10

270 52 83
                                    

Bachata. Tangina, baka pwedeng mag switch ng ka group? Kahit sa group 4 nalang, harana sa kanila eh. Ayoko sa bachata kahit sino pa 'yong partner ko. Masyadong ano

"Lency g ka pa rin ba sa damo?"

Pero if mag sw-switch ako, I need to come up with a believable excuse. I can't say that I can't dance kasi nakita na nila akong sumayaw last year, representative pa nga.

"Lency?"

Paano kung sabihin kong may pilay ako? Tama, sa right leg.

Pero... isasabak ulit ako ng modelling agency ko sa runway with heels at kung ano-ano pa. For sure our performance would be posted, anong sasabihin ni ma'am?

"HOY LENCY SCARLET DEGRACIA" inis na tinignan ko si Casper dahil sa lakas ng pagkakasigaw niya sa full name ko.

"Ano‽"

"Bakit ka naman nagagalit eh kanina ka pa lutang" Tanong ni Casper na animoy na offend nang sobra.

"Ang ingay mo kasi. Bakit ba ano ba 'yon?"

"Sabi ko g ka ba raw sa matcha? Manlilibre 'tong si kuyang crew sa 'yo oh." aniya.

Saka ko lang din namalayan na nasa Starbucks pala kami. I looked around, walang ibang tao sa paligid, Kaya pala ang lakas ng loob ni Casper sumigaw.

I looked at them and napansin kong naghihintay nalang sila sa orders nila. Alexander offered them a seat na agad naman nilang sinunod.

Nagpaiwan ako sa counter.

"Are you... Okay?" Alexander asked from behind. I turned my gaze at him.

"Yeah... May iniisip lang." ani ko at iwinakli muna 'yong groupings namin kanina.

"Matcha? My treat." he offered.

I smiled and nod. "I need that" 

"You can take your seat. I'll give it to you in a bit." he smiled and pat my hair.

Nailing nalang ako at sumunod Kila Casper na nag-iingay na naman.

"'di nga ako marunong sumaway ng tango. Tanginang 'yan" rinig kong reklamo ni Ares.

"Kaya nga tayo mag p-practice 'di ba. Saka sayaw lang naman 'yan." ingos ni Casper.

"Baliw ka ba? Alam mo ba paano gawin steps ng tango?"

"Hindi" natampal ni Aries 'yong noo niya saka hinilot. "Layuan mo muna ako Casper. Kumikinangina ka ngayon bwesit ka."

Inirapan lang naman siya ni Casper saka nag search ng kung ano sa cellphone niya.

"'Yong sa amin nga bachata!" magiliw na palakpak ni Ivy.

"Excited na akong gumawa ng costumes namin! Si Veron naman bahala sa make ups namin. Planado na 'di ba." dagdag pa niya.

"Bachata? Sino naman pair niyo?" Tanong ni Leo.

"Secret. Mag pe pair pa kaming lahat Mamaya eh."

Amor Fati Series #1: Chasing Thy FateWhere stories live. Discover now