June 3, 2021
Bolinao, Pangasinan - Norzagaray, Bulacan
(Under Covid-19 Pandemic)
Ilang araw na tayong friends sa facebook matapos mong i-add ako. Hindi ako madalas na nag a-accept ng hindi ko kilala subalit noong ini-stalk kita for profile check pero pumasa ka. Bukod kasi sa pogi ka sa profile mo, lahat ng post mo ay patungkol sa pagtatagumpay ng Iglesia. Dagdag pogi points yun.
Buong pag-aakala ko'y tutulad ka lang sa iba kong Facebook friends na tambay lang sa friendlist ko pero nagkamali ako. Akalain mo yun? Grabe ang plot twist.
2:07 PM, Thursday
Nabigla ako dahil may isang hindi pamilyar na profile icon ang nag pop up sa notification ko. Abala ako noon sa pagfafacebook at nakikipag kuwentuhan sa Tita ko na siya ring bestfriend ko.
Nagreply ka sa myday ko! Isa iyong video sa kawalan noong madaling araw. Ang caption ko ay "What a good weather, making me wanted a jacket made of leather"
Wrong grammar pa nga yun noon e. Kinse palang kasi ako noon. Animong walang kamuwang-muwang pero madami na palang nalalaman.
Nagreply ka sa myday ko ng...
Ang totoo niyan ay hindi kita agad nireplyan. Ewan ko ba kasi, isinisigaw ng intuition ko na makakausap kita ng matagal e nung mga panahon na yun ay sawing palad din ako sa crush ko at gusto ko nalang sana muna mamuhay ng tahimik.
Alam nyo ba yun? Yung tipo bang nahulaan mo ng magkakaroon ng malaking parte ang isang tao sa buhay mo? Totoo nga Yung butterfly effect, that a single life-decision small or big man ay pwedeng maging daan for something to have a big impact on your life.
Ganun kasi ang naramdaman ko sa pagkakataong iyon. Para bagang unang kita ko palang sayo ay alam kong ikaw na agad. Pamilyar kasi ang mukha mo. Para bagang Nakita na kita sa kung saan. O baka sa future? Biro lang.
Salamat kay Tita Mayolyne, sinulsulan niya ako na magreply. Sinong mag-aakala na sa darating na panahon ay iibigin pala kita ng lubusan?
Lumipas ang ilang minuto nating pag-uusap ay nagpaalam ka na. Mabilis lang ang pagkakataong yun subalit ang rami na nating napag-usapan kaagad. Ang gusto ko nga malaman na agad ang lahat patungkol sa'yo e.
Aaminin kong nakuha mo agad ang atensyon ko sa sandali nating pag-uusap. Mahusay ka kasing magtanong. Namangha rin ako sa proper grammar mo, lalo na sa pogi typings.
"I can sense that a friendship is about to start." ang sabi mo but... No, I can sense that something is about to start.
Prank lang pala yun dahil ngayon, sinusulat ko na ang love story nating dalawa.
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento Ng Tayo
RomanceBaka kung sakali ay may magtanong ng love story nating dalawa, pakisabi na Ito na yun. Ang Kuwento ng Tayo.