Chapter 04

19 4 0
                                    


#MakeHimSoft04

That night, Mr. Smiles and I had some private time-that was so first and precious to me. He wouldn't meet me for such an hour but that night, he did. He even ate dinner with me that felt so touching.

Dahil palakwento nga ako sa kaniya, yung tipong lahat ng nangyayari sa buhay ko ay kinukwento ko, ay kinuwento ko sa kaniya mga nangyari noong araw na iyon. Simula nang maassign akong tutor sa masungit at makulit na si Andrei hanggang sa kababuyang ginawa sa akin ni Lourd pati ang bugbugang naganap.

"Hindi naman po talaga ako mananapak, Mr. Smiles. 'di ko lang talaga kayang maatim na binabastos nung Lourd na iyon yung mga magulang ni Andrei lalo pa't yumao na ang mama niya tulad ko habang hindi niya naman alam kung nasaan ang papa niya. Hindi na po ako magtataka kung bakit ganoon si Andrei kasi hindi niya naman po pala nakasama ang mga magulang niya. Siguro, kailangan niya lang din po ng atensyon... At pagmamahal,"kwento ko pa noong gabing iyon at kitang-kita ko sa mga mata ni Mr. Smiles ang sobrang lungkot habang sinasabi ko iyon.

Kakaibang lungkot na mas malalim kesa sa lungkot na nakita ko noong makita niya akong muntik nang bawiin ang buhay ko dahil nawala na si Mama. Talagang napakalalim ng lungkot na nasa mata niya ngayon.

Kinabukasan, masaya akong bumangon. Parang walang nangyari kahapon at parang hindi ako nabugbog. Nakakalakad pa rin naman ako nang maayos pero hindi pa rin ganoon kagaling yung tyan ko. Sabi kasi ni Jake may mga sugat pa 'yon dahil nga yung loko-lokong Lourd na iyon eh sinukmurahan ako gamit ang metal knuckles tapos may mga spike pa.

Hinatid pa ako ni Jake sa classroom ko ngayong umaga." See you later, sweetie,"pang-aasar niya kaya malakas ko siyang siniko kasi napatingin ang mga kaklase ko sa amin.

Tatawa-tawa lang na umalis si Jake at nang mawala siya ay doon na ako dinagsa ng kantyaw ng mga kaklase ko.

"May boyfriend naman pala!"sigaw ni Dennise na isa mga mahilig mang-asar sa akin.

"Sweetie pa nga! Grabe, nilalanggam kami dito!" Nagtawanan ang mga kaklase ko sa sinabi ni Caesar kaya inambaan ko siya nang kamao ko dahil napakalapit niya lang sa akin.

"Oyy, sorry na! Baka pabugbog mo pa ako sa sweetie mo! Mukha pa namang maangas!" Nagtawanang muli ang mga kaklase ko sa sinabi ni Caesar at pati ako ay hindi mapigilang mapatawa rin.

"Ayiie! Nako, Santi Noel! Type pa naman kita pero lalaki rin pala type mo!"sigaw ni Lhorie.

Napailing na lang ako dahil sa mga kantyaw nila. Hindi naman lalaki ang type ko! Ang aangas ng mga 'to.

"Baliw!"sigaw ko na lang sa kanila at napuno ng maingay na halakhak ang klase.

While the whole class is being noisy and having fun, my eyes caught the only man who's sitting pretty like a king in his chair minding his own world. I slowly walk to his place. He's wearing an earphone and watching the students outside the window.

Nang nasa likuran na niya ako ay hindi niya pa rin ako napapansin kaya umupo ako para mapantayan siya at inagaw ko tung earphone sa kanang tenga niya at isinuot sa akin.

Mabilis na napabaling sa akin ang tingin niya at nang magsalubong ang mga mata namin ay sinamaan niya ako ng tingin. Napangiti naman ako nang mapansing hindi pa magaling yung sugat niya sa labi ay may panibago na naman.

Kailan ba siya magkakaroon ng maayos na mukha na walang kahit anong sugat o galos?

"Wow, nice music!"sarkastiko kong komento kasi wala naman talaga siyang pinapatugtog. Inagaw niya sa tenga ko yung earphone at sinuot uli sa kaniya.

Tumayo ako habang pinipigilan ko ang sarili kong matawa. Nilagay ko ang bag ko sa upuan ko at isinandal ang isa kong tuhod sa upuan habang nakaharap sa kaniya habang siya ay parang naestatwang sa bintana lang nakatingin.

MAKE HIM SOFTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon