Chapter 1

41 15 10
                                    

Malungkot akong umuwi sa aming bahay. Binuksan ko ang pinto at hinubad ang aking black shoes tsaka naglakad upang makapasok ng bahay at nang makarating ako ng sala tsaka ko lang inalis sa katawan ang bagpack ko at inilapag sa sofa.

Nakita ko si Mama na nakatalikod dahil ito ay nakaharap sa kanyang niluluto.

"Mama, hindi naman ako naka enroll eh!" Bungad ko sa kanya. "Ten na classroom na paulit ulit kong binalikan para mahanap ang aking pangalan sa listahan pero Mama wala talaga eh" dagdag ko pa.

 "Hindi mo pa naman ako ineenroll" inis kong sabi saka hinubad ang blouse may natira namang sando.

1st year highschool na ako ngayon pero hindi pa naman ako ineenroll ni Mama. Kaya yon inikot ko ang buong school para hanapin ang aking pangalan pero wala talaga. Kaya umuwi akong lantang gulay dahil sa pagod at gutom.

"Hoy! Janna Mae huwag mo akong sasamaan ng tingin. Dukutin ko mata mo" saway sakin ni Mama saka ako tinalikuran.

"Sabihin mo sa Papa mo ienroll ka" sigaw ni Mama sakin galing sa kusina.

"Tanga Mama, wala akong tatay" bulyaw ko sa kanya. Pumunta ako sa kusina para sundan si Mama.

"May tatay ka gaga! Hindi lang naman ako nagtrabaho para buuin ka" maarteng sabi ni Mama.

"Hindi ka naman sinustentuhan" attitude ko ring sabi.

Ganto talaga relasyon namin ni Mama, saan ko pa ba mamana ganitong ugali kung hindi nmaan din sa kanya.

Nabuntis kasi siya ng maaga at iniwan siya nung nalaman na may nabuo sa kanilang pag-tatalik, yon lang alam ko at hindi naman mahilig magkwento si Mama tungkol kay Papa at saka hindi ko tinatanong yung tatay ko na yon simula ng iniwan niya kami hindi ko na siya tinuring na ama sa buhay ko.

Kami lang ni Mama sapat na

"Oo na! Iennroll kita mamaya" sabi niya saka siya humarap sakin at inilagay ang mangkok sa lamesa.

"Anong tinatayo tayo mo diyan?! Kakain ka ng nakatayo?" Sarcastic na sabi ni Mama. nakatulala pala ako kaya kumuha ako ng plato para sa aming dalawa ni Mama saka umupo.

"Naks, sarap magluto" sabi ko pero inikutan niya lang ako ng mata.

"Nangbola ka pa" sabi ni Mama.

...

"Ineng, sa 7 - Rizal ka sa third floor, kita mo yung puting building na yon doon ang classroom mo" turo sakin ng Teacher. 

"Ah salamat po" pagpapasalamat ko. Absent tuloy ako ng first day edi magkakakilala na sila ako yung magiging outcast tapos mam-bubully sila. Ang OA mo self ha.

"Nakakapagod naman umakyat dito" reklamo ko habang naglalakad sa hagdan.

Napatingin ako sa relo ko at ala otso na ng umaga.

Tangina late ako. Absent na nga kahapon magiging late pa.

Inisa isa ko ang classroom dito sa third floor dahil hinahanap ko ang Rizal, nang makita ko ay kumatok ako.

Binuksan ng isang estudyanteng lalaki ang pinto at nagkatitigan kami.

"Bakit?" Tanong ng Teacher na nakatayo nagdidiscuss na ata ng lesson, hala bilis naman what if mag quiz eh di ko alam ang tinuro kahapon hala! unang quiz palang bagsak na ako.

"Eto po ba ang 7- Rizal?" Tanong ko, Napatitig ako sa mukha ng guro, strict kaya 'to? ito kaya adviser namin?

"Ikaw ba si Janna Marie Lorenzo?" Tanong ni Ma'am sa akin habang sinusulat ang aking pangalan sa list of students.

"Ah opo" sabi ko.

