Chapter 2

36 0 0
                                    

“Hello,” ani niya sa kabilang linya.

“Gud evening Miss Cherrylaine. I would like to inform you that the date of your submission has been change and the total number of stories that you need to pass,” sagot ng kausap nito sa telepono.  

What is that suppose to happen!?

Ang alam niya ay kapapass lang niya ng kanyang storya nung isang linggo. Wag nilang sabihin na dadagdagan nila yun. Humigpit na ba ang management nila at kailangan ng agahan ang pagpapasa o kaya damihan pa ang ipapass niya? Nagpapanic na siya at hindi na niya alam ang gagawin.

“Yoh, Elaine. Nandyan ka pa ba?,” narinig niya ulit ang tinig sa kabilang linya. Ngayon niya napagtanto na si Sierra pala ang kausap niya. Mas pinagtuunan niya ng pansin ang kung anu ang mangyayari sa kanya tungkol sa binalita nito.

Naalala niya na noong minsan ay ganoon din ang halos ginawa nito sa kanya. Na parang ang good news ay nagiging bad news. Gusto niyang magalit dito pero ito lang ang pinakamalapit sa kanya sa kumpanya kaya hindi niya magawang magalit dito.

“Liyah…,” may pagbabanta sa boses niya.

“Calm down at saka good news yun para sa’yo,” tumawa pa ito sa huli. Tama ang hinala niya. Pinagti-tripan na naman siya nito. “isn’t it na 4 stories ang kailangan mong ipass every 5 months? Naging readers choice ang iba mong stories kaya naisip ni Boss na magiging tatlo na lang ang ipapass mo para daw mas maganda,” paliwanag nito sa kanya.

“That’s a relief,” nakahinga na rin siya nang maluwag ngayon.

Sa dami kasi ng mga school activities niya ngayon ay nahihirapan siyang mag-manage ng time niya.

“Thanks, Sierra. I assure you na mas maganda pa ang mga stories na ipapass ko.” Nakangiti niyang ibinaba ang receiver. Mas ginanahan tuloy siyang magsulat ngayon dahil sa binalita sa kanya ni Sierra.

Ipinagpatuloy na niya ang pagda-draft ng bago niyang nobela. Hindi pwedeng masira ang concentration niya para tuluy-tuloy ang utak niya sa pag-iisip ng mga scene sa story nagagawin niya. Nainis siya ng bigla na lang walang pumasok na idea sa sinisulat niya. Nangyayari naman iyon minsan pero nakakagawa siya ng paraan para maibalik ang concentration niya sa kanyang ginagawa.

Tinignan niya ng orasan sa tabi niya. Mag-aalas dos na pala.

Humiga siya sa kanyang kama ng magring ang selfong gamit niya sa school.

"Hello." Wala na siyang gana pang makipag0usap sa pa dahil pagod na ang utak niya.

"Elaine, si Sydney 'to," sagot sa kabilang linya.

Napalingon ulit siya sa orasan. "Anong meron?," may pagtataka sa kanyang tono. Ano kaya ang pakulo nito ngayon.

"Katatapos ko lang kasing basahin 'yong dyaryong ibinigay mo sa..,"

"Ipinahiram," pagtatama niya.

"Whatever. Kagaya nga ng sinasabi ko. Pupunta si Seb dito sa Pilipinas next month. Wala tayong pasok kaya makakapunta tayo sa concert niya."

Mahahalata ang excitement sa boses ng dalaga.

"Sorry, Syd. Hindi ako pwede next month."

"Wait a minute. Alam kong wala kang hilig sa mga celebs but please kahit ito lang."

"Give me the exact date."

"It's 3rd week of the month so. Its Saturday."

"What!?" bulalas niya. "Kahit anong date basta wag lang 3rd week, may...," bigla siyang napahinto at inisip ang sasabihin. "May lakad kasi ako every 3rd week every month eh,” alibi niya.

Hindi niya pwedeng sabihin dito ang trabaho niya. Masyadong mapanganib para sa kanya dahil kung addict ito sa mga celebrities eh mas addict ito sa pagbabasa ng mga filipino romance novels. Epecially her works.

"Come on, Elaine. Kailan ka pa naging busy?"

"Kanina lang."

Sana makalusot.

"Elaine, this time hindi ka na makakalusot. Sabi dito meron pa siyang pangalawang concert. Next week."

Hinanap pa talaga. Wala na itong lusot.

Pikit matang sumang-ayon na lang siya sa sinabi ng dalaga. Good luck na lang saken. isang napakalaking GOOD LUCK!

Hindi siya makapaniwalang umoo siya gusto ng kanyang kaibigan. Dati rati naman ay natatakasan niya ito dahil sa mga alibi na naiisip niya. Pero iba na ata pag galamay na nila ang mga palusot ng isang tao.

Wala na akong magagawa. Nandiyan na at hindi na mababago pa yun.

Kinabukasan, araw ng linggo ay nagsisimba siya. Medyo malayo ang simbahan mula sa kanyang bahay. Noong una ay nagko-commute lang siya kaya ng magkaroon siya ng pera ay nag-hire siya ng driver. Pero paminsan-minsan lang niya ito tinatawag pag malayoang pupuntahan niya o marami siyang lugar na pupuntahan.

Wala pa siyang 18 years old kaya hindi pa siya pwedeng magmaneho. Pero minsan ay nakakalusot siya dahil na rin sa impluwensiya ng kanyang pamilya. Kung tutuusin ay ang mga magulang niya ang nagbigay sa kanya ng kanyang bahay ngayon mula ng naisipan niyang umalis sa kanilang bahay. Dapat pagkatapos pa lang niyang grumaduate makukuha iyon kaya lang ay ipinakita niyang kaya na niyang mamuhay sa iisang bahay.

Kasama niya si Syd na nagsisimba tuwing linggo. Kailangang bumili ng kandila para mamaya sa offering. Napatigil siya sa paglapit sa kanyang kaibigan ng makita niya ang isang lalaking malapit dito. Pamilyar sa kanya ang mukha iyo. Parang nakita na niya ito dati. Pati ang kanyang kaibigan ay napatingin din sa katabi.

“Hoy!!”

Dooon lang siya natauhan sa tawag ng kanyang kaibigan.

“He looks familiar,” ang tanging nasabi niya paglapit niya sa dalaga.

“Sino? Yung lalaking yun?” at tinuro pa talaga ang papalayong lalaki.

“Yes.”

Kakaiba din talaga itong kaibigan niya. Kung makaturo parang di nakikita ung mga tao sa paligid.

Hindi pa rin mawala sa isip niya ang lalaking nakikita niya kanina. Pamilyar talaga ito sa kanya. parang isang taong matagal ng umalis at nagbalik muli. Itinuin na lang niya ang kanyang attention sa seremonya ng pari. Siguro naman ay makakalimutan din niya.

Unwanted DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon