STARTING POINT

9 3 4
                                    

CHAPTER 1
[The Home]

Final class was about to end and we're ready to meet in 7-11 sa baba. Hindi kase kami magkakaklase sa huling subject. Si Clint, Zai, Micaella and Shekinah lang ang kasama ko kase same course kami while sila Cricelle, Lesley and Mhai naman ay nasa iisang klase.

"Guys, sabay-sabay na tayong bumaba tutal magkakagrupo naman tayo, " suhestiyon ko.

They agreed on my suggestion and started to pack their things.

"Mag-cr lang ako. Una na kayo," sabi ni Clint.

"Alright."

Nasa hagdanan kami when my phone rang.

It was my mom, asking what time will I go home.

"May gagawin lang kaming group project, Ma. Uwi ako diretso." Then I ended the call.

Nasa 7-11 na kami lahat. Si Clint nalang ang hinihintay.

30minutes had passed, still wala pa rin si Clint.

Sabi ko na e, kaya ayoko sa taong yun. Hindi nakakatulong.

"Nasaan daw ba pumunta si Clint? Kanina pa tayo rito," tanong ni Lesley.

Ewan. Ang sabi magc-cr. Ganon ba kahaba inihi non?

I am about to tell them na umalis na at sa amin nalang gumawa nang magpakita si Clint na hingal na hingal.

Saan galing 'to at mukhang nakipagrace sa takbuhan?

"Uh....s-sorry," Hinihingal niyang turan. "Sorry, nagpaalam pa'ko sa Mama ko kung pwede ba tayong lumugar sa bahay para dito. Nagtagal lang ako kasi inuto ko pa. Pasensya na kung natagalan," mahabang salita niya.

Binalot ako ng inis at nahalata 'yun sa mukha ko. Nagsa-suggest siya na sa kanila nalang mag-gawa tapos 'di pala pwede? Tss. Pabida.

"'Wag kana mainis, Max. Sorry." Patungkol niya sa'kin. Aba ewan, wala akong pakielam. Naiinis ako.

"Tara na?" patuloy niya sa pagsasalita.

Kumilos kaming lahat at lumabas ng 7-11.

Tumawid kami sa kabilang kalsada para maghanap ng jeep na masasakyan. Tulad ko, hindi sila mayayaman. Wala kaming sari-sariling sasakyan para maghatid at sumundo samin papauwi. Jeepney ang main transportation na kaya naming lahat.

Sumakay kami sa isang jeep na masasabi kong hindi pa gaanong puno.

Bumaba kami sa isang fast food chain kung saan ako naghihintay ng masasakyan kanina.

Malapit lang siya rito? Hmmmm.

"Ano guys, gusto niyo ba mula rito sakay tayo o lakarin nalang? Okay siya lakarin kaso mainit. Kayo, ano bang gusto niyo?" tanong sa'min ni Clint.

Totoo, kaya siyang lakarin. Nilalakad ko lang 'to eh pero sa lagay namin ngayon, hindi makakatulong ang paglalakad. Sobrang tirik pa ang araw dahil sa alas 2 palang ng hapon.

Napagdesisyon naming lahat na mag-tricycle nalang. 10 piso bawat isa. Hindi na masama, marami naman kami e.

"Pagdating natin sa bahay, wag kayong maingay ah. Baka magalit yung may-ari ng bahay. Hindi kasi amin yun, sa tiyuhin ko," paalala samin ni Clint.

We agreed and silence invaded the trip.

I was shocked and questioned.

Bakit way 'to papunta sa amin?

Ibig sabihin ba nito same street lang kami ni Clint?

Huminto ang sinasakyan naming tricycle sa mismong tawid lang ng kanto namin.

You are my 360°Where stories live. Discover now