Chapter 15: Wrong

3.3K 95 20
                                    

Chapter 15: Wrong




We took a vacation after a month of studying. Ngayon, nandito na kami sa scenery spot na tinutukoy ni Glam.

"It's cold yet sunny!" I smiled and hugged the air.

"Ang ganda dito! Thank you sa inyo!" Yskaela hugged us.

We smiled. "You're welcome."

"Mas maganda sana kung naghiking tayo paakyat e." Si Glam.

Umirap ako. "No. Ayaw rin ni Yskaela maglakad."

"Huh? Wala naman akong sinasabing ganoon." Kumunot ang noo niya.

"You should just agree, duh!" Inis kong tinignan ang kaibigan.

"For you? What's better? Hiking o sasakay lang?" Tinanong naman siya ni Glam.

Ngumiwi si Yskaela. "Aba kahit ano! Libre lang naman ako dito!" Tumawa siya at malayang tumakbo.

Nagtinginan kami ni Glam. "Pag-akyat natin dito, pangit na tayo, wala nang picture taking!" Sabi ko.

"Nakakapayat ang hiking! Ito takot tumaba ayaw naman magpapayat!" Siya naman.

"Zipline na tayo!" Si Yskaela na mas nag-e-enjoy pa sa amin.

Ngumiti si Glam. "Ang saya, ah? Palibhasa libre!"

Nagtawanan kami.

Wish granted naman iyon. Nanginginig ang katawan ko sa pinaghalong kaba at excitement habang naghihintay sa mag-a-assist sa amin roon.

"Yay! Kuya, mabigat ako! Baka bigla akong malaglag sa bangin! Wala akong pangkabaong!" Si Yskaela at chineck pa ang tela kung matibay o ano.

I covered my mouth when I laughed. Hindi ko 'yan kaibigan!

"Okay lang, libre din namin ni Cerise." Glam said seriously and let out a small elegant laugh.

Mas lalong lumakas ang tawa ko but I hide it on my hand.

"Hindi nga, Kuya?! Nakakatakot! Teka, higa saka upo lang ba? Bawal ba akong mag-indian sit diyan?" She asked.

I laughed and hide myself behind Glam. Ano ba 'tong si Yskaela! Pinagtitinginan na kami dito! Tawang tawa na rin ako sa kaniya!

Nagtawanan ang mga turistang naroon.

"Clown talaga 'to." Glam whispered.

Mas lalo akong natawa at napatakip na lang sa mukha.

"Bawal, Ma'am at safe po ito." Ang lalaki matapos tumawa.

"Sige Kuya, by the way, Glam, pakibigay na lang 'yung last will ko kila Mama incase na humiwalay ang kaluluwa ko mamaya." Muli siyang nagbiro habang siniset up na ang seat belts niya.

Nagtawanan ang mga naroon at sa sobrang hiya ay nakitawa na lang din ako. Bahala na! Baliw na ang isang 'to!

Sunod ay kami ni Glam. Parehas kaming nakadapa ang pwesto habang si Yskaela ay mas pinili ang nakaupo.

Gusto sana ni Glam magsolo gaya ni Yskaela ang kaso ayaw ko! Hindi ko kaya kapag ako lang mag-isa 'no! Gusto ko may mahahawakan akong kamay.

"Ayan naaa! Kuya teka lang! Inhale... exhale." Ang ingay ng kaibigan ko.

Nakaset up na kaming tatlo. Tahimik lang ako at mahigpit na nakahawak kay Glam. Habang si Yskaela ay maingay, si Glam ay tahimik din pero natatawa minsan at halatang walang takot hindi kagaya ko! Tahimik lang ako dito pero lubos lubos na ang kalabog ng puso ko sa kaba! Ni hindi ko man lang maigalaw ang daliri ko sa takot na mahulog ako, e!

The Love of Two Hearts (Adolescents Ardour Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon