Kabanata I

22 2 0
                                    

TEASER

Umuulan ngayon. Ako naman umiiyak. Nakikisabay ba naman ang ulan! Yakap-yakap ko ang unan ko at nanunuod sa bawat bagsak ng ulan. Bawat patak nito sa may bintana, sabay naman ang isa-isang tulo ng luha ko at paghikbi.

Napalingon ako sa mga batang naglalaro. Pinagmamasdan ko ang mga tawa’t saya sa kanilang mga labi at mukha. Bigla kong naalala ang mga araw na kasama ko si Jethro. Sa araw nay un, nasaksihan ng ulan ang unang pagtibok ng puso ko.

Sa kalagitnaan ng ulan, napalingon ako sa may bandang gilid ng Cafeteria. Inaninag ko ang lalaking nakatayo sa gilid ng gusaling yun.

“Si Jethro!” sabi ko sabay tayo.

Sa biglang paglakas ng tibok ng puso ko na halos mabingi na ako ay bigla rin ang paghina ng ulan.

Hindi lang si Jethro ang nakita ko, isang pulutong ng lalaki ang tumungo sa kanya.

“Mukhang mapapaaway siya nito.” Sabi ko sa sarili.

Humakbang ng paunti ang isang lalaking nakasuot ng berdeng jacket. Mukhang may masinsinan silang usapan. Pinagmamasdan ko pa rin sila, pinalayo muna nung lalaking nakasuot ng berdeng jacket ang mga kasamahan niya. Gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila kaya lang ang layo nila. 

Hindi ko namalayan na gabi na pala at patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan.

"Nagugutom yata ako." sabi ko

Tumungo ako sa kusina para maghanap ng pagkain. Tiningnan o yung ref kung anong pagkain ang makakain ko.Out of the blue, isang tunog ang narinig ko…

 Crackkk…

Napatayo ako bigla at pinagmamasdan ang paligid. Kinuha ko yung kawali para pang depensa kung may magnanakaw nga bang nakapasok sa apartment na to.

Sa pangalawang beses, isang tunog ang biglang nagpatayo ng balahibo ko.

Crackkk…

Isang pangamba ang gumulo sa isip ko. Biglang naalala ko di Jethro. Dali-dali akong pumunta sa labas.

Sa hindi inaasahang pangyayari, isang lalaki ang nakahandusay sa daan na duguan at walang malay. Tumungo ako palapit at inaninag ang mukha nito. Si Jethro nga ang lalaking ito. Binugbog pala siya nung grupo ng mga lalaking nakita ko kanina. Hindi ko na siya dinala sa hospital dahil hindi ko na naisip pa ang dalhin siya. Nagpaulik-paulik akong dalhin siya sa apartment. Hindi ko kasi kayang Makita siya. Nasasaktan kasi ako pag naalala ko kung paano niya ako pinaglaruan.

Hindi ko sinunod ang sinasabi ng isip ko na wag siyang patuluyin sa apartment. Sa halip, nanaig pa rin ang kabutihang taglay sa puso ko. Pag nakikita ko siya, hindi ko pa rin maiiwasang mahalin siya. Mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal ko pa rin si Jethro.

 Tinulungan ko siyang bumangon. Dinala ko siya sa apartment room ko. Pinahiga ko siya sa kama ko. Napakaraming pasa at galos sa mukha niya. Ang dati niyang gwapong mukha ay napalitan ng isang mukhang puro pasa at halas. May nakaalsang putok sa may noo niya. Namamaga rin ang mapupulang labi niya. Ang damit niya ay gutay-gutay at puro bubog ang nakadikit sa may paanan niya.

Pumunta ako sa kusina para magpakulo ng tubig. Mga limang minuto ko rin yung pinakuluan. Inilagay ko ito sa isang bowl kasama ang pampunas. Dinala ko ito sa room ko. Laking gulat ko nung nanginginig siya sa lamig. Umupo ako sa tabi niya. Pinunasan ko yung kamay niya. Tapos, pinunasan ko rin yung mukha niya. Nabigla ako ng hinawakan niya yung kamay ko.

“Cassey, patawarin mo na ako.” Sabi ni Jethro.

Tumayo ako at kumuha ng damit sa cabinet ko. Inilagay ko yun sa may paanan niya at winika, “Ito damit para hindi ka magkasakit.” at lumabas.

Kumuha ako ng pagkain sa kusina at dinala sa kanya.

