kung sinong mysteryong lalaki ito. Kumunot ang noo ko habang nagbabasa. Kanino ito? Wala naman ang pangalan ko. Pinunit ko ang Pen pal bago binasa.
Mahal kong binibini.
Alam mo bang sa tuwing nakikita kita ay kung anong saya ang nagpapaligaya sa akin. Ang iyong mga matatamis na ngiti at mga mata mong nangningning ay siyang nagpapabilis ng tibok ng aking puso. Lalo mo din ako pinahanga sa tuwing ikaw ay makikipagdibate sa iyong kalaban.
Pagpasensyahan mo na ko'y nahihiya makausap ka ng personal. Isa lamang akong ordinaryong iskolar ng bayan ngunit hindi kasing talas ng talino mo, Binibini. Hindi ako halimaw katulad mo. Kaya, nahihiya akong lumapit dahil alam kong maraming humahanga sayo.
Kaya dinaan ko na lang sa sulat ang aking nararamdaman. Mahal na nga ata kita agad nang makita kita, Gustong gusto kita at gustong gusto kita makilala. Sana kung pwede ay magkita tayo. Gusto sana kita makilala ng lubusan, Binibini.
Nagmamahal.
Paano ko malalaman kung wala ang pangalan niya? Wala din ang pangalan ko pero nakalagay sa locker ko.
Napailing ako tsaka walang gana binalik ang sulat. Naglagay ako ng spray net sa kulot na kulot kong buhok. Uso na uso kasi yung mala Madonna na buhok. Sikat kasi ngayon yon kaya daming gumagaya. Inayos ko ang bold curls kong buhok at sinipit ang malaking ipit na ribbon sa gilid.
Hindi pa din mawala sa isip ko ang lalaking nagbigay ng sulat sa locker ko. Madalas nga ko nakakatanggap at kung ano ano nakalagay. Sa tuwing uuwi ako ng bahay namin dito sa QC ay imposible yung lalaking tiga dito sa amin.
Si Borgy Balquiedra. Prof ko siya sa Law. Iniisip ko, baka siya ang naglalagay dahil ang lapit lang ng locker ko sa Faculty at mas malapit pa sa bahay ko. Gwapo yon eh! Talino pa!
"Sino kaya yon?" Nanunuot kong tanong sa sarili habang nagbabasa ng mga sulat.
Paglalipas ng ilang araw. Araw araw akong nakakatanggap ng Pen pal. Minsan inaabangan ko sa locker kung sino pero di ko talaga maabutan. Nakatanggap na naman ako ng liham. Minsan nakakasawa na. Gusto niya daw ako makita.
Nagpangangap ako para makita siya. Nag isip ako ng maparaan. Nagsulat ako at inilagay sa locker ko para mabasa niya kung sino siya.
"Miss. Perez!" Halos mapatalon ako at napaharap nang makita ko si Sir. Balquiedra. Halos lumabas na ang puso ko sa lakas nang tibok.
"S-Sir!" Nauutal kong tawag. Lumabas ang dimpols niya nang ngumiti siya. Halata ang pagiging moreno niya ngunit sobrang pula ng pisngi.
Ngumiti siya at inayos ang salamin. "Malapit na ang araw ng debate. Nakapag aral ka na ba?"
Kinakabahan ako. Nakasuot siya na simpleng puting damit at denim jeans. Ang kanyang buhok ay parang nasa bagets ay naka syete ang buhok.
"O-Opo! Nakapag aral na po." Ngumiti ako ng matamis.
"Sige, aalis kasi ako nitong sabado. Gusto mo ba sumama?"
Doon ako napatayo ng maayos. Di ako makapaniwala. "Po?"
Ngumiti siya ng matamis. "May disco kami sa sabado kasama ang mga estudyante ko sa trial."
"T-Tignan k-ko po!" Nauutal kong sagot sa kaba.
Mas lumapad ang ngiti niya. "Sige! See you, Miss. Perez." Aniya sabay alis.
Halos mawalan ako ng hininga nang yayain niya ko umalis kasama ang kanyang kaibigan. Pagkatapos noon ay naiisip ko na baka siya yon.
"Sylvia!" Napatigil ako nang makita ko si Miriam na tumatakbo patungo sa akin. Kaibigan ko. Napatigil din ako na may kasama siyang tatlong lalaki. Kinalma ko sarili ko at na isipang wag sabihin sa kanya.
"Naparito ka?"
"Aalis kami sa sabado para mag disco sama ka? Ay! Oo nga pala!" Napatigil siya nang may ipakilala siya na isang lalaki na law school din. Yung dalawang kasama niya ay kasama ko sa Polsci.
Napatigil ako sa matangkad na lalaki na kamukha ni John Stamos. "Galing Ateneo."
Nakatitig lamang siya sa akin at hindi ako kumibo. Ewan, ang weirdo niya. "Ano sama ka?" Buti na lang iniba ni Miriam ang topic.
Tumungo na lamang ako at sumama sa kanila. Pagsapit ng sabado ay pumunta kami sa disco. Sinabi ko kay Miriam ang mga sulat at sabi niya baka crush ako noon. Pagkadating namin ay nagsayawan na kami ngunit dumaretso ako kung saan kami magkikita. Hinanap ko agad si Sir. Borgy dahil ramdam kong siya yon. Dumaretso ako kung saan ko sinabi ang nakasulat.
Pero tumigil ang mundo ko nang dumating siya. Nahihiya siyang lumapit. Napansin ko din ang papel na hawak hawak niya.
"Anong ginagawa mo dito?" Pagtataka ko.
Tipid siyang ngumiti. "Sylvia...I'm Maurecio Elias." Siya lang naman ang estudyante ni Sir. Borgy at madalas kong kalaban sa debate. Naka high top shoes siya at naka leather jacket.
Bumilis bigla ang puso ko, na hindi ko maintindihan kungbl bakit?
"Ikaw ang nag bibigay ng Pen pal?"
Di siya nakakibo dahil alam kong nahihiya siya ngunit ngumiti pa din siya. Siya ang sinasabi sa akin ni Miriam na galing pa ng Ateneo.
"O-Oo...A-Ako nga?" Umiwas siya ng tingin. "Pasensya ka na, mahiyain kasi ako."
Ngumiti ako. Pinatabi ko siya sa tabi ko habang pinapanood ang mga sumasayaw sa gitna. Tinitigan ko siya kahit madilim. Sa tagal kong hinintay kung sino nag bibigay ng Pen pal ay isang matipunong lalaki pala.
"Pasensya ka na, hindi ko kasi malabas ang gusto kong sabihin sayo." Aniya.
Kumunot ang noo ko. "Na?"
Hirap siyang tumingin habang nakatingin ng malalim sa baso at pinapaikot ito.
"Matagal na kitang gusto, Sylvia." Doon siya nag angat ng tingin. Kung anong bilis ng puso ko sa sinabi niya. Ito na ba ang lalaki para sa akin? Ito na ba? Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya dahil maamo ang itsura niya.
Ngumiti ako ng matamis. Niyaya ko na lang siya sumayaw sa gitna. Inilagay ko ang aking mga braso sa kanyang balikat.
"Siguro, gusto na din kita." Pag amin ko.