Yung bahay namin parang swimming pool niya lang.
"Have a sit." Saad niya habang nakaupo sa couch with matching dekwatro ang paa at naka cross arm pa. Gaya ng sabi niya umupo naman ako.
"Sobrang ganda at laki pala ng bahay mo." Manghang sabi ko.
"Ikaw lang ba mag isa dito?" Tanong ko.
"Bakit parang walang mga maids? Diba pag---"
"I don't trust people." Seryosong at malamig niyang putol sa pag sasalita ko.
Wala siyang tiwala sa mga tao? Hindi kaya naloko na siya dati or what?
"So bakit ginawa mo pa kong slave at pinapunta dito sa bahay mo at dito pa pinag stay ng gabi---"
"So? It doesn't mean I trust you." Siya. Tsk, nyenyenye.
"Eh yung mga magulang mo? Na saan sila?" Tanong ko uli.
"Patay na sila." Seryoso at diretsong sagot niya, natigilan naman ako.
Aish, bat kasi ang dami mong tanong Yuna. Ano interrogation.
"Sorry." Nahihiyang saad ko.
"It's okay, that's your last question. Isa sa rules ang hindi mo pag tatanong sakin." Siya kaya tumango naman ako.
"Sa taas ang kwarto mo yung unang pinto, ilagay mo muna ang mga gamit mo at lutuan mo ako for dinner." Siya at umalis na.
. . .
Nandito na ako sa kwarto na sinabi niya, nag ningning ang mga mata ko sa sobrang laki at ganda ng kwarto na ito.
"Taray, yung kwarto ko dito parang bahay na namin." Natatawang saad ko sa kawalan at sumalampak sa kama.
"Waah! ang lambot! Mas malambot pa sa kama ko." Saad ko sa kawalan at nag pagulong gulong pa sa kama.
Ay lulutuan ko pa pala ang lalaki na yon.
Nilagay ko muna sa kama ang mga gamit ko at lumabas na uli ng kwarto at bumaba.
Pag baba ko ay nakita ko si lalaking hinalikan ko na na sa sala at nanonood ng TV.
"Excuse me sir, saan po dito yung kusino mo?" Tanong ko. Laki laki kaya ng bahay---I mean mansion niya noh, hirap makita.
Tinuro niya lang gamit ang hintuturo niya ang papunta sa kusina.
"Ah sige po, salamat" Ako at mag lalakad na sana. Pero huminto uli ako para mag tanong.
"Ano nga po pa lang pangalan niyo?" Tanong ko.
"Austin" Tipid na sagot niya habang sa TV parin ang tuon.
Austin pala. Sa wakas, hindi ko na siya tatawaging lalaking hinalikan ko.
"Ah, ako naman po si---"
"I already know you" Siya. Wow, stalker ka tih.
Tumango na lang ako at nag lakad na sa way na tinuro niya papuntang kusina.
Matapos kong mag luto ay nag hain na ako sa lamesa, kahit mesa, upuan at mga kubyertos niya halatang mamahalin parang mas mahal pa sa buhay ko. Pati yung mga ginamit kong panluto kanina, di katulad sa kawali namin sa bahay sobrang itim na nung pwetan.
"Sir Austin, okay na!" Sigaw ko.
Ilang minuto lang ay dumating na siya at umupo. Pinag masdan niya muna ang lahat ng nakahain sa mesa.
"Sumubo ka" Malamig niyang saad.
Huh?
"Huh? Bakit po?" Takang tanong ko.
"Malay ko ba kung may lason yan" Saad niya.
Tsk, ang kapal naman nito. Siya na nga tong pinagluto napaka judgemental.
Inis naman akong sumubo sa mga niluto ko.
Matapos kong sumubo ay tinignan ko naman siya ng 'Oh namatay ba ko look?!' Tsk.
Binaling na ulit niya ang tingin niya sa mga pagkain upang simulan ng kumain.
"Sandali!" Akmang isusubo na niya ang kutsara na may kanin ng pigilan ko siya.
Tinignan naman niya ako ng 'why?' look.
"Yan yung ginamit kung kutsara" Ako.
"So?" Siya at tuluyan na itong sinubo.
Napanganga naman ako sa inasal niya.
Baliw ba siya? Yung kutsarang pinagkainan ko na, ginamit nya pa.
"Oh? Why aren't you eating?" Nakataas kilay nyang tanong sakin, nakaupo lang ako sa sa harapan nya habang pinapanood syang kumain. Naiilang akong kumain kaharap nya eh.
"Medyo busog pa 'ko, sige lang kain ka lang hahaha!" Sagot ko, tinignan nya lang ako at bumaling na uli sa pagkain.
Kahit sa pagkain ay ang sosyal sosyal nyang gumalaw, ang gwapo gwapo. Samantalang ako, walang pakialam kung anong itsura ko habang kumakain minsan pa nga nakakamay lang ako.
"Ipagtimpla mo 'ko ng kape." Bigla nyang utos na hindi tumitingin sakin.
"Okay po sir austin." Saad ko at nagtungo na kusina nya..
Kumuha naman na ako ng isang tasa, dahan-dahan ko pa itong hinawakan dahil halatang mamahalin, siguro kalahati ng buhay ko halaga nito. Lol.
Nagumpisa na akong magtimpla, yung mga brand ng kape nya halatang mamahalin din. Galing pa ata tong ibang bansa. Sana all.
"Hey? Can you please hurry? I'm going to take a bath!" Rinig kong sigaw nya, hmp. Atat?
"Ito na po." Sigaw ko din.
Kumuha na ako ng kutsara at hinalo ang kapeng tinimpla ko para sa austingot na 'yon.
Maglalakad na sana ako pabalik nang maalala kong wala pa palang asukal 'to. HAHAHA
May mga maliliit na lalagyan dito, nasaan kaya ang asukal?
Halos lahat kase ay puti ang laman tas kakaiba pa ang itsura.
"HEY?!" Sigaw nya uli kaya nataranta na 'ko, ay bahala na.
Kinuha ko ang isang lalagyan na maliit at kumuha ng 1 tablespoon at hinalo ito sa kape ni austin.
"Ito na po! Sorry." Saad ko at iniabot na sa kanya ang kape nya. Tapos na syang kumain.
Kinuha nya naman ito at ininom agad--
"Hsksgdidkdlldhdhksjsh! Pweh! What's this?!" Inis nyang tanong sa akin matapos nyang idura ang kape na tinimpla ko. Aba!
"Bakit mo dinura?! Alam mo bang pinaghirapan ko yan huh?" Kunwareng galit na saad ko, pero kinakabahan na 'ko ngayon.
"Lasang asin!" Sagot nya, potek HAHAHAHAHAHHAHAHA
"Huh?HAHAHAHAHAHA wait-- paano nangyare?!" Hindi ko na mapigilang matawa. Asin yung nalagay ko sa kape nya, gags HAHAHAHAHAHA
"At natatawa ka pa?" Seryoso nyang sambit, kaya bahagya akong napatigil sa pagtawa.
"Sorry sir austin hehe! akala ko kase asukal--"
"Tsk. The next time you do it again, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo." Putol nya sinasabi ko, pero imbis na matakot ako ay natatawa parin ako HAHAHAHA.
"Sorry po talaga." Ako.
"Pagkatapos mo dito. Pakainin mo ang mga alaga ko. Nasa 5th floor pang-apat na kwarto." Maawtoridad nyang utos at iniwan na ako dito.
"Okay po sir! Ligo well!" Pahabol kong sabi.
---
Written by:
ABBIANNA
YOU ARE READING
I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]
RomansMeet Yuna Elite Finlay, ang babaeng nanghalik ng isang Mafia lord.