2

18 0 0
                                    

"San nga dito bahay nyo?" tanong ni Rusel saakin habang nakasilip sa labas ng bintana.

"Liko tayo dyan sa simbahan tas may makikita kayong Gray na gate, yun na bahay namin." sabi ko kaya lumiko na kami.

"Ayun ba?" tanong ni Claire habang nakaturo sa gate ng bahay namin.

"Hindi lugod." napasimangot sya sabay pabirong sabunot saakin.

"Sige na, nandyan na ata ang papa mo." sabi ni James kaya tumango nako bago binuksan ang gate.

"Nandyan napo pala kayo ma'am!" sabi ng yaya ko bago ako tinulungan buksan ang gate. Kumaway mona ako kina Chevy bago pumasok sa bahay.


"Papa!" buong galak na sabi ko bago lumakbo kay papa para yumakap. "San si mama?" tanong ko.

"Kain na!" sigaw ni mama na kakalabas palang ng kusina.

"Mama!" sigaw ko at akmang yayakap sakanya ng iharap ng sakin ang syanse.

"Mabaho kapa. Alam kong nagparada kayo hanggang BU kaya alam kodin na amoy araw ka." masungit na sabi nya kaya natawa ako.

"Tapos you hug papa!" singit ni papa habang diring diring nakatingin sa damit nyang yinakap ko.


Nag-peace sign ako bago magsorry at tumakbo papunta sa room ko sa taas.

"Hay" buntong hininga ko habang nakahiga sa kama ko. "Kenzo" bulong ko.


Ng tumagilid ako ay natamaan ng aking paningin ang cellphone ko na nasa side table. Agad ko itong kinuha at pumunta sa instagram pero wala so sa fb nalang.

"Ken.....zo." bulong ko habang tinatype sa search.




Kenzo Chua
Kenzo Libadir
Kenzo Do
Kenzo Rio
Kenzo Binano
Kenzo Lee
Kenzo JD




"Wala naman." bulong ko at nagscroll ulit pababa hanggang sa may makita akong pamilyar na muka.




Kien Renzo De Luna(Kenzo)







"Nickname nya lang pala ang Kenzo." bulong ko habang nanlalaki ang mata bago clinick ang account.






Kien Renzo De Luna(Kenzo)
+Add friend







"Nakalock ang account nya." inis na sabi ko. "Hala!" sabi ko ng aksidente kong napindot ang add friend.






"Hala hala halaaaaa!!!" sabi ko bago pinindot ang cancel pero.....






"Shout off." bulong ko habang tinitignan ang phone kong no battery na. Taranta kong hinanap ang charger ko sa kabinet bago chinarge ang phone ko. Trinay kodin iopen pero ... AYAW!





Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto ko hanggang sa makita ko ang laptop ko sa study table. Agad akong umupo sa harap nun at inopen ang Fb.





"Kien ... Renzo ... Ano nga yung apelyido nun?" bulong ko. "Ahh basta!"





TING!
1 notification.





"Jusmiyo!" kinakabahan na bulong ko bago dahan dahan na pinindot iyon.





Kien Renzo De Luna accept your friend request.




"KYAAAAAAA!!!!!" sigaw ko habang nagtatatalon.

The Scent of FlowerWhere stories live. Discover now