Present....
Mula sa sinag ng araw ay unti unting nagmulat ng mata si Denise. She suddenly felt her head spinning like crazy. Her face contorted in pain but she managed to look around where she was. The last time she remembered was she's in lethal in hell.
Her heart instantly pumped so fast. No! This can't be! How could she forget this room?! How come she's in here?!
Until her mind slowly remembers everything. As in everything! And the kiss? Fuck! No way!
Kinapa niya ang sarili pero wala naman siyang naramdaman na kung ano na masakit sa katawan niya. Pero agad siyang nanigas ng mapansing nakasuot siya ng pantulog. Naalala niya ang damit na suot suot niya. Isa ito sa mga damit niya na nakatago lang sa penthouse ni Isiah.
Ibig sabihin ay hindi pa nito tinatapon ang mga damit niya?
At Ibig din sabihin ay si Isiah ang nagpalit sa kanya ng damit? Damn!
Inilibot niya ulit ang tingin sa kabuuan ng silid ng dating nobyo. Walang pinagbago iyon, Kung ano ang ayos noong huli niyang punta ay ganoon parin. Nang dumapo ang tingin niya sa bedside table ni Isiah ay hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. It was their first year anniversary picture in Japan. Nakahalik sa pisngi niya ang binata habang nakangiti naman siyang nakatingin sa camera.
Umiling iling siya para alisin ang mga emosyong pilit na pumapasok sa sistema niya. Nang makita niya ang damit niya sa sofa ay may pagmamadaling naglakad siya para magbihis , saka niya kinuha ang kanyang bag.
She tiptoed and tried not to make a sound. Bahagya muna siyang sumilip bago lumabas ng silid nito. Pigil ang paghinga niya habang mabagal na pumupuslit sa penthouse ni Isiah. Nang mapadaan siya sa kitchen ay narinig niya pa ang mahinang pagkanta ni Isiah habang abala ito sa pagluluto. Pinigilan niya ang sariling pakinggan ang pagkanta nito at muling naglakad ng walang ingay.
Her breathing came back to normal as she got out from Isiah's penthouse.
You shouldn't have drink too much! Pagkastigo niya sa sarili ng makasakay siya sa elevator. Kung hindi siya nagpakalasing kagabi ay nakakatiyak siyang hindi siya mapapadpad muli sa penthouse ng dating nobyo. Agad na naalala niya ang halikang naganap sa kanila kagabi. Parang pakiramdam niya ay nararamdaman parin niya ang malambot na labi ni Isiah sa bibig niya. The way he kissed her making her blood rush up to her face. Still the same effect five years ago.
Erase ! Erase Denise! Stop thinking about him! It's just a kiss! Nothing else! Hindi na pwedeng maulit iyon!
Nang bumukas ang elevator ay lakad takbo niyang tinungo ang labasan. Inip na inip na siya habang naghihintay ng taxi, kaya naman laking pasasalamat niya ng may makita siyang paparating kaya dali dali niya iyon pinara.
Akmang bubuksan na niya ang pintuan ng taxi ng walang ano ano'y may nagposas sa palapulsuhan niya!
Galit na nilingon niya ang pangahas at halos mabitin ang paghinga niya ng nakangiting si Isiah ang bumungad sa kanya. Nakajogging pants lang ito at walang suot pang itaas. Lihim siyang napalunok ng makita ang katawan nito. Kung dati ay apat na abs lang ang meron ito noon, ngayon ay anim na. Mas lumaki at humulma pa lalo ang katawan nito kumpara noon. He became more hot and handsome now than before.Nakangising ipinosas naman nito ang sarili pagkatapos ay dumukwang para kausapin ang driver ng taxi.
"Boss, pasensya na. Hindi sasakay tong girlfriend ko."
Agad naman siyang nagising mula sa pagkatulala dahil sa sinabi ni Isiah. Dumukwang rin siya para kausapin ang driver. "Kuya wait. Sasakay po ako." Nagmamadaling pumasok siya sa loob ng taxi pero napanganga siya dahil nahila niya si Isiah. Nawala agad sa isip niya na nakaposas silang dalawa.
YOU ARE READING
HOT AND COLD
RomanceWARNING : SPG/R-18/MATURE CONTENT Playgirls Series 3 -Denise Ancheta Isiah Williams & Denise Ancheta