Chapter 2

47 4 2
                                    

I was trying to reach my phone as its alarm rang so loud across the four corners of my room when I suddenly fell out of my bed.

"Ah—ouch!"

Mabilis kong sinamaan ng tingin si Freeda na tawa nang tawa sa may pintuan ng kwarto ko habang may hawak siyang spatula.

Looks like she was cooking earlier tapos narinig niya 'yong kalabog sa kwarto ko.

"Akala ko nagwawala ka na dito." sabi niya saka nagpatuloy pa rin sa kakatawa.

Inirapan ko na lang siya habang tumatayo at dumiretso sa cabinet ko para kumuha ng damit.

It's been a hell of a week since I left my precious thing with that freakin' stranger. Hanggang ngayon wala pa rin sa kamay ko ang mga minamahal kong gamit.

"Anong oras first class mo?" tanong ko pero walang sumagot.

Paglingon ko sa likod ko wala na pala akong kasama.

Umagang-umaga nab-badtrip ako sa pinsan ko. Remind me to ignore her for the rest of the day later.

Pagkatapos kong makuha ang pang-ilalim ko sa aking uniporme ay daglian na rin akong bumaba at pumasok sa banyo para maligo.

Nauna na yatang naligo sa akin ang magaling kong pinsan. Ubos na ang shampoo.

Hindi pa rin kasi kami nakakapag grocery simula nang maubusan kami ng stock last week dahil naging busy sa midterms.

This is so frustrating. Parang gusto ko na itakwil ang sarili kong kamag-anak.

Huminga muna ako ng malalim bago nag-umpisang maligo. Buti na lang mahilig ako magsiksik ng sachet ng shampoo sa gilid-gilid ng banyo.

Pagkatapos ko maligo ay lumabas na rin ako. Nakahanda na ang pagkain sa mesa pagpasok ko sa kusina.

Mukhang nasa kwarto pa si Freeda at hinahanda ang uniporme naming dalawa.

She can surely irritate me sometimes but she's the only one I have here in Manila. Both of our parents are in the province.

Sinandukan ko na lang siya ng pagkain at ipinagtimpla ng kape nang marinig kong papalapit na siya sa kusina.

Maliit lang ang apartment na inuupahan namin, swerte na nga kami dahil kilala ng mga magulang namin ang may-ari ng apartment na ito, dahil doon ay nabili namin ito sa mas affordable na halaga. Malayo sa campus pero okay na rin kaysa umupa ng buwanan sa bahay na 'di kami kasiya.

Our apartment is only simple but I can say that it is cozy enough for us. Pagpasok ng pintuan, sala na agad, hindi na rin kami mas'yadong nag provide ng furnitures dahil sisikip. Bukod pa roon ay hindi rin naman namin kailangan ng maraming gamit.

Kami lang naman dalawa kaya mas pinili na lang namin na maglagay ng mini table sa gitna ng sala na p'wede namin gamitin sa pag aaral, naglagay na lang din na lang din kami ng cushions and mats na nagsisilbing upuan sa lapag.

This is actually a two-storey apartment. Sa taas ang kwarto naming dalawa, sa baba naman ay sala at pinagsamang kusina't dining area.

We're already thankful of what we have right now. There is nothing more that we can ask for, as long as magkasama kaming dalawa at hindi kami nagdudulot ng problema sa mga magulang namin.

Iyon ang pinaka kinatatakutan naming dalawa. Pumunta kami dito para mag-aral and to make our parents happy. We both want our families to have us as someone they could be proud of, and we always wish for that to happen.

Hindi man mukhang ginagawa ni Freeda ang lahat ng makakaya niya but she is truly doing her best to achieve her goals.

"Hey, let's eat. Nawawala ka ba sa sarili mo ha? Na-untog mo ba ulo mo kanina, Aki?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Game of QuestionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon