Chapter 6
"Hi Kyle long time no see.." Bati niya kay Kyle ng makita niya itong papasok sa building na pag-mamay-ari ni Gabriel Hoffman.
Napakunot agad ang nuo ni Kyle ng harangin niya ang daraanan nito. Mukhang nagmamadali pa naman ito.
Natutuwa siya dahil nakita niya ito kaninang umaga sa opisina ni Gabriel. Hindi niya lubos akalain na makikita niya itong muli.
Talagang maliit lang pala ang mundo. After how many years since she last saw him? 10? 12? hindi na niya mabilang.
Kyle was her only ex boyfriend. Akala niya ito na ang ka-forever niya noong magkarelasyon palang sila at ito ang bumuo ng high school life niya ngunit naghiwalay rin sila ng lokohin siya nito.
"Anong kailangan mo?" Masungit nitong tanong sakanya
Masama ang tingin nito sa kanyang suot na damit. Halos lumuwa na kasi ang buong dibdib niya sa kanyang suot na pink sando na tinernohan niya ng napaka-iksing miniskirt.
"Papasukin mo ko diyan. Isabay mo ako. Ayaw kasi ako papasukin ng guard eh" Napakamot siya sa kanyang kilay.
Kanina pa kasi siya naroon sa tapat ng building ni Gabriel Hoffman. Nakalimutan niya kasing kunin ang cellphone number nito. Mag-iisang oras na tuloy siyang nakatambay doon.
Kinakabahan siya dahil mag-aalasais na ng gabi baka umuwi na ito.
Lalong kumunot ang nuo ni Kyle sa sinabi niyang munting request dito.
"Bakit ko naman gagawin yun? At hindi ka talaga papa-pasukin ng guard dahil sa suot mo"
"Please? Kailangan kong makausap si Mr.Hoffman"
"No. I have to go now"
Hinawakan niya ang braso nito at para bang napaso ito.
"Sorry. Please Kyle kailangan ko talaga makausap si Gabriel--"
"Ano bang kailangan mo kay Sir? Kung sa tingin mo papatulan ka ni Sir Gabriel sa ginagawa mong pang aakit nagkakamali ka. Hindi niya ibababa ang level niya sayo"
Nasaktan siya sa sinabi ni Kyle. Tinignan pa nito ang kanyang itsura ngayon. Para bang inis na inis ito sa itsura niya.
"Ang dami mo namang sinabi. Tawagan mo nalang si Gabriel."
Binalewala nalang niya ang pag iinsulto nito sakanya. Wala siyang mapapala kung papatulan niya pa ito. Wala itong alam sa nangyayare ngayon sa kanyang buhay kaya hindi niya ito masisisi kung bumaba ang tingin nito sakanya
Huminga ito ng malalim at para bang inis na inis sakanya. Ngunit sinunod nito ang kanyang hiling. Tinawagan nito si Gabriel sa cellphone nito.
"Sir nandito po yung babaeng kasama ni Sir Kenjie kanina. She wants to talk to you"
Hindi niya alam kung anong sinagot ni Gabriel.
"Okay Sir" Sagot ni Kyle bago nito binaba ang cellphone nito.
"Tara na?" Nakangiti niyang tanong kay Kyle dahil sigurado siyang papapasukin siya ni Gabriel
"No. Umuwi kana raw." Lumakad na palayo si Kyle pagkatapos nitong sabihin iyon sakanya.
Hinabol niya si Kyle ngunit naharang nanaman siya ng guard. Wala tuloy siyang nagawa kundi maupo sa bandang gilid.
Mayroon kasi sampung baitang ng malapad na hagdanan bago ka makarating sa main door ng building.
Na-upo nalang siya sa pinakadulong baitang ng hagdanan. Balak nalang niyang hintayin lumabas si Gabriel Hoffman.
"Nakakainis.."
Lumipas ang isang oras at hindi parin lumalabas si Gabriel sa building na ito. Marami ng empleyado ang nag uuwian maliban dito.
Napahawak tuloy siya sa kanyang sikmura. Nagugutom nanaman kasi siya.
Simula ng makulong ang kanyang tatay napabayaan na rin niya ang kanyang oras sa pagkain. Ayaw niya ring gumastos para sa sarili niya. Madalas instant noodles lamang ang kanyang kinakain okaya ay itlog.
Katulad nalang ngayong araw na ito, Ang huli niya pang kinaen na pagkain ay ang pagkain na nilibre sakanya ni Gabriel hoffman sa isang fast food restaurant kaninang umaga. Wala pa siyang kinakain simula kaninang umaga.
Sinilip niya ang kanyang bag kung mayroon siyang natitirang skyflakes doon. Napangiti siya ng makita niya ang kalahating skyflakes
"Ay salamat meron pa"
Akmang kakagatin na niya ang skyflakes ng marinig niya ang boses ni Gabriel sa kanyang likuran
"Why are you still here?"
Napigil tuloy ang pagkain niya ng skyflakes dahil sa biglaan nitong pagsulpot sa kanyang likuran
"Gabriel! Naku sa wakas lumabas ka rin! Uugatin ako sayo kakahintay eh!"
Itinago nalang niya ang kanyang skyflakes sa loob ng kanyang bag.
"Sa lahat ng gold digger ikaw lang ang may sirang bag"
Napangiti siya sa sinabi ni Gabriel. Marahil napansin nito ang bakbak sa kanyang bag.
"Ayos pa naman to eh"
"Sirang-sira na yang bag mo bakit hindi mo pa palitan?"
"Grabe ka naman. Sira lang hindi sirang sira" Biro niya kay Gabriel.
Pasimple niya itong inamoy. Ang bango bango kasi nito! Uwian na pero parang bagong ligo parin ang amoy nito.
Ang bango naman! Pogi na mabango pa!
"Anyway. I already told you, wala kang mapapala sakin. Kaya tigilan mo na ang pangungulit sakin"
"Hindi ako titigil hangat hindi kita napapa-payag."
"If you don't stop this. Ipapahuli na kita sa pulis"
Napalabi siya sa sinabi nito. Napatingin naman ito sa kanyang labi.
"Huwag naman. Nagtatrabaho lang naman ako eh"
"Why don't you find other jobs?"
"Hindi pwede eh. Kailangan ko ng maraming pera as soon as possible"
Napa-iling nalang ito sa naging sagot niya.
"For the last time, sasabihin ko sayong umuwi kana. Habang mahaba pa ang pasensya ko"
Napamulsa ito habang nakatingin parin sa kanyang mukha. Hindi niya tuloy maiwasan isipin na tinititigan nito ang kanyang mukha dahil nagagandahan ito sakanya
"Pumayag kana Gabriel. Isang gabi lang naman eh. Pag pumayag ka promise hinding hindi na kita guguluhin pagkatapos nun"
Kumapit siya sa kamay nito dahil tatalikod na sana ito sakanya. Mukhang suko na ito sa kakulitan niya.
"Nasaan na yung coat na binigay ko sayo kanina?" Kunot nuong tanong nito sakanya. Naramdaman kasi nitong malamig ang kanyang mga kamay.
"Nasa bahay namin eh. Umuwi kasi ako para maligo ulit kaya nagpalit ako ng damit"
"Nilalamig ka tuloy"
Muli itong napabuntong hininga. Tinangal nito ang kanyang kamay sa pagkakahawak niya sa kamay nito.
Napatulala nalang siya dahil hinubad nitong muli ang business coat na suot suot nito at ipinatong nito iyon sa kanyang balikat upang suotin niya iyon
Ito na ang pangalawang pagkakataon na dinamitan siya nito ng sarili nitong coat. Ganoon parin ang epekto sa kanyang katawan. Para bang may kakaiba itong nahahaplos sa kanyang puso.
Bakit ba gwapo na nga ito ay naging mabait pa?!
"Pangalawang coat ko na to na ibibigay sayo. Sana naman magdamit kana ng maayos sa susunod" Tumalikod na ito sakanya at lumakad palayo.
Sa tuwing gagawin nito iyon sakanya ay para siyang nawawala sa kanyang sarili.
Napatulala nalang siya habang papalayo ito.
Ngunit parang tumalon ang kanyang puso ng tumigil ito sa paglalakad at lumingon sakanya.
Tinignan nito ang kanyang suot suot na damit bago ito lumapit muli sakanya.
Nakakunot ang nuo nito habang papalapit ito sakanya.
"Saan ka ba nakatira?"
"H-Ha?" Wala sa sariling tanong niya. Hindi pa nga siya nakakamove on sa ginawa nitong kabutihan sakanya ay heto nanaman ito at pinapatibok ng kakaiba ang kanyang puso
"Where do you live?"
"S-Sa bahay namin" Parang tanga niyang sagot dahil wala parin siya sa tamang huwisyo
Napabuntong hininga ito na para bang naiinis na sakanya
"Ihahatid na kita. Konsensya ko pa pag na-rape ka sa daan dahil diyan sa suot mo. Just follow me"
Lumakad na ito palayo sakanya. Hindi naman niya maintindihan ang namumuong damdamin sa kanyang dibdib dahil sa pinapakita nitong kabutihan sakanya
Napahawak tuloy siya sa kanyang dibdib.
Bukod kasi sa tatay niya ito palang ang taong nagpakita ng kabutihan sakanya.
Nang mapansin niyang napapalayo na ito sakanya ay doon palang siya natauhan. Nagmadali tuloy siya sumunod dito.
Sinundan niya ito ng muli itong pumasok sa loob ng building.
Nakita pa siya ng guard na kasunod ni Gabriel.
Tinaasan niya lang ng kilay ang guard at hindi niya maiwasan ilabas ang kanyang dila upang belatan ito. Inis na inis kasi siya sa masungit na guard na ito kanina pa.
Sakto naman napalingon si Gabriel sakanya at nakita nito kung paano niya belatan ang guwardiya. Pinigilan nalang nito mapangiti dahil sa asal bata niyang ginawa
Napakamot nalang sa ulo ang guwardiya dahil sa ginawa niya
Derederetso silang dumaan patagos sa pinakadulo ng building kung saan naroon ang parking area.
Pinagbuksan pa siya nito ng pintuan ng kotse nito. Napakagentleman naman pala talaga nito!
"Tenkyu" Medyo pacute tuloy niyang pasasalamat dito
Napangiti nalang ito ng kaunti sa kakulitan niya.
Nang mag umpisa itong magmaneho ay nagtaka siya kung paano siya nito nakita sa harap ng building kung sa likod naman pala ang parking area.
"Ang layo pala ng parking area sa harap. Mabuti nakita mo ako doon sa kabila?" Tanong niya
Hindi ito sumagot ngunit napansin niyang namula ng kaunti ang tenga nito.
"Hinanap mo ako no? Asus kunyari ka pa Gabriel gusto mo rin akong ikama ano? Ayy!"
Napatili siya ng bigla itong magpreno
"Kung ano ano kasing sinasabi mo." Kunot nuo nitong sita sakanya
"Kinabahan ako don ha! Dahan dahan naman baby!"
Nakakunot parin ang nuo nito bago ito muling nagmaneho.
"Saan ka ba nakatira?" Medyo inis nitong tanong sakanya
"Sa tayuman."
"Ang layo naman?"
"Nag-LRT kasi ako papunta sa office mo."
Napabuntong hininga nalang ito. Para bang hindi nito inaasahan na malayo ang kanyang bahay mula sa office building nito.
"Pero kung ayaw mo nakong ihatid ayos lang naman mag tataxi nalang ako--"
"Ihahatid kita. Just don't talk too much" Putol nito sa sinasabi niya
Napangiti siya dahil ayaw niya rin gumastos ng pangtaxi niya. Ayaw niyang mabawasan ang pera sa kanyang bank account dahil para iyon sa kanyang tatay.
Tumahimik nalang siya habang bumabiyahe sila. Ayaw niya rin naman kasing pababain siya nito.
Pasimple niya itong sinusulyapan habang nagmamaneho ito.
Kakaiba talaga ang karisma ni Gabriel dahil nag uumapaw ito sa kagwapuhan.
Dahil sa katahimikan muling narinig nito ang pagkulo ng kanyang sikmura
Automatikong napakunot muli ang nuo nito at tumingin ito sakanya
"Don't tell me, you have not eaten yet?"
Napangiwi nalang siya. Bakit ba kasi ang lakas ng tunog ng kanyang tiyan?
"H-Hindi pa eh. Pero hindi ako nagpapalibre sayo ha. Kakain nalang ako pag uwi ko"
"Bakit nagpapalipas ka ng gutom?" Masungit nitong tanong sakanya
"N-Nakakalimutan kong kumain eh"
Napa-iling nalang itong muli. Mukhang napapadalaa ang pag iling nito sa kakulitan niya.
Maya-maya pa lumiko ito sa isang drive-tru fast food
"What do you like to order?"
Nahiya tuloy siya. Ayaw niyang isipin nito na sinasadya niyang magpalibre!
"N-Naku huwag na Gabriel. Kakain nalang ako sa bahay--"
Hindi pa siya natatapos magsalita ng mag order ito.
"Two pcs chicken and five extra rice. Medium Coke please"
Napangiti siya dahil sa five extra rice na inorder nito.
"Why are you smilling?" Tanong nito ng mapansin ang kanyang pagngiti
"Natatawa lang kasi ako sayo. Ang takaw mo pala! Limang extra rice talaga?" Natatawang sabi niya
"Alam kong malakas ka sa rice"
Nawala tuloy ang ngiti niya. Akala niya para sa sarili nito ang inorder nito.
"P-Para sakin yun?"
"Sino ba satin ang kumulo ang tiyan?" Kinuha na nito ang inorder nito at iniabot sakanya
"S-Sakin to lahat?"
"Yeah kumain nako eh"
Heto nanaman tuloy ang puso niya. Patibok tibok nanaman muli para sa lalakeng ito. Lalong kumulo ang kanyang sikmura ng maamoy niya ang napakasarap na amoy ng chicken.
"S-Salamat Gab. Gutom na gutom na talaga ako"
Pinigilan niyang mapaiyak dahil baka maweirdohan na talaga ito sakanya. Pero simula kasi ng makulong ang tatay niya ngayon palang siya muli kakain ng fried chicken. Tipid na tipid kasi siya sa kanyang pera.
"P-Pwede na ba akong kumain ngayon dito?" Nahihiyang tanong niya. Baka kasi ayaw nitong madumihan ang kotse nito
"Yeah" Pagpayag nito
Agad niyang sinimulan kumain habang tahimik lang itong nagmamaneho.
Pinipigilan nitong mapangiti ng makita nitong nauubos na niya ang limang extra rice na inorder nito
"Salamat nabusog ako"
"Halata naman" Napapangiti ito ng makitang buto buto nalang ng chicken ang natira
Ilang saglit pa ay nakarating na sila sa tapat ng kanyang bahay.
"Yan yung kulay brown na pintuan yan yung bahay namin"
Maliit lang ang bahay nila ng kanyang ama dahil nangungupahan lamang sila.
"It's so small. Ilan ba kayong magkakapatid?" Usisa nito sakanya pagkahinto nito sa tapat ng kanyang bahay
"Wala akong kapatid. Patay na rin yung nanay ko."
"Oh i'm sorry"
"Ayos lang yun. Ako lang mag isa ngayon sa bahay namin gusto mo gawin na natin yung utos ng kuya Kenchi mo?"
Napangiti ito ng kaunti
"That will never happen. This will be our last time seeing each other. Please huwag mo nakong kulitin kasi hindi talaga kita pagbibigyan"
"Bakla ka ba?"
Kumunot agad ang nuo nito
"What?"
"Bakla ka siguro. Ayaw mo ng chukchakan eh"
Mukhang nainis ito sa kanyang sinasabi ngunit mas pinili nalang nitong hindi siya patulan
"It's getting late. Bumaba kana"
"Sungit. Kukulitin parin kita hangang sa mapa-payag kita"
"Sasayangin mo lang ang oras mo"
"Gusto pa kitang makita eh"
Napalunok ito sa kanyang sinabi
"Good bye Alime"
"Good night baby salamat sa paghatid sakin at pag libre. Bukas ulit ha? Hangang di ka pumapayag kukulitin kita. Kailangan ko talaga ng pera ng kuya Kenchi mo"
"Kenjie not Kenchi"
"Oo nga pala. See you tomorrow baby!" Napabungisngis tuloy siya.
"Ano bang gagawin ko sayo para tumigil ka lang sa pangungulit?"
"Mag sex tayo!"
"Get out" Pagpapalayas nito sakanya sa sasakyan nito.
"Kung pumapayag kana ngayon edi sana bukas hindi mo na ako makikita. Hindi na kita kukulitin"
"Get out Alime." Ulit nito
Napabuntong hininga siya
"Ayaw mo talaga? Tara na sa bahay namin--"
"Out" Mas masungit nitong pagpapa-alis sakanya
"Okay fine. Bukas nalang ulit" Dali dali na siyang bumaba ng kotse nito dahil naiinis na ito sakanya.
Pagkababa niya sa kotse nito pinaharurot agad nito palayo ang kotse nito.

BINABASA MO ANG
One night deal
RomantikShe need 1Million pesos bail for her father! Kailangan niyang makahanap ng magpapa-utang sakanya ng isang milyong piso! Saang kamay naman ng diyos niya iyon hihingin?! Hindi sapat ang kinikita niya bilang elevator girl para maka-ipon ng isang milyon...