Ang sarap mainlove. Masaya, nakakabaliw, minsan masasaktan ka. Pero yung lokohin ka ng taong mahal mo, grabe! Nakakadurog ng puso. Somehow, kaylangan mong bumangon. Magsimula ka ulit ng panibagong buhay mo. Yung puot, galit at sakit na nararamdaman ng puso mo, pansamantala lang yan. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan dahil masasaktan ka lang ng paulit ulit. Kahit na mabigo ka pa sa mga susunod na pagkakataon, tuloy lang ang buhay, 'Go with the flow' kumbaga.
Pero sa sitwasyon ko ngayon, hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Ayokong paulit ulit na masaktan, ayokong umasa. Sa kabila ng mga pagsubok na dinaranas ko, pinipilit kong maging masaya. Hindi ko na napapansin yung mga tao sa paligid ko, sila pala yung totoong taong nagmamahal sakin.
Ang PAGIBIG, hindi dapat pinipilit. Kung ayaw nya sayo, dapat ayaw mo rin sa kanya. Para fair lang!
I'm Royale Capistrano, ang sawi sa pag ibig na kayang gawin ang lahat para sa isang taong iniibig.**************
Yes nmn! First story ko po ito. Sana po magustuhan nyo. Salamat!Do Vote & Comment guys! Thanks! :*