Chapter 1

20 5 5
                                    

Chapter 1: Airport

Bright Thyler Calixton

Pagkalapag ng eroplano ay agad kong hinanda ang maliit na maleta na dala ko. May dala rin akong maliit na shoulder bag na ang tanging laman lang naman ay wallet, cellphone, at mga ibang accerories na madalas kong gamitin. Nang matapos kong mahanda ang mga dala ko ay napansin kong unti-unting naglalabasan ang mga pasahero na kasama ko sa loob ng eroplano. Kaya agad na rin akong tumayo at nakipag unahan lumabas, hindi ko na pinansin ang sinasabi ng stewardess.

Pagkababa ko ng eroplano ay hindi ko maiwasang sa ganda ng Pilipinas, sabay  sumalubong sa akin ang ihip ng hangin "nakakamiss" 'yan na lamang ang nasambit ko. Mayamaya ay bigla na lamang ako nagtatalon sa galak at saya.

"Yes! Malaya na 'ko! Magagawa ko na lahat ng gusto ko yuhoo!" sinisigaw ko 'yan kahit pinagtitinginan na ako ng mga tao. Wala mapaglagyan ng saya ang nararamdaman ko, pakiramdam ko ito na ang simula ng ng pagiging independent ko sa buhay.

"Woah!'di ko akalain na makakararating ako dito sa Pilipinas. Thankyou lord!" Napansin ko na may sumisigaw 'din banda sa likod ko, kaya paglingon ko— "aray!" "Aray!" Hindi ko namalayan na masyadong ng malapit sa likod ko itong tao na katulad ko rin na sumisigaw, may pasayaw-sayaw pa kasing nalalaman kaya saktong paglingon ko ay nagkabungguan kami.

Napalakas ata ang puwersa ng bawat isa, kaya nahulog ang dala niyang gamit sa sahig, kaya agad niya itong pinagkukuha isa-isa. Nakajacket at nakamaong pants siya at pansin ko na may suot siyang headphone mula kasi sa kinatatayuan ko ay nakatalikod siya, mahaba rin ang kanyang buhok na umabot na sa kanyang leeg pero nagpusod ito kaya umabot na lamang ito sa batok.

Pinag-mamasdan ko siya habang nakatalikod, parang pamilyar sa akin. Habang iniisip kung sino ang taong iyon ay bigla na lamang siya lumingon sa gawi ko.

"J-jeson!" Tama nga ako si Jeson Harrington, Isa sa mga matalik kong kaibigan noon, nagkahiwalay lang kami nung simula ng lumipat sila sa Germany. "B-bright," gulat na gulat ang reaksiyon ni jeson, nanalalaki pa ang mga mata habang hawak hawak ang aking muka.  "Bright! Ikaw nga!"

"Ano ginagawa mo dito?" sabay pa naming tanong sa bawat isa.

"Ginagaya mo ba 'ko?" "Ginagaya mo ba ako?" Siya parin si Jeson , yung childhood bestfriend ko na mahilig manggaya ng mga sasabihin mo kapag trip niyang mang asar,  hanggang sa makaramdam ka ng inis saka doon siya titigil.

"Gagu!" "Gagu!" pangagagaya na naman niyang muli, alam kong nararamdaman niya na naiinis na 'ko kaya tumigil na siya sa panggagaya sa anumang sasabihin ko.

"Seryoso Jeson, ano ginagawa mo dito sa Pilipinas? Diba nasa Germany ka?Kayo?"

Nagtataka talaga ako kung bakit  nandito siya sa Pilipinas, pero sabagay sumakay 'din ng eroplano kaya nandito sa Pilipinas, pero gusto ko talaga malaman ang tunay na dahilan.

"Dito talaga sa gitna ng airport Bright, gusto mo ako magkwento? Ang daming taong makakadinig, ayoko malaman nila ang kayamanan at kaguwapuhan ko," sabi niya habang inaayos ang suot na jacket  at pinasadahan ang kaniyang buhok gamit ang mga kamay.

"Tss, hangin. Hanggang ngayon ganyan ka parin, wala ka talagang pinagbago," sabi ko habang nagsisimula ng maglakad.

Iniwan ko siya sa may puwesto namin kanina pero patuloy niya parin akong sinusundan at sumasagot sa mga sinasabi ko.

"Oo, ganito parin ako! Gwapo, matangkad, matangos ilong, porselana ang kulay ng balat, singkit ang mga mata, siyempre half-half to eh, saka mahaba ang buhok na umabot na sa balikat ko," aniya na halos ilarawan na ang sarili.

"Oo half unggoy ka, tss, bahala ka na nga diyan ang ingay mo," sabi ko habang binibilisan ang lakad.

Tuloy tuloy parin ako sa paglalakad at kanina pa sunod ng sunod sakin si Jeson at kung ano ano ang sinasabi pero hindi ko na lamang pinapansin.

ROYO CLAN UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon