Chapter 1

2 0 0
                                    

"MANONG PARA!!!."  sigaw ng isang dalaga sa aking tabi.

 
"Teka lang iha at nasa gitna pa tayo ng kalsada." ngunit tila ba hindi ito narinig ng dalaga at agad na tumayo dahilan upang tumalsik ito palabas ng jeep. Lahat ay nagulat sa nangyare. Agad na tumigil ang driver at tila ba galit na galit dahil hindi sya nito narinig buti na lamang at mabilis na tumigil ang kotse na nakasunod sa amin.

*peeeeeeeeeep*

*peeeeeeeeeep*

*peeeeeeeeeep*

Sunod sunod na busina ng mga sasakyan dahil ang mga pang yayari ay nag dudulot ng traffic.

"Are you okay?" Tanong ng isang lalaking agad na tumakbo sa dalaga matapos nitong tumilapon. Halos umiyak ang dalaga dahil sa natamo nitong sugat.

"Jusko maryosep. Iha diba sinabi kong itatabi ko lang ang sasakyan. Bakit ba ang bibingi ng kabataan ngayon? Anong masakit sayo? Tara at magpunta sa hospital." Agad naman kaming pinababa ng driver at nakiusap sa susunod na jeep na doon kami ilipat. Pumayag naman ito. Kasabay namin ang lalaking kaninang nagtanong sa dalaga kung okay lang ito. Gwapo ito at tila ba parang  anak amerikano sa puti.

Humihikbi ang dalaga nang huli ko siyang nasilayan bago humarurut ang jeep na aming nilipatan.

"Bayad ho." abot sa akin ng gwapong lalaki na halos kaedaran ko lang din.

"Manong bayad raw." At inabot ko ito.

Malapit na ang aming paaralan kaya't akoy nag ayos na at inihanda ang aking sarili sa pag sabi ng

"MANONG PARA HO." Sabay naming bigkas ng lalaking nasa tabi ko. Ngayon ko lang napagtanto na pareho pala ang aming uniporme ngunit wala pa itong I.D. Agad kaming bumaba at nagtungo sa paaralan. Hula ko ay isa syang transfery student.

"ID po sir." Sabi ni Manong Guard. Agad kong pinakita ang id ko at agad ako nitong pinapasok.

"ID po sir." Pagpigil nito sa nasa likod ko.

"Sir. Wala pa po akong ID. Transferred student po ako. First day ko po ngayon." Agad nitong tugon.

"Kung ganoon ay mag log ka dito. Pangalan una ang Surname, First name at middle. Tapos edad. Email address at time in." Mabilis na sagot nito sa kanya. Kinuha nito ang balpen na nasa tapat ng log book at nag umpisa ng sumulat. Tuloy tuloy ako sa aking paglalakad dahil sabik na akong makita ang aking mga kaibigan.

OO nga pala ako si Arvin Marques. Isa akong I.T student. 20 years old at second year college sa MATTHEWROSE COLLEGE. Hindi kami mayaman sa totoo ay isa lang ako sa mapalad na nakakuha o biniyayaan ng scholarship. Isa din akong masahista at minsan ay tumutulong ako sa business ng aking tito pag kinakailangan.

"Oy pare kumusta?! Tumaba ka ata ngayon ah?" Tanong ni Jasper.

"Ako tumaba? Masarap kumain eh." Tugon ako.

"Hi Vin."

"Hello Trisha. Kumusta? Gumaganda ka lalo ah?" Agad kong sabi rito dahilan para magtaray nanaman ito sa akin.

"Hmpt! Lagi kaya akong maganda. Epal ka. Jan kana nga!" agad itong umalis at nagtungo sa mga kaibigan nito. Si Trisha ay isa sa mga babaeng nagkagusto sa akin noon pero hindi pa ako handa sa relasyon. Sa totoo lang ako ay walang naging girlfriend simula pinanganak hanggang ngayon. Gusto kong tapusin muna ang pag aaral ko, maghanap ng trabaho, bumili ng bahay at lupa bago pumasok sa mga bagay na tulad niyan.

"Pre sinungitan kananaman.Boooo." at sabay sabay silang nag thumbs down sa akin.

"Tumigil nga kayo jan. Alam nyo namang..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang magsalita si Nikka.

"Alam nyo namang magtatapos pa ako ng pag aaral, bibili ng bahay at lupa bago pumasok sa ganyang relasyon. Like dude. May iba pa ba tayong rason. Wala na bang iba?" Agad nitong usal sa akin.

"BOOOOOOOO." Biglang bulyaw sa akin ng mga kaklase ko. Alam nilang lahat na dati kong crush si Nikka at wala pading tatalo sa kanya. Pero hindi pwede hindi dahil sa pangarap ko kundi dahil petchay din ang gusto nya.

"Magiging sentimental kananaman. Chill." Tsk. Agad nitong tinap ang balikat ko dahil dumating na ang prof namin.

"Good morning class. Im Mr. Real Alonzo. I'll be your teacher for this subject. Computer Org. or we call it com org. No difference right. I know some of you don't know me yet but please I only have 3 rules inside the classroom. First is cleanliness dapat malinis ang classroom whenever I entered. Second please listen to me when I'm teaching dahil napaka importante ng subject natin na to. Lastly please raise your hand whenever you want to say something, answered a question or going at the bathroom. Is that clear?" Agad nitong tanong.

Matapos nitong mag paliwanag ay agad nya kaming dinismiss dahil may meeting pa raw ito. Maya maya pa ay nakarinig kami ng hiyawan sa labas agad namang naglabasan ang mga tsismosa at tsismoso.

"HOMERGED!!!!! GIRLS!!!! ANG POOOOGEEEEEEE!!!! AHHHH!!!" agad agad naglabasan ang mga natira pang babae sa room at nakisigaw.

"Sino sya?" -Mae
"Be di ko din alam. Wag mo ko tanungin." - Jane
"Jowa ko yan be. Wag nyo ko agawan."- Kristy
"Haliparot ka. Akin sya." -Jane
"Magkakilala kayo?" - kristy
"Hindi. Pero sya talaga ang man of my life." - Jane

"Sure ka man yan?" Agad na singit ni Lawrence. Si Lawrence ay isang lalaki na may taas na 5'8. Maputi at may singkit na mata, maliit na lips na medyo mapula, may maliit at matangos na ilong. Isa sya sa mga pinagkakaguluhan ng mga babae sa ibang section. Si Jane naman at Kristy ay mag bff. Sila ang duo sa kalandian at number 3 pag dating sa tsismis.

"Ano ba Lawrence! Umalis ka nga dito. Dun ka sa loob ng classroom. Di ka naman babae para kiligin sa nakikita namin!" agad namang tinignan ng masam ni Lawrence ang dalawa. Sa totoo lang ay parang may gusto ata si Larence kay Kristy. Umalis ito at nagdabog na parang bata.

"Tss." ang huling salitang ko rito bago ito magpunta sa akin.

" Oh bakit?"  tanong ko sa kanya.

"pogi ba ako dude?" tabong nito sa akin.

"Pwede na." Nagulat ito sa akin. Kaya para itong batang mas nagtampo at nginudngud ang mukha sa desk.

"Oh problema nyan?!" Tanong ni kristy. Nagkibit balikat nalang ako at sinenyasan ko syang kausapin si Lawrence.

"Hoy." at tinapik ito ni Kristy.
"Hoy. Anong arte mo?" Hindi padin nito pinapansin ang dalaga.

"Ako Lawrence wag mo artehan ha." Agad nitong inihaon ang mukha sa desk at umupo ng maayos ng nakamulumod.

"Oh problema mo?" Tanong nito ulit.

"tss. WALA." agad na sagot ni Lawrence.

"Weee? Gusto mo lang ata sinusuyo ka e. Alulululu." Agad namang lumapit si Kristy at kiniliti si Lawrence dahilan para gilitan ko sila ng ulo dahil sa harap ko pa maglandian. Habang gusto kong gilitan ang dalawa ng ulo hindi ko namalayan na tahimik na pala ang paligid at naramdaman kong parang may presensya ng isang tao sa gilid ko.

"HI NICE TO MEET YOU!" He smiled.

I am Straight. Aint I?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon