Prologue

1.3K 42 6
                                    


I let out a sigh as I walked out of my father's office. Agad na napatingin si Desmond at Hugo sa akin. Iisa ang reaksyon sa mukha ng mga ito. Nakakunot noo at nagtatanong ang mga mata. 

Hindi na nakatiis si Hugo. Lumapit na sa akin at nagtanong, " ano'ng sabi ni dad?"

Natigilan naman ako sa pagsagot sa tanong niya. Hinagod  ko siya ng tingin. 

"Nasaan ang kabayo mo?" kunot ang noong tanong ko kay Hugo. Saglit na nalimutan ko ang pinag-usapan namin ni daddy sa loob ng opisina niya kani-kanina lang.

Mukha itong cowboy. Checkered na long sleeve polo na kulay asul at pula ang pang itaas nito. Napapatungan iyon ng leather na chaleco na hindi ko ma-imagine kung saang baul nito na halungkat, amoy mott balls pa. Sa pang-ibaba naman nito ay maong na levis 501. Boots na may takong ang sapin sa paa at may cowboy hat pa sa ulo ang tinamaan ng lintik.

Bumungisngis naman si Hugo na parang bata. Di pa rin ito nagbabago o mas tamang sabihin na di pa rin nagma-matured. Mas matanda siya sa akin  ng dalawang taon pero kung umakto ito parang ito ang bunso sa aming tatlo ni Desmond.

Kapatid ko sila sa ama. Pare-pareho kaming panganay dahil iba-iba kami ng ina. Si Desmond ang pinakamatanda sa amin, at pinakamayaman. Ang ina nito ay galing sa isang prominenteng pamilya. Ito rin ang pinakatahimik at seryoso sa buhay para itong may sariling mundo na walang ibang nakakapasok. Si Hugo naman ang sumunod kay Desmond. Kabaligtaran naman ito ni Desmond. Napakaligalig nito parang huminto na itong mag-matured noong twelve years old ito. Madalas din na nasasangkot ito sa gulo noong mga high school sila. Ako naman ang bunso at pinaka-normal sa aming tatlo.

"Nasa kuwadra," tatawa-tawa nitong sagot. "May rodeo akong sasalihan kaso tumawag si Attorney, pinapatatawag daw tayo ni daddy. Nag-alala ako kaya agad akong pumunta rito pero sabi naman ng mga seksi niyang nurse maayos naman ang kalusugan niya."

Napabuga ako ng hangin. "Pumasok ka na lang sa loob para malaman mo," sabi ko saka nilapitan si Desmond sa sofa kaharap ng opisina. Hindi pumasok si Hugo sa loob. Sumunod siya sa akin.

"Kinakabahan ako e, baka magka-constipation pa ko sa kaba. Ano bang dahilan bakit tayo pinatawag? Ayoko ng surprises."

Sumandal ako sa sofa at ipinikit ang mga mata. 

"Ano na?" untag sa akin ni Hugo. Mukhang walang balak na lubayan ako hangga't wala akong sinasabi.

Kahit nakapikit ramdam ko ang mga tingin nila sa akin. Nagmulat ako ng mata at umayos ng upo.

"Mabuti pa, pumasok ka na sa loob para marinig mo na kung ano ang mga sinabi sa akin ni dad."

"Pahinging clue," pangungulit ni Hugo.

"Naman, Hugo..." angal ko pero wala na ring nagawa. "Mamimigay na raw siya ng mana..."

"But?" sa unang pagkakataon ay pinasin kami ni Desmond.

"But on one condition," sagot ko.

Tinignan ko silang dalawa. Magkaiba ang reaksyon nila. Si Hugo namilog ang mga mata at napuno ng excitement. Si Desmond naman ay curiosity ang makikita sa mukha.

"I need to go. You should go inside, Hugo, for you to know. I won't tell you dahil ayaw ni daddy. Siya raw ang magsasabi ng kondisyon na ibinigay niya," pagkasabi niyon ay tumayo na ako at lumakad na paalis ng bahay asyenda. Iniwan ko na sila.

Nang nasa loob na ako ng kotse ko bigla akong parang natigilan nang maalala ang kondisyon ni daddy. Nais nitong makapag-asawa na ako sa lalong madaling panahon. Kapalit niyon ay ipagkakaloob na nito sa akin ang mana ko.

Wala pa sa isip ko ang pag-aasawa kahit pa nga mayroon na akong matatag na trabaho bilang isang software analyst. May sapat na rin akong ipon at investment. Kaya ko nang bigyan ng maginhawang buhay ang magiging pamilya ko.

Pero kalahating bilyon ang pinag-uusapan. Hindi pa ako nababaliw para hayaang mawala ang kalahating bilyon sa kamay ko. Napakalaking halaga niyon para basta na lamang bitawan at hayaang mapunta sa kung saang charity na mapipili ni daddy.

Saan naman kaya ako makakahanap ng mapapangasawa? Ang huling nakarelasyon ko ay hindi maganda ang naging paghihiwalay namin. May kirot na dumaan sa aking dibdib. Pitong buwan na ang nakakalipas pagkatapos naming maghiwalay ni Estelle. Kapag naalala ko ito naroroon pa rin ang sakit sa ginawa nito at ng mommy ko.

Pero ano nga kaya kung bumalik ako ng Mindoro? Balikan ko si Estelle? Pero may babalikan pa kayo ako matapos ko siyang iwan kahit pa naglulumuhod siya at nagmamakaawa na huwag ko siyang iwan?







--------

This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are either the products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales is entirely coincidental.

All rights reserved including the right of reproduction in whole or in part in any form.

No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means including information storage and retrieval systems, without permission in writing from the author. The only exception is by a retriever, who may quote short excerpts in a review.

Copyright © 2022 by Rawra1441

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rejected and Pregnant (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon