Start

25 1 0
                                    

Prologue



Sabi nila perpekto daw ako mula sa matangos kong ilong hanggang sa malakupidong hugis ng labi ko, mga tilang kumikinang na mata. Ang ganda raw ng buong mukha ko pati ang hubog ng aking katawan kahit sa murang edad pa lamang.

Pero ang alam ko lang ay mayroon akong amazing na lola na nag-alaga sa'kin simula ng mamulat ako sa mundo. Sabi ni lola namatay daw ang mommy at daddy ko dahil sa isang car accident dalawang taon pa lamang ako. Nang nalaman ko 'yon ay sobrang nalungkot ako at umiyak ng todo pero isa kasi akong uri ng tao na laging iniisip na nangyari iyon ng may dahilan.

Nakatira kami ng lola ko sa isang baryo na tinatawag na Centelleo.

"Fara! tara na, 'di ba gusto mong sumama sa'kin pumuntang bayan?" Tawag ng aking lola mula sa aming kusina.

"Oo nga, La. Teka lang po nagbibihis pa ako!" Sigaw ko pabalik dahil alam kung hindi niya ito maririnig kung hindi iyon pasigaw.

"Bilisan mo, apo. Naku mas maganda na ang maaga tayo makakaalis para pag uwi natin makapagluto tayo kaagad. Alam mo naman ang mga suki natin." Para akong tangang tumatango-tango habang nagsasalita si Lola.

Imbis na sumagot pa binilisan ko na lang ang pagsusuot ng aking dilaw na bistida.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto at hinanap si Lola. Luminga-linga pa ako hanggang sa makita kong bukas na ang aming pintuan.

Pagkalabas ko ng aming munting bahay ay nakita ko si Lola na may kausap ng tricycle.

Lumingon ito sa'kin. "Dito, Fara! Halika na!" Sabay hampas pa ng palad na animo'y inaanyaya ako.

Tumango ako at dumiretso ng sumakay pagkatapos niya.

Maya-maya pa'y tumigil na ang tricycle sa tapat ng plaza kung saan naroon ang simbahan. Agad naman akong bumaba at inalalayan ang aking lola sa pagbaba.

Hawak-hawak ko pa rin ang siko niya hanggang sa makapasok kaming simbahan.

Pagkaupo ko, agad naman si lola na lumuhod sa luhuran ng mga upuan kaya nataranta na naman ako, pipigilan ko pa sana kaso nakaluhod na siyang tuluyan. Ako talaga'y naaawa sa lola ko, magna-ninety na siya sa susunod na buwan ngunit ginagawa niya pa rin ang lahat upang matustusan ang pangangailangan ko na sa tingin ko ako na dapat ang gumawa dahil dise-siete na rin ako.

Ngunit napakakulit talaga ng lola ko kaya ako na lang ang nagbibigay diin minsan na ako na dapat ang gagawa no'n lalo na sa mga gawaing bahay.

Habang nagdadasal pa si lola, linibot ko muna ang aking paningin hanggang sa mapako ang tingin ko sa hindi kalayuan.

Isang itong matipunong lalaki.

Dahil na rin sa puwesto ng kinauupuan ko, side view niya lang ang nakikita ko. Makapal na kilay at mahabang pilikmata, maaari kaya iyon para sa isang lalaki? Siguro, dahil nakakita na nga ako ngayon, tumawa ako sa isip ko.

Hala ang pula naman ng labi niya kahit sa medyo malayo, tapos ang ganda pa ng hulma ng matangos niyang ilong. Wow, ang pogi-pogi naman niya. Nakikita kong nababakat rin ang matipuno niyang braso sa kanyang gray na t-shirt. Namula naman ako doon at umiwas ng tingin.

Maya-maya pa ay tumayo na ito pagkatapos mag-sign of the cross kaya napa-angat na uli ako ng tingin sa kanya at sinunod siya ng aking mga mata.

Ang tangkad niya at nakapaganda niyang panooring maglakad.

Hala po.

Parang siya na ang gusto kong maging asawa balang-araw.

Napaigtad na lang ako ng may kumalabit sa'kin mula sa likod ko kaya unti unti akong humarap.

Napakamot ako ng ulo ng makita kong nakakunot noo si lola habang nakatingin na rin sa likod ko, tinitingnan kung saan ako nakadungaw kanina.

Magsasalita na sana siya ng lumapit sa amin si Father Vergillo.

"Ay father magandang umaga po sainyo!" agarang bati ng aking lola sabay ngumiti, nawala na iyong kuno't noo kanina.

Napabuga ako ng hangin. Mabuti na lang.

"Magandang umaga rin, Cecelia. Ako'y nagagalak at nandito na naman kayo ng apo mong maganda." Nahiya naman ako sa sinabi ni father kahit na lagi ako nitong pinupuri kaya nginitian ko na lang din ito.

"Naku, kanino pa ba yan magmamana kundi sa lola niya ring ubod ng ganda," biro ni lola kaya napatawa si father at nakisabay na lang rin ako.

"Hay nako, Cecelia sinabi mo pa. O siya mauna na ako may gagawin pa ako sa loob ng kumbento.

"Sige ho, father. Sakto mamimili na rin kami ng apo ko."

"Paalam, father," ani ko at tumango ito sa amin at naglakad na paalis hanggang sa mawala ito sa aming harapan.

Magsisimula na rin sana akong maglakad ngunit napahinto ako ng makita ko iyong gwapong lalaki kanina na may kasamang babae na naka-angkla sa kaniyang braso kaya napaiwas ako ng tingin.

Linukob ako ng kakaibang pakiramdam, parang pinipiga ng malaking kamay ang puso ko? Pero bakit naman ako makakaramdam niyon?

"Tara na, Fara. Mamimili na tayo ng mga sangkap para sa lulutuin nating mga ulam." Napagitla ako ng tawagin ako ni lola na siyang nakapagbalik sa akin.

"Okay po, La. Halika na po alalayan na kita."

Hanggang sa nakapunta na kami sa palengke at namili.

"Ahhh..." ungol ko ng sa wakas nakaupo na ako sa aming silya. Nakakapagod din sa paglilibot ng bibilhin, lalo't gusto ng lola ng mga murang kasangkapan.

Habang si lola naman ay nagbibihis pa ng pambahay.

Ilang oras ang lumipas at nagsimula na kami ni lola mag-prepare para sa lulutuin namin.

"Ako na, La dito ang maghihiwa ng petchay," saad ko kay lola na kinatango niya. Nagsimula na akong maghiwa. Paalis na siya ng kusina ng mapansing kong napatigil ang hakbang nito kaya hinarap ko siya.

Nakahawak ito sa kanyang bandang dibdib na parang may masakit.

Lumapit ako kaagad sa kanya at inalalayan siya.

"La! ano pong masakit?!" tanong ko rito. Napahiga na kami dahil sa panghihina ni lola hawak pa rin ang kaliwang dibdib.

Hanggang sa mawalan ito ng malay, kaya naman napahagulhol na ako.

"Lola naman, tinatanong ko po kayo kung ano pong masakit e!" Tuloy pa rin ako sa pag-iyak habang kalong-kalong ko ang lola kong walang malay. Hindi ko alam na may sakit pala ang lola ko dahil kahit kailan ay hindi naman siya nagpakita ng kahit anong may masakit buong buhay ko.

"Mga kapitbahay tulong ho!" Halos mapigtad na ang litid ko sa lakas ng sigaw ko na may kasamang iyak. "Tulong! tulong po si lola." Humagulhol ako ng malakas na parang bata.

Ang sakit-sakit ng puso ko habang nakatingin sa lola kong namumutla na.

Hala bakit parang hindi na siya humihinga?!

Sinubukan kong itapat ang hintuturo ko sa kanyang ilong upang malaman kung may lumabas bang hangin doon.

Nakarinig naman ako ng kaluskos ng madaming tao papasok sa aming bahay.

"Fara anong nangyari sa lola Cecelia mo?" tanong ni aling Selly at nakita ko rin ang iba pang mga kapitbahay namin na halos pumuno sa aming tahanan.

"Si lola po hindi na humihinga!" Puno ng luhang sabi ko.


Under DiamondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon