Chapter 2

1 0 0
                                    

Huh? 

 Sino sya? 

 Kilala ko ba sya? 

 Matapos nyang sabihin yun ay agad din itong umalis. Ngayon ako ay nandirito sa aking inuupahang silid. Dahil malayo ang aming probinsya dito sa syudad at mahirap lang ako kailangan kong mag trabaho. Ngayon ako ay nag aapply dahil hindi na sapat ang kinikita ko para sa pang araw araw na gastusin. Napadaan ako sa isang resto bar at saktong naghahanap sila ng katulong. Agad akong nagtanong at agad din akong kinausap ng may ari ng resto bar. Agad din akong kinuha bilang waiter. Napag usapan nadin ang salary at ang mga pwede at bawal. Magsisimula ako makatapos ang isang linggo dahil may mga papeles padin akong dapat ayusin.

 Gabi na at pauwi na ako. Isa sa mga nakakatakot na lugar dito ay ang kanto papunta sa inuupahan ko dahil sa mga tsismis na madami raw ang drug addict dito. 

 "Bata. Gusto mo ba?" Agad na yaya sa akin ng isang lalaki na tila ba high na ito. 

 "Boss pass po muna. Kelangan ko po makauwi agad may pasok pa ho ako bukas ng umaga." Magalang kong tugon dito.

 "Aba't -" Hindi na nito naituloy ang kanyang sinabi dahil nagsitakbuhan na ang mga ito ng marinig ang sirena ng pulis. 

 "Okay ka lang ba?" natulala lang ako nang makita ko. Isang lalaking may tangkad na anim na talampakan at halos hanggang balikat lang ako nito. Malaki ang katawan na para bang banat mag gym at may mapungyaw na mata. Hindi naman ako kagwapuhan pero may itsura din ako. Hindi gaanong maputi pero hindi din maitim. Tinapik tapik nito ang aking pisngi na para bang nag aalala ito. 

 "Pst? Bata. Okay kalang? Hoy!" Ngayon ko lang napagtanto na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya. Dahil siguro sa takot kaya ako ay kung ano ano ang naiisip.

 "H-ha? O-opo sir. Salamat po." Pagsagot ko sa kanya. Inihatid nya ako hanggang sa makarating ng apartment bago ito umalis. Sa sobrang kaba ko ay agad akong nagtungo sa banyo upang maglabas ng kaba.

 KINABUKASAN...

Habang nasa jeep ako ay naalala ko ang babaeng naaksidente kahapon. Kumusta na kaya sya? Sa dami ng aking iniisip ay agad akong pumara dahil natanaw kong lumampas na ako sa aming paaralan. 

 "Good morning. Baby keyks." -Alicia. Ang babaeng laging mali ang grammar. 

 "How you now? Baby keyks?" Tanong nito. 

Nagpalinga linga ako sa aking paligid at wala akong nakita kundi sya lang. Agad kong tinuro ang sarili ko upang kumpirmahin na ako ang kinakausap nya. 

 "ah humm." Tumungo tungo ito. 

 "Yes you, not everyone, not I." Agad nitong sabi.

 "Okay lang naman ako Alicia. Bakit?" Agad kong tanong dito at sya namang sabay sa akin maglakad patungo sa paaralan. Teka bakit ba kasabay ko to?

 "You know, Well, Car not functioning preparely." huh? Pinagsasasabi nito? 

 "Huh?" Alam ko may sayad to pero hindi ko alam na ganito pala kalala. 

 "I mean. The car. Our car not working." Ahhhh. Yun pala hindi gumagana. 

 "Oh bakit? So nag jeep ka din?" Tanong ko rito. 

 "Uh huh!!!" agad na sagot nito. 

 "Oh bakit mo ako tinatawag kanina?" Agad ko itong tinignan at para bang nagulat.

 "Oh. My.. Oh my... Oh my gad.." Teka ano bang problema ng babaeng to. 

 "Like. Oh my gad. Like." Ako mapipikon na sa babaeng to. Ang aga aga naiirita ako. Habang naglalakad ako ay naramdaman kong nakatingin ang mga tao sa akin. Maya maya pa...

I am Straight. Aint I?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon