C&C 8

10.5K 142 2
                                    

KELLY’S POV

“TEKA NGA! SAN TAYO PUPUNTA???” hinila nya pabalik ung kamay ko na hawak hawak ung kamay nya dahil hinila ko sya palabas ng campus, dahilan para bumalik ung katawan ko at napalapit sa kanya….

So we’re standing and facing each other….

THE HECK! ANO TO??! Bat may ibang feeling???

Ngumiti sya bigla…. Kaya bigla kong napa-atras…

“Ah… Sa ano…. Di ko din alam! Basta alam ko, hindi ka ok.. kaya pupunta tayo kung san!” sabi ko..

“Sino bang nagsabing di ako ok??” tanong nya.

“Mata mo..” sabi ko..

“Ha??” nagtaka sya…

“I mean.. mata mo kasi mas nagsasabi ng totoo ang mata ng tao kesa sa kilos o sinasabi nila..” sabi ko, well, totoo naman..

Malayo layo na din ung nalakad namin at may naisip na kong pupuntahan namin.

“Alam ko na kung san tayo pupunta…” sabi ko sabay para ng taxi… Sorry di ako nagji’jeep…

After 45mins..

Andito na kami!

“bat ba tayo nandito??” tanong nya…

“Ano bang ginagawa sa timezone?? magm’make up???” tanong ko na namimilosopo… At nagmake face sya at bababa na dapat pero….

“Hep! Bago ka bumaba.. Ikaw ang magbayad…” sabi ko sa kanya…

“Ayos a! Ikaw nanghila hila dito tas ako pagbabayarin mo sa taxi?? E nagji’jeep naman ako…” sabi nya.. Hahah! Babae ako dito.. Kaya sya ang magbabayad.

“Girlfriend kita?? Ayos talaga to…” sabi pa nya.. GF?!?! NO WAY!

“HINDI NO! PERO BABAE AKO KAYA IKAW ANG MAGBAYAD!” bwisit to… Sya lang nagbayad girlfriend na ko agad….??! AGAD AGAD!?

“Oo na! magkano ba manong?” tanong nya..

“230 po..” sabi nung driver.. Oooppsss…

“HA?!?! 230 na un?? Grabe naman! Sige na nga. Eto na..” sabay bigay ng pera sa driver..

Pagbaba namin ng taxi…

“Parang ayaw mo pa magbayad kanina a? Haha!” sabi ko na may halong pang-aasar..

“230 un! Pang gas ko din un! Sana kasi sinabi mo na lang kung saan para nagkotse na lang di ba??? Isa pa, nandito tayo, maglalaro, tas may klase tayo… Ano bang trip mo??” sabi nya, nagtataas na naman sya ng boses sa akin…

“Gusto ko lang naman makatulong,, makabawi sa ginawa mo kanina sa akin sa room.. Sorry..” nagui’guilty tuloy ako.. Feeling ko dumagdag pa ko sa problema nya…. Kainis! ANg kulit mo kasi Kelly!

ELI’S POV

“Gusto ko lang naman makatulong,, makabawi sa ginawa mo kanina sa akin sa room.. Sorry..” sabi nya na tonong naguilty.. Nasigawan ko kasi sya… Di ko naman sinasadya.. Nadala lang ako, andami na kasing problema…

“A.. Hindi, wag mo na isipin un.. Wag kang magsorry, wala kang kasalanan.. So….Sorry…” sabi ko at napayuko na lang ako.

Tumango lang sya… Aish! NAkakainis naman! Gusto lang nyang makatulong, bat ka ba naninigaw Eli!?

“Tara, pasok na tayo sa loob..” tas hinila ko na lang sya… Para di sya madisappoint..

“Teka, akala ko ba??” di ko na sya pinatapos sa pagsasalita..

“Wala ng teka teka, magsasaya lang tayo ngayon dito.. KUNG ok lang sayong umabsent?” sabi ko ng nakangiti sa kanya…

“Oo naman.. Ako kaya nanghila sayo dito…” sabi nya at nakangiti na din sya…

At nasimula na nga kaming bumili ng card at nagpaload ng 1000. Hahaha! Parehas pa ata kaming adik sa ganitong bagay.. Akala ko si Yanny lang ang babaeng ganito.. Si Kelly din pala…

Nakailang rounds din kami sa racing, iba ibang racing, may car, motor, ung parang skateboard type din na racing, at ung pinaka tawa kami ng tawa ung horse back riding. Hahaha! Mukha kaming tanga. Pero masaya, sobra! Sakit ng binti namin at ng tiyan namin kakatawa.

“Nakakapagod un a!” sabi ko.. habang hinihimas ko ung tiyan ko dahil ansakit sa kakatawa..

“Kaya nga e. Ansakit ng binti ko! Sino bang nagisip dun??” sabi nya..

“AKO! Hahaha!” sabi ko…

“E masaya naman di ba??” tanong ko..

“Oo, sobra…” tas nangiti sya sa akin… Ang ganda nya lang pag ganyan kafriendly ang mukha nya….

After nun, nagpalakihan kami ng score sa basketball, e syempre talo sya.. Pero naiinis sya kaya nagpapatalo ako.. Nilalayuan ko ung tira ko para lalakad pa ko ng ilang steps bago makakuha ulit ng bola… At nung natalo ako..

“YEY!!!!!” sabi nya tas nagtatatalon na parang bata..

“Pssshhh… 12-13” sabi ko, sya ung 13.. Nung nag 12 ako, di na ko nagshoot. Hahah!

“kahit na, talo ka pa din! Bleh!” sabi nya.. Kulit lang…

Tas naisipan pa naming maglaban sa hockey.. Haha! Mga trip namin e… Sa oras na to, may ibang pagkatao na naman ni Kelly Jimenez akong nakita, at ung pagiging isip bata pa din nya kahit na sa school, tinuturing syang hot chick. Pero ngayon gusto ko syang bansagang little innocent chick. Hahaha!

“Kainis! Talo na naman ako!” tas nagpout sya…

“hahaha! E ikaw kasi e.. Kinakalaban mo ko… wait lang dito ka lang…” sabi ko..

“Teka, san ka……” di ko na sya pinatapos, at umalis na ko...

Pagbalik ko, nawala sya dun sa pinagtatayuan namin kanina.. Asan un.. Baka matunaw tong binili ko…

Hinanap ko sya. Maya maya… Nakita ko sya, sa tapat ng kuhaan ng mga bear, ung huhulihin… Para syang bata talaga kung di ko lang sya kilala.. iisipin ko highschool pa lang sya sa itsura nya ngayon…

“O…” tas inabot ko ung ice cream sa kanya…

“WAAAA!!!” *o* tas ung tipong kuminang ung mata at tuwang tuwang bata na nabili ang gusto.. Hahaha..

“Para san to?? I mean, ako dapat ang bumili nito, dahil sa kanina… Tas may problema ka pa…” sabi nya…

“Wala lang.. Kasi nainis ka na natalo kita, kaya para magfeeling panalo ka, yan, binilhan kita. E di ko naman alam na gustong gusto mo pala nyan… Haha.” Sabi ko..

“Galing mo a… Alam mo, kaya siguro andaming nagkakagusto sayong babae….” Ha?? Ano daw???

“Ha?? Anong ibig mong sabihin??" sabi ko...

Coffee and CakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon