CHAPTER 2

1 0 0
                                    

CHAPTER 2
[THE START - ?]

Ngayon ang araw kung kailan irereport namin ang task ni Ms. Shalom sa klase niya. Tho it is not hard for me kasi parang introduction lang din naman but still, hindi ko maiwasang kabahan because kauumpisa palang ng klase at may ganito agad.

Lumabas ako ng bahay after I bid my goodbye sa mama ko. Binuksan ko ang payong dahil may kainitan ang panahon at naglakad hanggang sakayan.

Habang nakatayo sa sakayan ay may kung sinong humawak sa kamay kong nakahawak sa payong, nakapatong ang kamay niya sa mismong kamay ko.

Halos matanggal ang mata ko nang malaman kung sino iyon - si Clint.

Nakangiti siyang nakatanaw sa mga sasakyang dumaraan sa harap namin habang masayang nakahawak sa kamay ko.

Kusang gumalaw ang kamay ko upang itulak siya nang bahagya.

“A-anong ginagawa mo? Bakit nakatabi ka sa akin? At bakit nakahawak ka sa kamay ko? Alis, shu!” gulat kong turan sa kaniya.

Iwinaksi ko siya gamit ang palad ko.

Nakita ko siyang nakakunot ang noo at tila nagulat.

“Anong masama kung maki-share ako ng payong sa'yo? Kaibigan naman na kita 'di ba? So I have rights to share umbrella with you. At isa pa, hindi kana lugi. Gwapo ako, tapos makakasilong mo sa iisang payong,” mayabang niyang sabi. Nakahawak pa siya sa baba niya at nakakindat habang sinasabi ang mga katagang iyan.

Bilang tugon, humawak ako sa aking kamay akmang duduwal. Lumapit siya sa akin at dahan-dahang hinimas ang likod ko.

“Hala, anong nangyari Max? Ayos ka lang ba? Kumain ka ba bago ka umalis sa inyo? Damn, saglit tatawag na ako ng tricycle.” Akmang aalis siya nang hawakan ko ang kamay niya.

“Bobo, hindi ako nasusuka kasi wala akong kain. Nasusuka ako kasi sabi mo gwapo ka,” natatawa kong turan. Kung may gwapo rito, ako 'yon.

Noong umuulan ng kagwapuhan, hays. Naroon ako at nagdodonate.

Oh, ako lang 'to. /*kindat.

Bumuntong hininga si Clint bago sumagot, “Akala ko naman kung ano ng nangyari. Huwag mo na uulitin 'yon, hindi ka nakakatuwa.”

'Yung tawa ko ay unti-unting nabura matapos maramdaman ang inis niya.

Nangunot ang noo kong sinundan siya ng tingin habang papasakay sa isang tricycle.

Aba, bakit naman siya maiinis? Baka sapakin ko siya, siya na nga lang nakishare ng payong tapos siya pa maiinis?

Matiim ko siyang tinitigan habang maingat siyang pumasok sa loob ng tricycle. Nanatili akong nakatayo sa harap nito. Hindi ako makapapayag na siya ang maiinis, dapat ako kasi siya nakigamit ng payong ko!

Sumakay ako sa loob ng tricycle, katabi niya at siniksik siya sa loob.

Naiinis ka? Pwes, mamatay ka sa inis.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 21, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You are my 360°Where stories live. Discover now