“Oh, kumain ka muna. Alam ko gutom ka.” wika ko at inilagay ang pagkain sa table ng kwarto ko. Lumabas ako at isinara ang pinto.

Napahinto ako sa may gilid ng pinto. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nahuhulog ako sa mga ngiti sa labi niya. Diyos ko! Ano ba ang gagawin ko. Kailangan ko na siyang kalimutan, masyado ng masakit ang mga ginagawa niya sa akin. Bakit ba hindi ko kayang mapakawalan ang lalaking tulad niya? Bakit ba puro na lang sakit ang dala niya sa buhay ko? Nagmahal lang naman ako, eh, bakit ganito pa?

Nang ako’y gumising, namumugto ang aking mga mata at napansing ako lang mag-isa. Ang pagsikat ng araw ay natatanaw ko mula sa bintana ng room ng apartment na to. Naging panatag ang loob ko at nawala ang sakit na bumabagabag sa pagtulog ko nung mga lumipas na araw.

Tiningnan ko kung aning oras na. Maaga pa sa inaakala ko. Pumunta ako sa banyo para makaligo. Pagkatapos, kumain na ako at dumiretso sa school.

Sa pagpasok ko sa school, natatanaw ko ang kapwa mag-aaral na panay ang ngiti sa akin. Nagulat ba anaman ako! Halos tatlong araw lang naman akong di pumasok.

Sa bandang may puno, nakita ko ang taong kinamumuhian ko sa ngayon. Panay ang titig niya sa akin mula ulo hanggang paa. Matutunaw yata ako sa titig niyang malaapoy ang labas. Kitang-kitab ko sa mga mata niya ang suklam at galit niya sa kain. Hindi ko amiiwasang maawa sa kanya. Alam ko kasi kung paano ako ipinagtanggol ni Jethro kagabi.

Lumapit sa Amiley sa akin. Sa bawat hakbang niya ay di maapulang kaba nag bumabalot sa puso ko. Huminto siya sa harapan ko. Alam ko na kung saan patungo ang usapang ito.

“Pak!” bigla niyang sampal sa mukha ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Umiiyak siya at winika, “Nararapat lang sayo, yan!”

Siya si Amiley, ang bestfriend kong hindi maka-move on. Nagkakilala lang naman kami sa isang magulong sitwasyon. Nung mga panahong yun, iniwan siya ng boyfriend niya. Eh, ako naman naawa sa kanya. Nakita ko kasi kung gaano kalaking sugat sa puso niya, ang ginawa ng boyfriend niya sa kanya.

“Pak!” sampal ko rin sa kanya. “Ba’t hindi mo kayang makalimutan si Jethro. Yan ang nararapat sayo, masyado ka kasing ilusyunada. Move on ka na bhest!” sabi ko sa kanya.

Oo! Si Jethro. Si Jethro ang pinag-aawayan namin. Siya lang at wala ng iba. Siya na bumuwag sa pagkakaibigan naming ni Amiley. Siya na nagbigay-kulay sa madilim kong mundo. Si Jethro na minahal ko ng lubos.

“Ang sakit mo ring magsalita, noh! Kung makahusga ka parang napakaperpekto mong tao. Bestfriend nga talaga kita. Best Enemy Friend!” wika ni Amiley.

“Bakit? Masakit ba ang mga sinasabi ko! Nasasaktan ka ba?” sabi ko. “At saka bestfriend ang turing mo sa akin? Salamat ha, pero ako never kitang itinuring bestfriend.” Patuloy kong sabi.

 Pinapaligiran na kami ng maraming tao. Sa amiley, hindi pa rin kumikibo. Nahihiya ako sa mga pinanggagawa ko.

“Hoy!” tinulak ko siya. “Wala ka bang sasabihin? Ilusyonada! Kontrabida! Bruha ka! Mang-aagaw!” pagmumura ko sa kanya.

Hindi pa rin siya nasusukalam sa mga sinasabi ko. Alam ko na masakit ang mga salitang binitawan ko. Hindi ko gustong masabi yun sa kanya, pero kailangan dahil gusto kong magwala siya sa harap ko, ngunit alam kung hindi niya iyon gaagwin dahil di niya gusting mawala sa pwesto niya, sa pagka-president ng school na to.

“Ahas ka! Panira! Hayop!” patuloy kong pagmumura. “Hindi ka pa rin magsasalita! Oh, ito…” Binuhusan ko siya ng daladala kong juice.

On That DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon