55

904 25 0
                                    

"Anong ginagawa natin dito austin?... Sabi mo pupunta tayo sa malayo? Sa lugar kung saan hindi tayo makikita nila kuya--HAHAHAHAHAHHAH­AHA huwag ka nga munang tumingin sakin!" Yung mukha kase ni austin nakatitig sakin e! Natatawa tuloy ako na kinikilig.

"Why?" Sya.

"Aish! Game na nga, take 3." Sabi ko at umayos na uli.

"Anong ginagawa natin dito austin? ... Diba sabi mo pupunta tayo sa malayo? Sa lugar kung saan hindi tayo makikita nila kuya? Anong ginagawa natin dito?" Hays salamat naperfect ko yung first line ko.

"You don't really have an idea? Magkapatid nga kayo ni yohan.. parehas kayong... bakit may mura?" Tanong nya, ano ba yan! Okay na e.

"Okay na yan! Para totoong-totoo talaga! Tapos mamayq yung sa part na last dapat itututok mo yung baril mo sakin ha?" Explain ko sa gagawin nya.

"What?" Sya.

"Oo! Dapat itututok mo sakin ha! Para makatotoohan acting natin, ganon yung napapanood ko sa mga koreanovela."

Paliwanag ko sa kanya.

"Argh! Fine." Sya.

"Go, dun na sa lines mo"

"You don't really have an idea? Magkapatid nga kayo ni yohan.. parehas kayong tanga-tanga."

"A-Anong sinasabi--HAHAHAHAHA­HAHA" Taena natatawa talaga ko huhu. "Sorry take 4 hihihi" ako.

"A-Anong sinasabi mo?"

"GINAMIT LANG KITA YUNA. hahaha. Ginamit lang kita para sa mga plano ko at ikaw naman naniwala sa lahat ng mga sinabi ko sayo, wala kayong pinagkaiba ng kapatid mo, wala kayong utak--"

Pagkasabi nya nun ay sinampla ko sya. HAHAHAHA kasama yun sa script.

"Ouch!" Daing nya.

"HAHAHAHHA sorry!" Sabi ko at kiniss ang pisngi nyang sinampal ko.

"Pwede bang sampalin mo 'ko? Kahit 100x?" Sabi niya na parang ikinamula ko, potek gusto nya lang magpakiss sa pisnge e!

"Sira! Tara na game na uli" Sabi ko pero sabay kaming napabaling sa laptop nya na biglang tumunog.

Lumapit agad dun si austin at tinignan.

"Your brother.. nandyan sya labas." Sabi nya kaya napatingin rin ako sa laptop nya.

At nanlaki ang mata ko nang makita kong pinark ni kuya yohan ang motor nya sa di kalayuan ng mansion ni austin.

"Si kuya.."

"Let's go. Umpisahan na natin." Seryoso nyang sabi.

"Ha? Anong ibig mong sabihin? Ngayon na tayo mag-aacting?"

"Yeah."

Nang makalabas na ang kotseng sinasakyan namin ni austin ay agad akong tumingin sa likuran.. at tama nga si austin..

Susundan kami ni kuya..

Kinakabahan na tuloy ako.

Hindi ko pa kabisado yung script huhu. Tas kailangan maiiyak din ako para effective.

Wait. Kailangan kong mag-isip ng nakakaiyak na pang-yayari..

Ano nga ba..

Ah! Alam kona! Yung nag-concert yung bts dito sa pilipinas tapos hindi ako naka-attend huhu nakakaiyak nga yun.

"Kapag nakapasok kana sa hideout nila yohan ay magplano na kayong patayin ako" Sabi nya na ikinagulat ko.

"Baliw kaba?! Anong patay-patay sinasabi mo dyan?"

"That's part of a plan. Magsusuot ako ng bulletproof at maglalagay ng fake blood. Ikaw ang magprisintang patayin ako, sa dibdib mo 'ko patamaan once na makagawa na kayo ng plano." Diretso nyang sabi.

"Okay.." sagot ko na kinakabahan.

"We're here." Sabi nya at inihinto na ang kotse.

Waah! Ito na.. ito na...

Tumingin ako kay austin..

"I love you, my life." Sabi nya at mabilis akong hinalikan at bumaba na ng kotse. Huminga muna ako ng malalim at bumaba na rin.

End Of Flashback.

Hanngang sa pag-uwi namin sa bahay nun ni kuya ay acting lang lahay ng mga pinagsasasabi ko.

"Akala ko talaga nabaril kita e" ako habang nakayakap kay austin.

"Hahaha. You're so cool nung barilin mo 'ko huh." Sya.

"Hmp, Ewan ko sayo!"







Someone's Point of View.

"Sir, kailangan nyo na pong uminom ng gamot nyo" Sabi ng nurse ko dala-dala ang tray ng gamot.

"Ilayo mo na sakin yan"

"Pero sir--"

"Hindi ko na kailangan yan! Naaalala ko na ang lahat. Nasaan si astrid? Kailangan ko syang makausap! DALHIN NYO SAKIN SI ASTRID!"













---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now