"Harvey, papasukin mo" utos ni Ma'am dun sa nagbukas ng pinto, pinapasok niya naman ako at nakita ko ang best friend ko nung Elementary na si July.

"Jannamae dito ka" sabi sakin ni July kaya doon ako umupo.

"Dahil kumpleto na din naman kayo mag uumpisa na ako mag discuss" sabi ng guro sa unahan, nakinig lang ako ng matapos ang time ng English ay pumasok ang Teacher ng Filipino.

Nag umpisa ang Teacher namin sa Filipino mag attendance.

"Alfonzo?" Tawag ni Ma'am pero walang nasagot, lahat kaming magkakaklase hinanap kung sinong Alfonzo na iyon.

Bakit ako nakikihanap? Wala ako kahapon kaya hindi ko alam mukha niya.

"Alfonzo, Azel Eugene" tawag ulit.

"Ma'am absent!" Sigaw ng nasa likod ko at si Harvey yon.

"Hindi agad sinabi" sabi ni Ma'am saka nagpatuloy sa pagtatawag, nang matapos si Ma'am sa attendance.

"May hindi ba natawag?"  Tanong ni Ma'am.

Ako.

"Ma'am si Jannamae po" sabi ni Allianna na katabi ko, hindi ko siya kilala nalaman ko lang ang pangalan dahil tinawag siya sa attendance.

"Ano pangalan?" Tanong sa akin ni Ma'am.

"Lorenzo, Janna Marie po" sagot ko.

...

"Class dismissed" sabi ni Ma'am saka nagligpit syempre may iba akong kaklase na tinulungan si Ma'am sa dala niya. 

"Allie, parehas kayo apilyido ni Jannamae" pangdadal ni July.

"Oo nga no" pagsang-ayon rin ni Allianna.

Marami din naman Lorenzo sa mundo, hindi ko nalang sinagot baka malaman nila na hindi ko kilala tatay ko.

"Tara punta tayo canteen" pag-aaya sa amin ni Allianna, magkasama kaming tatlo at ako ang nasa gitna habang naglalakad papunta sa canteen.

Maliit si July hanggang balikat ko lang siya samantalang si Allianna ay kasing tangkad ko lang, nang makarating kami ay ang binili ko lang ay burger si July ay ay siopao at si Allianna at tubig lang.

"Hoy Harvey! Bakit absent si Azel?" Tanong ni July ng makasalubong sila Harvey.

"Aba'y malay ko" sagot naman ni Harvey, pero yung kasama niya ay tulala lang kay Allianna kung ako din naman matutulala sa ganda ni Allianna.

"James matutunaw si Allie" pang aasar ni Harvey kay James.

"Gago" sabi ni James saka binatukan si Harvey.

"Allianna, may gusto ata sayo yon" sabi ko kase wala ako masabi gusto ko din naman makipag-usap kaso hindi ko alam kung paano mag initiate ng usapan.

"Don't call me Allianna, Allie nalang" sabi niya sakin at ngumiti, Ang ganda niya ngumiti. Medyo singkit siya at round face mahinhin kumilos, gummy smile saka maputi halatang may aircon sa kanila.

"Shy type pa yang si Jannamae hintayin mo lang Allie lalabas ang kakulitan niyang si Janna" sabi ni July, napatitig nalang ako sa kanyang oval face may bangs siya at mahaba ang kanyang buhok, kulay blue ang dalawa niyang mata, madaldal at lagi nakangiti at may pagka morena siya dahil lagi nalang sila nasa beach ng kanilang family, sanaol.

Naglakad na kami at kwentuhan lang kami ng mga walang kwentang bagay.

"Mamaya punta tayong mall" pang aaya ni July, gastador pa rin itong babae na 'to.

"Wala akong pera mga beh" sabi ko. hays bakit ba ako nagkaroon ng mga kaibigan mga anak ni Henry Sy.

"Don't worry Jannamae libre ko" sabi ni Allie, isa pa din 'to.

"Sige kayo bahala, sunduin niyo nalang ako" sabi ko, kase nakakahiya naman tumanggi baka magtampo pa kung hindi ako sasama.

Nag umpisa dito ang pagiging trio namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crush Into CrashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon