Chapter 1: The Journey
Isang babae ang tumatakbo palabas sa madilim na eskinita. Mabilis at mabigat ang kanyang paghinga. Palingon-lingon sa kanyang likuran na animo'y may tinatakbuhang nakakatakot na bagay.
Kalaliman na ng gabi. Tanging liwanag ng buwan ang nagbibigay ilaw sa kanyang dinaraanan.
Maya-maya pa'y may biglang humablot sa kanyang braso dahilan upang siya'y mapahinto. Paglingon nya sa nilalang na may hawak sa kanya ay napasigaw na lng siya sa sobrang takot.
Pangil. Isang bampira ang nasa harapan niya ngayon.
"Wag! Parang awa mo na! Pakawalan mo ako" pagmamakaawa ng babae. Halos hindi na niya Makita ang mukha ng kanyang kaharap sa dami at bilis ng pagpatak ng kanyang mga luha.
Ngumiti lang ng nakakaloko ang bampira. Takam na takam siya sa putaheng hawak niya. Ilang linggo na rin siyang hindi nakaka-kain ng matino.
Puro na lng dugo ng hayop ang kanyang naiinom. Sawang- sawa na siya. Gusto naman niya ng sariwang dugo ng tao ngayon.
Wala'ng ano-ano'y kinagat na niya ang leeg ng babae-----
"Hay naku! Lagi na lng ganyan ang pinapanuod mo Mika" sabi ng isang babae sa kaibigan niyang naka-upo sa sofa at nanunuod ng TV.
"Anjan ka na pala. Ginulat mo naman ako, Jenny. Kumusta paghahanap ng trabaho?" Liningon niya ang kaibigan na naghuhubad ng sapatos.
"Ayun ganon pa rin. Lagi na lng nilang sinasabi na maghintay sa tawag nila. Buti naman sana kung tatawagan talaga nila ako." Dumiretso sa kusina si Jenny at uminom ng tubig.
"Di ka na lng ba nagsa-sawa at puro bampira na lng pinapanood mo ha?" tanong ni Jenny habang nagla-lakad siya papunta sa sofa hawak ang baso at naupo rin doon.
"Hindi noh. Ang exciting kaya. Kesa naman mga love stories. At least may thrill pag horror at hindi pa ako aantukin kakahintay sayo." Sagot ni Mika kay Jenny habang pinapatay ang TV.
"Sus! Sabihin mo lang na bitter ka, kasi NBSB ka pa rin hanggang ngayon."
"Haist! Para namang ikaw hindi NBSB ano! Parehas lang kaya tayo." Depensa ni Mika.
"Haha.. Oo na lang.. Ah nga pala may nakita akong Ad kanina sa diyaryo. Naghahanap sila ng Interior Designers para sa pinapatayo nilang bahay." Binigay niya ang diyaryo kay Mika.
"Hmm.. 0805 Holycross Drive? San naman yon? Baka sobrang layo naman niyan?" tanong ni Mika habang matamang binabasa ang nakasulat siya diyaryo.
"Hello? Eh para san pa at naimbento ang GPS? Tutal wala pa namang tumatawag don sa mga inaplyan natin, patusin muna natin yan. Namo-mroblema nako sa pagba-budget ng savings natin eh." Sabi ni Jenny sabay halukipkip sa kanyang braso.
Parehong walang trabaho sa ngayon ang magkaibigan. Fresh graduate sa kursong Engineering si Mika at Architecture naman si Jenny.
Halos lahat ng inapplyan nila ay naghahanap ng at least two years experience kaya wala pa silang mapasukan.
Ang kinikita lang nila sa pagiging part time singers sa restaurant ng dating classmate nila sa college ang pinangga-gastos nila.
Lumaki silang dalawa sa orphanage kaya hindi na nila alam kung sino at kung buhay pa ba ang mga magulang nila.
"Ano, puntahan natin? Sayang din naman yan. Imbes na mamuti na ang mga mata natin sa kakahintay ng tawag, mas mabuti pang tignan natin yan para magka-pera pa tayo." Paghihimok ni Jenny kay Mika.
BINABASA MO ANG
The Path [On Hold]
FantasyLet's accompany Mika and Jenny in the world of unknown... Can they survive when they are surrounded by different elementals, creatures, and vampires?