CHAPTER 1

14 0 0
                                    

"Miss saan po kayo bababa?" tanong ng tricycle driver.

"Mmm.... manong sa may Martin University po" wika ko, ito ang unang araw ng pasukan. Panibagong taon, panibagong buhay at panibagong paaralan. Sana sa paglipat ko rito ay tuluyan ko nang malimutan ang mapait na nangyari sa buhay ko ng mga panahong iyon.

"Miss nandito na tayo" saad ni manong driver.

"Salamat po" ani ko at bumaba na ng tricycle.

Naglakad na ako papasok sa Martin University. Pambungad palang halatang mayayaman lang ang nakakapag-aral dito.

"Saan kaya ang building ng DCE rito?" bulong ko sa asking sarili. Naglakad-lakad pa ako para mahanap ang building pero hindi ko talaga makita.

"Miss excuse me pwedeng magtanong?" ani ko sa isang babae. Mukhang mataray.

"Actually nagtatanong kana" wika nya habang nakataas ang isang kilay.

"Ah eh saan ba dito ang DCE building?"ani ko. Sabay ngiwi dahi sa katarayan nya sakin.

"Miss nagbabasa ka ba? ayan o! nasa harapan mo na" mataray na wika nito habang nakataas ang isang kilay.

"He-he-he sabi ko nga eh" sabay kamot ko sa likod ng ulo ko. "Sige salamat" wika ko bago tuluyang umalis.

Kanina pa ako palakad-lakad nasa harap ko lang pala.

."BSIT, 1-IT5" basa ko sa hawak kong papel. Ito na yun at tuluyan na akong pumasok ng classroom.

Kabado akong pumasok sa loob ng classroom. Nadatnan ko ang ilang mga estudyante na paniguradong mga kaklase ko. Tahimik akong umupo sa isang sulok malapit sa may bintana.

"Hi! First year college ka rin ba? " wika ng babae kararating lang.

Tinignan ko muna nsya ng ilang minuto bago sumagot sa tanong nya.

"Hello, Oo" tipid kong sagot sa kanya. Mukha naman syang mabait kaso nga lang ayoko talagang nakikipag-usap sa mga taong hindi ko kilala. Binalik ko na lang ang tingin ko sa may bintana.

"Bago ka lang ba dito?" tanong nya ulit.

Hindi ko na sana sya sasagutin kaso nga lang baka isipin nya na wala akong modo.

"Oo e.." tipid ko ulit na tugon.

"Sorry hindi pa pala ako nakakapag pakilala sayo. Ako nga pala si Leni Legaspi" masaya nyang saad sa akin. Sabay lahad ng kamay sa harapan ko.

"a.. Lara na lang ang itawag mo sakin." matipid kong ngiti sa kanya.

"Mmm.... Masyado ka naman tahimik" Saad nya habang nakangiti.

Nahuhulaan ko na hindi nya ko titigilan. Napabuga na lang ako ng hininga tsaka ko sya binalingan ng tingin.

"Hoy Leni! may ginugulo ka naman dyan!" sigaw nung lalaking nakatayo sa may pintuan ng classroom.

"Para sabihin ko sayo hindi ko sya ginugulo" mataray nyang sabi. "Nakikipagkilala lang ako sa kanya" patuloy nya.

"Owen nga pala" ngiti sa'kin nung lalaking tumawag kay Leni. Umupo sya sa tabi ni Leni.

Nginitian ko na lang sya at bumalik nang tingin sa may bintana.

Pumasok na rin kasi ang Prof namin sa unang subject.

"Good morning everyone!" masiglang bati ng Prof namin. " I hope that all of you have a great day to start your first class!" ang weird naman nya dahil ngiting ngiti sya samin. Well baka jolly talaga syang tao. Sana lahat ng Prof kagaya niya.

Natapos ang unang araw ng klase na wala kaming ibang ginawa kundi mag introduce yourself. Kinabahan ako kanina dahil dyan buti na lang natapos na ang araw na ito.

I sigh because of that thought.

----

Bagsak akong napahiga sa kama pagkarating sa school. Pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit wala pa naman kamimg ginawa buong araw sa school. Nakatulala Kong pinagmasdan ang kisame. This is it. Masasanay din ako rito. Kailangan ko ng kalimutan ang nakaraan.

I sighed.








"Hindi mo ko matatakasan Lara! Mahahanap din kita!"  Saad ng tinig nang isang boses.

Pilit kong itinago ang aking sarili sa likuran ng malaking puno upang hindi nya ako makita. Pigil ang hininga 'wag lang akong makita. Sobrang dilim ng paligid at hinihiling ko na sana hindi nya ako matagpuan.

" Huli ka!" Saad ng boses habang rinig na ring ang malakas nitong pag tawa na tila isang baliw na nakatakas sa mental hospital.

"Hindi!!!" sigaw ko.

Panaginip. Napabalikwas ako ng bangon. Ramdam ko ang mabilis na paghinga. Tagaktak ang pawis ko habang hinahabol pa rin ang paghinga. Napahawak ako sa asking dibdib, Ramdam ang bilis ng tibok ng puso ko.

Parati na lang akong hinahabol ng nakaraang tila ayaw akong panahimikin. Isang bangungot na ayaw ko nang maalala pa. Hindi na naman bago sa'kin ang panaginip na iyon pero kahit ganoon hindi pa rin ako masanay sanay.

"Nakatulog pala ako." usal ko sa asking sarili. Na patingin ako sa orasang nakasabit sa gilid ng pader, alas nuebe na pala ng gabi. 

It's MeWhere stories live. Discover now