4

7 0 0
                                    

Amaiah sat down beside me, "kanina pa tumutunog messenger mo, Yela."

I stared at the screen of my phone, Joaquin's name kept on showing up. Napalingon ako kay Amaiah, she flashed a wide smile.

"You're ignoring him kasi you don't want to get attached?" she asked

Hindi ako sumagot, "you don't have to be scared dummy." dugtong niya

"Tapusin mo nalang nga yung research paper mo, I'll just read some notes." ibinaling ko ang atensyon ko sa printed notes na hawak ko

Kinuha ni Amiah yung hawak ko, "talk to him."

"Magpahinga ka naman, puro ka aral, magiging doctor ka don't worry." she giggled and tapped my shoulder

Nanginginig akong kinuha yung phone ko sa tabi ng laptop, I opened Joaquin's messages.

Joaquin : hi, did you eat dinner na?

Joaquin : i'll be out tonight, nag-aya bigla yung mga pinsan ko.

Joaquin : tatawag ako later if nakauwi na ako, that's a promise.

Joaquin : just message me if you're not busy, study well future doctor!

"Oh, bakit ka ngumingiti?" kinurot ni Amaiah yung tagiliran ko

Napalingon ako sa kaniya at napasampal sa sarili ko, "aray, ha? ano? ay may lamok, oo may lamok."

"May nabanggit ka na ba sa kaniya about your future career?" tanong ni Amaiah

Umiling ako, "magaling lang maghanap ng info itong si Joaquin."

Napatango nalang si Amaiah at naglakad palabas ng kwarto, tutulong yata siya kay mom magprepare ng dinner.

I began to type a message for Joaquin, "you don't have to call me later, for sure pagod ka, may next time pa naman."

Hindi pa nakalipas ang ilang minuto ay agad siyang nakapag-reply, he's not that busy huh?

Joaquin : tatawagan parin kita.

Joaquin : gusto ko lang marinig boses mo.

I smiled, "alright just message me if nakauwi ka na, kakain na kami ng dinner."

Nilapag ko yung phone sa study table at lumabas na ako sa kwarto ko, kumpleto na sila sa table at ako nalang ang hinihintay. Lolo and lola will be staying with us for one week, and I know what will be the topic tonight.

I sat down beside Amaiah, agad akong inabutan ni mom ng food and I thanked her. We heard lolo cleared his throat na naging rason para mapalingon kami sa kaniya.

"Yela, ayaw mo ba mag-aral sa Manila?" he asked me

"I'm planning to enroll sa Iloilo po for College-" hindi ko natapos ang sasabihin ko

Umiling si lolo, "you should set your standards high ija, matalino ka, you have a bright future ahead of you."

"Pa, let her choose what she wants." sagot ni dad

"I'm just suggesting what's good for Ayela, Trevor." napatingin sa akin si lolo

Nanatili lang akong tahimik, I can't really share anything kapag nandito yung grandparents ko. They don't really like the idea of me talking about my social life, lalo na if I have online friends.

Iniisip nila na it's not safe, baka mapahamak daw ako. I mean, I understand their concern. But, he's not a bad person.

"May manliligaw ka na ba ija?" lola asked

Napalingon ako sa kanilang lahat, "p-po?"

"Meron na ba?" mom asked and flashed a smile

Umiling ako, "wala po, wala akong oras para sa ganyan." napatawa ako ng mapakla

"Finish your studies first." seryosong tugon ni lolo

Napatango lang ako at binalik ang atensyon ko sa pagkain, agad akong natapos at pinili ko nalang na lumabas ng bahay. I need fresh air, nakita kong magkasama si Amaiah at kuya Shean.

"I'm sorry about lolo, Yela." kuya sat down beside me

I smiled, "hindi pa ba tayo nasanay sa kaniya?"

"So, kamusta yung status with Joaquin?" Amaiah asked

"Ang bilis ha." pang-aasar ni kuya

"Guys, calm down. Joaquin and I are friends, hanggang doon lang." sagot ko

I sighed, "hanggang doon lang talaga siguro." dugtong ko

"Paano mo nasabi?" tanong ni Amaiah

"Malayo ako sa kaniya, for sure may makikilala siyang mas malapit sa kaniya." sagot ko habang binubunot yung damo

Natahimik silang dalawa at biglang natawa, "bakit ka nalulungkot if kaibigan nga lang siya for you?" kuya asked

"Kaibigan nga lang talaga kasi." hinampas ko siya sa braso

He raised his hands, "okay kaibigan kung kaibigan." natawa siya at tumayo na para bumalik sa loob ng bahay

I heard Amaiah sigh, "I know you're scared, Yela."

"Lawrence did hurt you that bad huh?" she asked

Lumingon ako sa kaniya, "I'm not bothered about him anymore, takot lang ako sa pwedeng mangyari when I get attached with this new guy."

"Liking someone far from you sucks, I mean, I don't really like him. Basta." natawa ako at napatingala sa langit

I saw kuya waving at us, agad naman akong tumayo at hinila si Amaiah. He gave us bottles of beer, dad just smiled at us. Pinagmasdan ko silang umakyat ni mom sa second floor, naiwan kaming tatlo dito sa living room.

"Pag-usapan natin yang problema mo sa love." pinagbuksan ako ni kuya ng beer

I laughed, "love agad? kanina ko lang nakausap yun."

"Gwapo ba?" kuya asked

I nodded, "pasok sa standards ko."

"Same din naman silang Science High, masasabayan sa paggawa ng paper works si Yela." singit ni Amaiah

"Kaya ko naman gumawa ng school works kahit walang kasama." sagot ko

Napatingin sila sa akin sa paraan na parang nang-aasar, "pero sa makalawa makikita kong naka video call na kayo while gumagawa ng requirements?" napataas ang isang kilay ni Amaiah

"Ang ingay mo, uminom ka nalang jan." binigay ko sa kaniya yung baso niya

"Sa tingin mo, may chance siya?" kuya asked

Napailing ako, "ako siguro yung walang chance."

"Mukhang high standards si Joaquin, eto lang naman ako." pagbibiro ko

Binatukan ako ni Amaiah, "kadiri, ang sad girl pakinggan."

"Parang hindi ka naging sad girl sa ex mong mukhang tae ng baka ah?" natawa si kuya dahil sa sinabi ko

Hinampas ako ni Amaiah ng unan na malapit sa kaniya, inabutan na kami ng 12am bago naubos ang mga alak na binili ni dad para sa amin.

Agad naman nakatulog si Amaiah pagkahiga niya sa kama, I still managed to check my phone nung matapos akong maghilamos. I saw Joaquin's messages, agad ko naman itong binuksan.

Joaquin : i'll be home within 20 minutes

Joaquin : maybe you're tired, bukas nalang ako tatawag.

Joaquin : goodnight, cy.

He's the only one who called me "Cy", walang nakaka-alam masyado sa second name ko except my fam and Amaiah.

This guy is really interesting.

HIM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon