Chapter 2: The Past
Amiley's POV
Nakakatuwa naman! Halos di ko maipaliwanag kung bakit ako nagkakaganito. Siguro dahil kasama ko ngayon si Jethro. Oo! I'm with him at hindi to joke, totoong-totoo na kasabay ko siya sa TAXI. Actually, hindi naman ako nag-cocommute kasi naman ayaw kasi ni mom at dad ko. Susunduin sana nila ako pero nagkataon lang na nakita ko si Jethro, kaya ayun kinilig tapos inutusan si puso na sabihin kay utak na gustong sumabay kay Jethro sa pag-cocommute. Sinabihan ko nalang si mom na may tatapusin pa kaming project ng classmate ko at wag na lang nila akong sunduin. (Nice palusot ^,^)
"Ahh... Hi~!" bati ko sa kanya habang katabi ko siya sa upuan ng taxi.
"..." hindi siya umimik . sa halip ay nagpatuloy siya sa pakikinig ng kanta sa cellphone niya.
Eversince, gustong-gusto ko ang lalaking ito si Jethro. Nakikita ko na kasi ang future naming dalawa. Huwag kayong mabigla dahil hiundi naman ako isang manghuhula. Napanaginipan ko kasi na ikakasal ako sa kanya. Grade 6 lang ako ngayon at ka-batch ko siya. Unfortunately, magkakapitbahay lang naman kami ni Jethro sa kanilang malaking compound. Noong una ko pa nga siyang nakita ay parang isang dejavu ang pangyayari. (Dejavu- isang pangyayaring umuulit, o panaginip na bumalik at nangyari na sa nakaraan)
Napanaginipan ko kasi na isang lalaki ang magpapainlove sa akin sa pamamagitan ng isang nakakatunaw na titig.
"Hello! Ano yang pinakikinggan mo?" tanong ko sa kanya.
"..." Tumingin lang siya sa akin na mistulang walang pakialam sa nangyari.
"Hoy! Bingi ka ba? Ano ba yang pinakikinggan mo?" pag-iirita kong tanong .
Tumingin lang siya sa akin at tinanggala ang earphone niya.
"Wala kang pakialam. Can you please mind your own business. Nakakaistorbo ka na, ha!" galit niyang pagsagot tapos ibinalik na ang earphone sa tenga niya.
"Nagtatanong lang naman ako, ah. Ba't ang sungit mo?" sabi ko.
"Ok, fine. Gusto mong malaman kung ano tong pinakikinggan ko? It's a song at wala kang pakialam kung ano yun." aniya.
"Nagme-menopause ka ba? O sadyang may dalaw ka. Ang high blood mo kasi, eh." pagbibiro ko.
"Bullshit! Tumahimik ka nga! Uupakan kita diyan." sumigaw siya sa galit.
Hindi ko alam na ganunn pala siya kaseryoso sa mga pinagsasabi niya kanina. Ang akala ko ay nakikisabay din siya sa hirit ng mga biro ko. Hindi pala siya mabiro. Napakaseryoso pala niyang tao. Hindi na ako nagsalita. Nabalot ng katahimikan ang buong paligid namin. Tanging tunog ng sasakyan ang naririnig ko.
"Magkarelsyon ba kayong dalawa?" tanong nung driver.
"Nope." diretsong sagot ni Jethro.
"Alam nyo bagay kayong dalawa." sabi nung driver.
Grabe naman tong si manong driver kung makapagsabi nun parang totoo. Kinilig talaga ako sa sinabi nung driver. Pero infairness ah, si manong driver napansin niya yun sa amin. Kung totoo man ang sinabi ni manong driver. Ang hihilingin ko talaga sa birthday ko ay...
ang ligawan ako ni Jethro. Ganun lang kadali at kaikli.
"Kami bagay sa isa't isa?" tanong niya, "Hindi noh, tingnan mo siya ng maigi, manong driver... tingnan mo..." sabi ni Jethro.
BINABASA MO ANG
On That Day
Teen FictionOn that day naranasan ko ang magmahal ng tunay... On that day nagpakatanga ako... On that day naranasan ko ang masaktan... On that day pinigilan ko siya... Mapapatawad ko pa kaya siya? Matatawag ko bang nakatadhana kami sa isa't isa? O sa araw na yu...