1

16 0 0
                                    

"Uy Denise, ano na?!" sigaw ni Rusel.

"Ito na, Atat ka masyado. Di kapa nakakapasok sa BU no?" pangiinis ko sakanya pero inismiran lang ako ng gag*.

"Uy guys, magsiayos nadaw at magsisimula na ang parade. Magsiayos nadaw dun sa court!" sigaw ni Chevy kaya nagsitakbuhan na ang mga loko papuntang court. Syempre kasama ako dun. Char!

Pagkarating namin dun ay nakahanda na ang mga student ng ibat ibang school para sa parade. Fiesta kase sa Albay kaya may parade.

Nang nakaayos na ang lahat ng biglang may pumito.

"ONE, TWO, THREE GO!" sigaw nito at nagsimula nang mag-drum ang nasa unahan at lumakad palabas hanggang sa nagsunod-sunod na.

Naglakad kami sa initan habang sumasayaw at tumitigil-tigil pa. Ang init!

"Malayo paba?"tanong ni Denver na katabi ko pala.

"Dun daw sa BU ang end" sabi ni Trisha na energetic padin kahit ang haba na ng nilakad namin.

"Seryoso?!" gulat na tanong ni Denver na tumigil na sa pagsayaw.

"Uy deretso!" sigaw ng kaklase namin kaya naglakad na ulit kami habang sumasayaw.

"Gutom nako!" reklamo ni Chevy habang sumasayaw.

"Malapit na, malapit na tayo makapasok!"sabi ni Denver habang sumisilip silip pa!

"Nasa hulihan kase tayo kaya matagal. Malamang pagpasok natin masikip na." sabi ni Rusel bago tumigil sa pagsayaw dahil tapos na ang parade.

Pagpasok namin ay muntik nang mahulog ang mata ko.

Ang lawak at ang laki ng BU!

"WOW!" rinig kong sambit ng mga kaklase ko.

"Masikip pala ha?" paring ni Denver kay Rusel.

"Uy, may pagkain!" sigaw ni Chevy kaya pinagtinginan kami ng mga tao.

"Hinaan monga boses mo!" madiin na sita ni Trisha sakanya sabay kurot sa bewang nya.

"Oo na!" bulong nya.

"Oh dahan-dahan naman," sabi ni Denver.

"Wow, salamat sa concern." sabi ni Chevy pero halatang sarkastiko ito.

"Napaghahalataan kaseng patay gutom ka," sabi niya at agad namang umamba ng hampas si Chevy pero nakalayo na si Denver.

"Punta tayo dun sa soccer field nila dito!" buong galak na sabi ni Trisha bago ako hinila.

Habang naglalakad kami ay di ko maiwasang mamangha. Ang lawak nya at ang linis. Habang nagmumuni-muni ako ay di ko nahalata na nahiwalay na pala ako sakanila hanggang sa may mabangga ako na syempre di sadya.

"Sorry po–" di ko natapos sasabihin ko ng mapako ang tingin ko duon sa lalaking nakabangga ko.

Shit, ampogi!

"Kenzo, tara na!" sigaw ng kasama nya sabay senyas na 'tara' pero sumenyas lang sya ng 'wait' at tumingin sakin sabay escan ng buong katawan ko bago umalis.

"Hoy, anyare sayo?!"sabi ni Chevy habang naglalakad palapit saakin kasama sina Rusel.

"May nakita atang pogi," bulong ni Claire kaya sinamaan kosya ng tingin.

"Balik nadaw sa school." sabi ni Denver kaya napangiwi ako. Please, sana wag kana mag-suggest.

"Lakad nalang tayo!" suggest nya at agad naman syang nakakuha ng mura saamin.

The Scent of FlowerWhere stories live. Discover now