CHAPTER 2

9 0 0
                                    

Mahigit isang buwan na rin ang lumipas ng mag simula ang pasukan. Naging tahimik naman ang naging takbo ng buhay ni Lara. Ngunit minsan dinadalaw pa rin sya ng kanyang  nakaraan.

"Hoy! Lara tulala ka na naman dyan. Ano ba ang iniisip mo? " wika ni Leni sabay upo sa harapan nya. Nasa cafeteria sila ng school, lunch break.

" Wala naman." Saad nito pagkatapos balingan ang kaibigan. Ngumiti rin sya rito ng bahagya, at inalis ang kamay na kanina ay pinag papatungan ng kayang baba.

" Nakita mo ba si Owen?" tanong ni Leni at lumingon sa paligid, nagbabakasakaling makita ang isa pang kaibigan.

"Hindi nga e."

"Saan na naman kaya nagsususuot ang lalaking 'yon!" Saad ni Leni sabay irap sa kawalan.

Natapos ang lunch break ngunit walang Owen ang lumitaw sa paningin nilang dalawa.

"Lokong Owen yun. Nag cutting class, nag quiz pa naman tayo!"

"Baka may emergency sa kanila" wika ni Lara.

"Hay naku! Ewan." Saad ni Leni at bumalik na sa kanyang upuan.

Madilim na ng matapos ang huling klase nila. Hindi na talaga bumalik si Owen kanina.

Sigh.

Napahinto ako sa paglalaakd ng matanaw na madilim ang tulay dadaanan ko. Siguro nasira yung lampost sa may gilid. Wala pa naman masyadong dumadaan. Napahigpit na lang ako ng kapit sa strap ng bag ko at nagpatuloy na sa paglalaakad. Bigla akong kinabahan Ng nasa gitnang parte na ko ng tulay. Feeling ko may sumusunod sakin kaya napalingon ako sa may likuran ko. Wala Naman tao, Kaya naman binilisan ko na lang ang paglalaakad.

"Ay kabayong palaka!" Sigaw ko ng may biglang sumulpot sa harapan ko. Napahawak ako sa aking dibdib.

"Hahaha natakot ba kita?" Sabay ngisi nito sakin. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Ipinag sa walang bahala ko na lang.

"Grabe ka Owen! Nakakainis ka ah" Saad ko dito. Ang bilis pa Rin Ng tibok Ng puso ko dahil sa pagkagulat.

" Ito Naman 'di mabiro e" sabay kamot nya sa batok.

"Anong ginagawa mo ba dito? Gabi na ah tapos nag cut kapa Ng class kanina."

"A-ano may dinaanan lang ako dito. Tapos bigla kitang nakitang seryosong naglalakad kaya naisipan ko na gulatin ka." Ngiti nitong saad sakin habang may pataas taas pa ng kilay nya.

"Napaka mo rin e noh" Sabi ko tapos inirapan sya.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalaakd. Sinabayan nya naman ako.

"Hatid na Kita baka mamaya mambiktima ka pa eh mapaano ka pa e hahaha." Habang nakangiti.

"Ha.ha.ha last mo na yan " sabay irap. Sira ulo talaga.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalaakad, ganun din sya. Medyo mauuna syang maglakad sakin dahil ang laki ng hakbang nya. Bigla akong napatingin sa suot ni Owen. Naka uniform pa rin kaso nga lang may napansin akong pulang likido sa may laylayan ng uniform nya.

Bigla akong napahinto.

"Bakit ka huminto Lara?" Nagtataka nyang tanong.

"A-a wa-wala naman may naalala lang ako." Binilisan ko na lang Ang pag lakad. Buti hindi na sya nagtanong pa.

Nang makarating na kami sa may tinutuluyan ko agad na Rin akong nagpaalam sa kanya.

"Bukas na lang ulit" si Owen habang kumakaway paalis.

Nang mawala ito sa paningin ko ay mabilis akong umakyat sa aking inutuluyan. Nilock ko agad ang pinto at sumandal dito habang nanginginig ang mga kamay ko.

Bumabalik na naman ba?
Sana hindi...

Nakatingala ako ngayon sa may kisame. Hindi ako makatulog. Natatakot ako na... mapanaginipan na naman ang nakaraan. Natatakot akong mangyari na naman ang hindi na dapat maulit. Kahit ayaw ko man na matulog, unti unti na rin akong nilalalom ng antok.

Kinabukasan maaga akong nagising para maghanda ng almusal. Inaayos ko na rin Yung mga gamit ko tutal P. E namin ngayon Kaya pants at t-shirts ang suot ko ngayon.

"Ate pabili nga po nito." Turo ko dun sa tinapay, hindi ko lang alam kung anong tawag.

"Isang babae natagpuan Patay sa may gilid Ng tulay, apat na saksak sa dibdib at tatlong saksak Naman sa likuran Ang natamo Ng biktima.Batay sa autopsiya namatay ang biktima dahil sa kawalan Ng dugo at ayon pa sa autoridad ay nanlaban din Ang biktima. Hindi pa alam ng mga autoridad kung ano Ang naging mutibo sa pag Patay."

"Salamt po" pag abot ko sa sukli.

"Base sa itsura at kasuotan ng
biktima ay Isa itong estudyante.
Tinutukoy na Rin Ng autoridad
Ang pag kakilanlan Ng biktan.

Paalis na Sana ako ng bigla akong mapahinto dahil sa huling narinig. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko, nanginginig akong hinawakan Ang plastik na may laman ng tinapay na dala.

Nasundan nya ba ko?Nanlaki Ang mga mata ko ng maalala na galing kagabi si Owen sa may tulay kung saan mismo nangyari Ang krimen. May bakas din Ng dugo sa kanyang damit. Hindi Kaya......

Bigla akong napatalon ng bahagya ng may kumapit sa balikat ko. Pag lingon ko si Owen pala.

"Hindi ko alam magugulatin ka pala" Saad nito sakin at ngumiti.

Nakatitig lang ako sa kanya. Bakas pa Rin Ang gulag sa mukha ko. Sya ba ang may gawa nun? Kung Hindi sya sino? Pero Anong ginagawa nya dun sa may tulay Lalo na't Gabi na?

"Bakit? May dumi ba ko sa Mukha?" Tanakng tanong ni Owen sabay hawak sa Mukha nya. Nagulat ako ng ilapit nya Yung Mukha nya sakin kaya medyo napaatras ako.

"Wa-wala naman." Sabay iwas Ng tingin sa kanya at sinimulan mag lakad. Sumabay na lang din sya sa paglalakad ko hanggang makarating kami ng school.

Kung mukha ang pagbabasehan hindi sya mukhang gagawa ng masama. Lagi syang nakangiti, lagi nyang inaasar si Leni pero hanggang dun lang Yun. Mabait Naman sya sa lahat ng kaklase namin. Pala kaibigan Naman tapos gwapo din at habulin Ng mga babae.

"Are you sure na ayos ka lang Lara?" si Owen habang may bakas Ng pag aalala sa mukha.

Ngumiti ako sa kanya to make sure na ayos lang talaga ako.

"Ayos lang ako."

Tumunog na Ang bell Kaya binilisan ko na sa paglalakad. Ramdam ko na nakasunod sya sa akin pero hinayaan ko na lang.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It's MeWhere stories live. Discover now