Secret in their Eyes

290 8 0
                                    

KJr's POV

"Hey, kuya." Napatingin ako sa bunso kong kapatid. Kararating niya lang galing sa bahay ni Lola. "Nasaan sila Mommy?" Tanong niya.

"Nasa kwarto pa. Tumawag na ba si Khalel? His always late. Magagalit na naman si Mommy."

"Not yet. Nakausap ko siya kahapon pero---." Napatigil ito sa pagsasalita nang sumingit si Khalel.

"I'm here. Sorry I'm late." Tumingin kami sa likuran niya. "Hindi ko kasama si Lucy." Sabi niya pagkatapos umiwas ng tingin samin.

"Good for you. Kamusta ang Canada?" Tanong ko. Nagmamasteral kasi ito sa Canada kasama ang girlfriend niyang si Lucy.

"Lucy and I broke up." Sagot niya kaya nagkatinginan kami ni Knight. Ilang beses niya na bang sinabi samin yan, pero tuwing susunduin siya ng babae makikipagbalikan ang g*go. "For real."

F*ck! I really hate drama.

Tinapik ko ang braso niya. "It's okay brother. Ganyan talaga ang buhay, girls will come and go." Huminga ako ng malalim. "There's a lot of pretty girls out there. Forget about her."

"Yes Kuya." Pilit itong ngumiti sa harapan namin. The Mama's boy is crying.

"Knight nasaan pala sila Mamita?" Tanong ko.

Nakatira kasi si Knight kila Mamita, siya ang umaasikaso ng business nito. Ako naman ang naka-asign sa kumpanya nila Mom and Dad, ako kasi ang panganay at ako ang unang nakagraduate.

I'm 27 years old. Nakatapos ako ng Business Management major in Business Marketing with a masteral degree.

Binago na ang pangalan ng kumpanya. Naging KKK Marine Corporation meaning Khalel, Knight and Kyle Jr. Pinangalan ito samin nila Daddy.

"Nauna siyang bumaba ng sasakyan. Akala ko nga nagkita na kayo." Umiling ako.

"Uhm... Mauna na kayo. Susunod nalang ako." Sabi ko sa dalawa nang makita si Rana na naglalakad papasok ng gate.

Bakit kararating niya lang? Alam niya namang hindi pwedeng malate sa anniversary dinner nila Mommy.

Sinundan ko ito papasok sa likod ng mansion. "Rana." Tawag ko sa pangalan niya ngunit mas lalo niyang binilisan ang paglalakad. "Kinakausap kita, hindi mo ba ako naririnig." Hindi niya ako pinansin.

Talagang ginagalit ako ng babaeng ito.

"Hey." Hinatak ko ang kamay niya at pinaharap siya sakin. "Bakit ka umiiyak?" Tanong ko. Tila isang bula na nawala ang galit ko at napalitan ito ng pag-aalala. "Answer me. Goddammit!"

Tumitig ito sa mga mata ko. "I'm sorry Kyle."

"What the hell are you talking about?"

"I'm pregnant." Nagsimula ng tumulo ang luha niya.

Dahan dahan kong binitawan ang kamay niya. Biglang nanlambot ang buo kong katawan. "What? Akala ko ba--- "

"Nakaligtaan kong uminom ng pills. Kasalanan ko ito kaya wala kang kailangan panagutan sakin."

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Rana. Masisira ang buhay nating pareho. Paano yung pangarap mo, yung pangarap ko?"

"Wala akong magagawa, nandito na to. Anong gusto mong gawin ko ipalaglag ko?"

"Wala akong sinabing ganyan. Tang*na." May narinig kaming yapak na papalapit samin. "Change your clothes. Mamaya na natin pag-usapan to." Sabi ko at galit na umalis sa harapan niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret In Their Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon