Chapter 1

7 0 0
                                    




Heart attack ang ikinamatay ni lola. Nakakatawa dahil hindi ko man lang alam kung bakit siya nakahawak sa kanyang dibdib. Iyong puso niya pala ang masakit.

Ilang araw na simula ng ilibing si lola pero hindi ko pa rin matanggap na wala na siya.

Mag-isa na lang ako.

Muli kong pinahid ang nalaglag kong mga luha.

Nag-ayos ako ng sarili ko dahil naisipan kong pumunta ng simbahan upang magdasal para kay lola. Hay... ang sakit ng puso ko. Pagharap ko ng salamin ay mugto pa rin ang mga mata ko. Ilang araw na ba akong umiiyak lang ng umiiyak? Hindi ko na mabilang. Natawa na lang akong pagak.

Ilang minuto lang ay naabot ko na ang plaza. Dumiretso na akong pumasok ng simbahan. Nagdasal hanggang sa tuluyan ko ng napagpasyahang umuwi.

Tulala lang ako sa loob ng munting bahay namin hanggang sa marinig kong may kumakatok. Agad kong tinungo ang pintuan habang inaayos ang sarili dahil mukha na siguro akong zombie at pinagbuksan ito.

Nagulat pa ako ng makita ko si father Vergillo.

"Oh father, ano pong sadya niyo at naparito kayo?" Talagang dinayo pa ako ni father, pero para saan?

"Magandang umaga sa'yo hija. Ako'y narito upang makiramay sa namayapa mong lola na hindi ko man lang naabutan," saad niya gamit ang malungkot na tinig.

"Ah ganun po ba, pasok muna kayo." Linahad ko ang kamay ko sa kanya papasok ng bahay.

Luminga-linga siya sa loob at dumiretso na rin umupo sa silya. Hawak nito ang tuhod bago tuluyang maupo. May katandaan na rin si Father, ilang taon rin ang tanda niya sa lola ko.

"Umupo na ako, hija ah." Natawa pa ito tipid.

Napakamot ako ng ulo. "Naku, ayos lang po. Dapat nga po ako ang nag-alok sainyong maupo," ani ko.

"O siya, ako'y humihingi ng pasensya dahil hindi ko man lang naabutan si Cecelia ng nakaburol."

"Naku, hindi niyo naman po iyon responsibilidad."

"Pero kahit na, hija. Malapit na ang loob ko sainyong mag-lola. Kaya nga hindi kita hahayaang dito ka lang mag-isa ngayong wala na ang lola mo," aniya.

"Ho? Paanong hindi niyo po ako hahayaang mag-isa dito, ano pong ibig niyong sabihin?" taka kong tanong dito.

"Mayroon akong malapit na kaibigan na makakatulong saiyo. Malaki ang bahay nila, magiging maginhawa ang buhay mo roon, hija."

"Huh? Payag naman kaya iyong kaibigan niyo po? Tsaka ayos naman po ako rito kahit.. kahit wala na si lola." Napayuko ako dahil nararamdaman ko na namang maiiyak ako.

"Sa totoo lang si Sandro pa iyong nag-alok sa'kin ng maikwento ko sa kanya ang nangyari sa lola Cecelia mo."

"So 'yun po ang pangalan ng kaibigan niyo?" tanong ko rito, medyo umatras na ang iyak ko.

"Oo, hija. Pwede mo siyang tawaging tito Sandro," sang-ayon niya.

"Pero bakit niya naman po ako hahayaang doon tumira sa bahay nila, like estranghero po diba ako?"

"Oo nga, hija pero mabait ang kaibigan kong 'yun. Kita ko sa mga mata niya na naaawa siya sa kalagayan mo kaya inalok niya ako tutal para naman maingay na raw ang bahay nilang iyon, naikwento ko kasing masiyahing bata ka." Ngumiti siya sa sinabi niya.

"Naku hindi naman po masyado. Pero ayos naman po ako dito talaga, father. H'wag po kayong mag-alala sa'kin. Seventeen na po ako kaya ko naman po ang sarili ko tsaka andyan naman po iyong mga kapit bahay naming mababait," paliwanag ko rito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Under DiamondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon