CHAPTER 2

6 5 0
                                    

Chapter 2: Die of Brye Hunter. (flashback-1)

Walong na taon na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang isang kahindik-hindik na pangyayari na naranasan ko sa aking buhay. Limang taon na gulang ng magsimula iyon, hanggang sa magsampong taon na ko ng muli na namang nangyari ang bagay na iyon.

Flashback...

Nandito ako ngayon sa kusina ng bahay namin para ipagbake ng pancake si mom, mahilig siyang kumain nito kaya naisipan ko siyang gawan. Mayamaya ay inihanda ko na ang mga kasangkapan na aking gagamitin. Matapos kong maihanda ang mga kakailanganin ay isa isa ko itong ininalansan sa lamesa para magsimula na. Pero bago iyon ay kinuha ko ang tablet sa may mini table saka ito binuksan at hinanap ang YouTube app at sinearch ang "how to bake pancake". Napangiti ako ng maraming lumabas na tutorial, pinlay ko ang nasa pinakaunang bahagi, pero pinause ko muna ito dahil kailangan ko munang maglagay ng gloves bago magsimula. Pagkalagay ng gloves ay kinuha ko ang mixing bowl at pinlay ko na ang video saka kinuha ang mixing bowl para ilagay ang harina, itlog, asukal, tubig, condense saka ito hinalo halo.

Sinasabayan ko lang ang tutorial sa video hanggang sa matapos ko ito at inilagay sa isang lagayan upang ilagay na sa oven. Mga ilang minuto pa ang aking hihintayin  bago maluto itong pancake.

Habang hinihintay maluto ay inilibang ko muna ang sarili ko sa panonood ng mga videos sa youtube. Sa gitna ng aking panonood ay bigla na lamang tumawag ang  kaibigan kong si Jeson.

Kaya agad ko itong sinagot dahil baka may importanteng sasabihin pero sigurado akong mag-aaya na naman ito kung saan, kaya laging napapagalitan ng magulang.

"Hello Jeson, good morning! Ang aga ng tawag mo ah, 5:00 AM palang oh." Halata sa itsura niya na kagigising palang at nakahiga pa ito sa kaniyang kama at gulogulo ang mga hibla ng buhok, makalat ang kuwarto dahil medyo nakalayo ang mukha niya sa screen kaya halos makita mo ang kalagayan ng kaniyang kuwarto.

"Yeah, gumising talaga ako ng maaga para ayain kang magjogging ngayon." Paano pala kung 'di pako gising maaaya kaya niya 'ko." Dito lang naman paikot sa village natin at pagkatapos ay punta tayo sa Jollibee para mag-umagahan" dugsong na sabi niya habang humihikabhikab pa.

'Yan Si Jeson Clerson Harrington ang nag-iisa kong matalik na kaibigan dito sa Japan. Iisa lang ang pinapasukan namin na paaralan at siyempre magkaklase kami kahit matanda ako s
sa kaniya ng dalawang taon.

Palagi niya akong inaaya magexercise pero pagkatapos non ay yayain naman niya ako kumain kaya ang ending wala rin ang aming inehersisyo.

"Siguro sa susunod nalang Jeson, may ginagawa ako eh," tanggi ko sa aya niyang magehersisyo.

"Bakit? Ano ba ginagawa mo? Ang aga aga oh! Kaya kita tinawagan kasi nakita kitang nakaonline kaya naisipan ko na ayain ka magexercise." Himutok na sagot sa akin ni Jeson.

"Eh bakit galit ka?" Maang maangan kong sagot.

"Hindi naman nagrereklamo lang hehe," sabay na tawa niya na parang nahihiya.

"Pinagbe-bake ko kasi ng pancake si mom at gusto ko siyang sorpresahin paggising niya."

Matagal ko na talagang gusto ipagbake ng pancake si mom dahil paborito niya ito para man lang sa simpleng pamamaraan ay mapasaya ko siya, ngayon lang kasi ako nagkaroon ng oras na gawan siya nito.

Hindi na'ko kinulit ni Jeson at hindi narin niya tinuloy ang pageehersisyo dahil wala raw siyang kasama, gusto pa nga pumunta dito ng malaman niya na nagbebake ako ng pancake pero tumanggi ako kaya ipinagpatuloy na lamang niya uli ang pagtulog.

ROYO CLAN UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon