“Elaine!! Wait” Siya ata ang tinatawag ng lalaki pero hindi lang naman siya ang nag-iisang Elaine sa mundo kaya inignora lang niya ito.
Tapos na ang misa kaya oras na para umalis. May kailangan pa siyang gawin at wala siyang oras para sa kalokohan ng isang taong hindi naman niya kilala.
“Sakura!”
Now that’s it. Hindi na ito tama. Not her hidden nickname.
Tinawag na siya nito sa palayaw niya. At iilan lang ang tumatawag sa kanya sa pangalang iyon. Hinarap niya ito at pinagkrus ang mga braso sa kanyang dibdib.
“Will you stop shouting my name,” pigil ang galit na hinarap niya ito.
“Oh… calm down,” itinaas pa nito ang dalawang kamay sa ere. “I think I’m forgotten,” patuloy pa nito.
Doon na rumehistro ng tuluyan ang mukha ng lalaki. Napasinghap siya at bigla na lang lumabas sa kanyang bibig ang pangalan nito.
“Kuya Mike?”
Hindi siya sigurado kung si Mike nga ito. Agad kasi itong umalis para mag-aral sa ibang bansa pagkatapos niyang grumaduate sa hayskul. May komukasyon silang dalawa ngunit bihira na lang dahil pareho na silang naging busy sa kani-kanilang buhay.
“Oh no, here we go again.” Napaisip tuloy siya kung bakit ganon na lang ang reaksyon nito.
“Sorry, nakalimutan ko ang bagay na ‘yon,” she’s not suppose to call him Kuya Mike dahil tumatanda daw ito. Pero totoo namang tumatanda na ito. Natawa na lang siya sa kanyang mga naiisip.
Anu kaya ang ginagawa nito sa Pilipinas?
“Don’t tell me na kaya ka nandito sa Pinas ay para ayusin ang tour ni Seb.” wala sa isip na nasabi niya ito ng malakas.
“Yes and no.” sagot nito “Hindi pa kasi talaga ako sigurado kung ano gagawin ni Seb dito kaya gala muna ako,” pagpapatuloy nito sa sinabi.
“Nice to see you again, Mike. But I need to go.” Yun lang at naglakad na naman siya sa kanyang kotse.
“Wait, can I have your number?” tanong nito habang nilalabas ang kanyang cellphone.
Kinuha ni Elaine ang cellphone ng binata at idinayal ang number niya. At pumasok sa kotse.
KATULAD ng palagi niyang ginagawa pagkatapos ng misa ay dumidiretso siya sa mall para bumili ng librong bagong labas. Siyempre lalong lalo na yung book niya. Meron naman siyang nakukuhang copy mula sa kumpanya pero mas maganda na rin na bumili siya para dagdag sa sales.
Bumili na naman siya ng mga kung anu-anong bagay na maibigan niya. Minsan ay naiinis na siya sa kanyang sarili dahil di niya ma-control ang kanang paggastos. Pero dinadahilan na lang niya na kakailanganihn din naman niya ang mga yun sa future.
Palabas na siya ng tindahan ng mahagip ng kanyang paningin ni Mike.
Sinundan kaya siya nito? tanong niya sa kanyang sarili. Hindi siguro. sagot naman ng isang parte ng isip niya.
Wala namang masama kung iiwasan niya ito dahil na rin sa may mga kailangan siyang gawin. Nagpalabas siya ng isang malalim na buntong hininga. Hindi namna masama ang gagawin niyang pag-iwas. At saka mako-contact naman siya nito dahil ibinigay na niya ang kanyang numero sa binata.
Bumaba siya sa eskelator na malapit sa sinehan para hindi siya nito makita. Narinig niyang tinawag siya nito.
Shit!
Nakita siya ng binata. Kung mamalasin ka nga naman talaga.
Wala akong nakita. Wala akong narinig. Paulit-ulit na sabi niya sa kanyang sarili.
Malabo ang mata mo at bingi ka ng mga oras na ‘yon.
Natawa pa siya sa mga pinag-iisip niya. Gagawing bingi ang sarili para lang nakatakas. Pero patuloy pa rin siya sa paglakad. Pero totoo namang Malabo ang mata niya pero nakakaita pa naman siya kahit papaano.
Tinungo niya ang tindahan ng may mga iba’t-ibagn paninda tungkong sa anime. Hindi nya ipagkakaila na addict siya doon. Proud pa nga siya kung tutuusin.
Doon niya nakuha ang pangalang Sakura. Ung sa Card Captor Sakura at hindi ung sa Naruto. Pero ngayon dahil tumatanda na rin siya ay ung sa Tsubasa na. Malaki na kasi dun si Sakura.
Agad niyang ginalugad ang estante ng mga poster para hanapin ang litrato ng paborito niyang anime character.
“Sabi ko nga ba at dito kita makikita.”
Hindi na niya kailangang lingunin pa kung sino ang nagsalita dahil boses pa lang nito ay alam na niya. Nasundan siya nito. Hindi na yun kataka-taka dahil alam na nito ang likaw ng bituka niya.
“Hi,” bati niya dito at lumipat naman sa kabilang istante.
Buti na lang magkakahiwalay ang mga poster ng lalagayan.
“Balita ko may mga bagong item na tungkol kay Sakura dito kaya…”
“Talaga?” excited na tanong niya sa binata. At alam niyang kumikislap pa ang kanyang mga mata with matching ngisi sa labi.
“No, biro lang yun.” Napasimangot siya bigla. “Iniiwasan mo kasi ako,” may halong pagtatampo sa tinig nito. At lumabi pa talaga.
Para talagang bata ito kahit kailan. Sa paglipas ng panahon ay hindi ito nagbago. Tinotopak palagi pero seryoso kung seryoso talaga. Dedicated din ito sa maraming bagay kaya siguro nakahanap ito agad ng trabaho pagkatapos nito sa kolehiyo.
“Madami lang talaga akong ginagawa kaya nagmamadali ako. Ikaw ‘tong istorbo eh.” Nakita niyang kumunot ang noon nito. Natawa naman siya sa inasal niyo.
“Kung istorbo ako eh di lulubisin ko na. Tara kain tayo. Libre ko.” Hinawakan nito ang kamay niya aat hinila palabas sa tindahan.
“Paano si Sakura?” parang batang tanong niya dito.
“Sa susunod mo na lang siya dalawin. Marami ka namang time sa susunod. Ngayon lang ‘to.”
Nagpatangay na lang siya sa binata. Tama naman ito kung tutuusin. Aalis din ito agad kapag natapos na ang tour ni Seb sa Pilipinas.
“Madami kang dapat ikwento sakin kung ganun. Ayoko ng nabobored ako.” biro niyang sabi.
“Ako pa talaga ang sinabihan mo niya ha. Pero parang mas maganda kung ikaw ang magkwento. Mas madaming nangyari sayo eh. Tulad na lang ng paglipat mo ng bahay.” Tumigil ito sa paglalakad at hinarap siya.
“Yung driver ko naghihintay sa labas. Sa susunod na lang tayo magkwentuhan ha.” Pag-iiba niya sa usapan.
“Tawagan mo ang driver mo at sabihing umuwi na. Ako na ang maghahatid sa’yo.” Case Closed.
Wala siyang magawa kundi sundin ito. Tinawagan niya ang kanyang driver at pinauwi na. Sasusunod na lang niya ibibigay ang sweldo nito para sa araw na iyon.