Prolouge

37 15 3
                                    

Nalulunod ako sa titig ng aking crush,  "Napakaganda mo" sabi sakin ni Azel. Sa kanyang pagkakasabi ako ay nagulat.

"Gago! lasing ka lang" sagot ko sa kanya. Bakit ba ako binibigla ng lalaking 'to.

Inakay ko siya dahil nga uminom siya kanina. Nagkayayaan kasi ang mga tropa and yes kaibigan lang tingin niya sakin dahil nasa iisa kami group of friends. 

Ako kasi 'tong hindi uminom, lahat ng binibigay nila sa akin na shots ay itinatapon ko dahil mahirap na malasing noh! lagot ako sa aking Nanay!

At itong lalaking inaakay ko ay napaka competitve kaya napapag-tripan ng mga kaibigan namin. At pag nalalasing sa akin nila binibigay si Azel alam kasi nila na crush ko at hindi ako makatanggi at syempre nag aalala ako.

Ang bigat niya shet! pasalamat ka talaga crushiecakes kita. habang kilig na kilig ako bigla siya sumuka sa aking balikat. 

AZEL NAMAN IH! 

Mabuti nalang malapit na kami sa park. Nang makarating kami sa park pinaupo ko muna siya sa bench at kumuha ng water bottle sa aking bag at pinipilit ito ipa-inom sa kanya.

"Azel inumin mo na ito, 'wag mo na ako pahirapan" pilit kong kausapin siya, kinuha niya ang water bottle at ininom pagkatapos ay bigla siya humiga sa bench. 

Iwan ko nalang kaya ito dito?

Hirap naman nito! Hindi kita maiwan.

I decided na buhatin ko siya na buhatin ko siya in pack strap position at mabuti naman nagpabuhat din siya, kaso nahirapan ako kase sobrang bigat niya.

Kaya ko 'to.

Hindi ko namalayan nandito na pala kami sa tapat ng bahay nila at mukhang wala tao sa kanila.

"Hoy gago, nasaan ang susi ng bahay niyo?" Tanong ko.

"Hm" yan lang ang sinagot niya sakin.

Tangina anong hm? 

"Ang bigat mo" inis kong sabi kinapa kapa ko ang bulsa niya at nang maramdaman ko ang susi sa kanyang bulsa ay kinuha ko yon saka binuksan ang bahay nila. Dahan dahan ko siyang binaba sa sofa saka pumunta sa kusina para kumuha ng tubig at nilagay sa palanggana tsaka pumunta sa kwarto niya at kumuha ng bimpo para mapunasan ang katawan ni Azel.

Pumunta ako kay Azel saka umupo sa tabi niya at pinunasan ko ang napaka-gwapo niyang mukha at tinuloy ko hanggang braso. 

Hindi ko pala kaya punasan ang kanyang katawan, wala pa kami sa ganong level ng relationship. Teh! anong relationship? Friendship? natawa ako sa takbo ng aking isipan.

Ngumiti pa siya sakin, Azel naman 'wag mo ako ngitian baka lalo ako mahulog. teh hulog na hulog ka na mas malalim pa sa dagat. 

Pinunasan ko ang kanyang mukha saka leeg. Nang mapunasan ko ay tatayo na sana ako para ibalik ang palanggana , bigla niya hinila ang braso ko kaya napaupo ako sa kandungan niya.

'Yon! nabasa ako dahil natapon sakin ang laman ng palanggana na hawak ko.

Mabwibwiset ba ako? o kikiligin?

"Azel" tawag ko sa kanya para bitawan niya ako.

Pero nakatingin lang siya sa mga mata ko.

"Ang ganda mo" sabi niya saka niya ako niyakap ng mahigpit na parang ayaw niya ako umalis. Ramdam ko ang hininga niya sa aking leeg.

"Ikaw ha! kanina ka pa." kunwari kong inis pero sa kaloob looban ko ay nagsisigawan na sa saya.

Nagulat ako nang bigla niya ako halikan? Ang FIRST KISS KO??At bigla na niya kumalas sa pagkakayakap kaya nalaglag ako sa sofa. Tinignan ko siya at mukhang tulog. Diyan na siya matulog. masakit na likod ko sa kakabuhat sa kanya tsaka aakyat pa ako para makapunta sa kwarto niya.

Pumunta ako sa kusina at kumuha ako ng water bottle sa ref nila Azel tsaka ko ito ininom at nagpunta ako sa lamesa at nag-text sa aking nanay na bukas na ako uuwi at makikitulog nalang ako sa iba kong kaibigan at binitiwan ko na cellphone ko at saka doon umub-ob para matulog. Hihintayin ko nalang siya magising.

Bigla nag iinit ang aking katawan at pakiramdam ko ay ako ang lasing. Hindi naman ako uminom ng alak kanina ah?

Pumikit nalang ako para makatulog.

"JANNA! AZEL! Why are both of you sleeping naked?!" Nagising ako dahil sa liwanag at sigaw ng Mama ni Azel.

Napatitig nalang ako sa kawalan. Ano ang nangyari? at bakit parehas kami nakarating sa kwarto niya? sa pagkaka-alala ko ay nasa kusina ako at si Azel ay nasa sala?

May nangyari ba sa amin? 

Sabay kami napabangon ni Azel at nagkatitigan tapos tinignan ko ang aking katawan sa ilalim ng blanket at wala akong damit at hinanap ko at nakita ko nalang nasa sahig na ang aming damit.

Sa aming nakita ni Azel napatitig kaming dalawa sa nanay niya tsaka nagsalita si Azel.

"Janna, What the fuck did you to me?" marahas niyang tanong. Aba at kasalanan ko pa?

"Bakit kasalanan ko? Eh ikaw ang lalaki" Singhal ko sa kanya. Nakalimutan ko na gusto ko siya dahil malalagot ako sa aking nanay sa kakirehan ko.

"I'm drunk and you? hindi ka naman uminom diba?" seryosong sagot sakin ni Azel.

"Stop both of you!" pigil samin ng Mama ni Azel at hinagisan niya ng malaking towel si Azel para maitago niya ang kanyang katawan.

"Azel go to washroom first para makapag-talk tayo calmly" utos ng Nanay ni Azel sa anak niya. Pagka-alis ni Azel lumapit sakin ang Mama ni Azel.

"I don't know kung ano nangyari between you and my son and I'm telling you sooner if may nabuo man, ipalaglag mo ang bata" nagulat ako sa sinabi ng Mama ni Azel.

"Ayoko ng may maririnig ako sa ibang tao na nakabuntis ang anak ko ng hindi pa kasal and also you're not good for my son, do you understand Janna?" dagdag pa sakin ng Mama ni Azel na kinadurog ng puso ko.

Hindi talaga para kami sa isa't isa.

Crush Into CrashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon