C&C 49

12.7K 216 72
                                    

KELLY’S POV

After 10months…

“Sis!” salubong ni Ate sa akin

“Asan si Dad??” tanong ko

“Nandun sa taas.” Sabi naman ni ate.

“Late na ba ko??? Sorry!” sabi ko. At nanggaling pa ko sa hotel e andaming ginawa kaya kakauwi ko lang. May reunion kasi ngayon ng relatives namin dahil umuwi galing states ung lolo at lola ko.

“It’s ok. Di ka naman ganun ka late. At mabuti nga dahil nakadating ka. Ilang events na ba ang nalampasan mo?? Haha!” sabi ni Ate. Tama si ate. Sobrang dami ko ng na missed na events ng family dahil sa trabaho.

“E. Ate naman. Alam mo naman na busy ako.” Sabi ko naman

“haha. Nako. Ok lang un. Punta ka na dun kanina ka pa hinahanap ng mga tito at tita natin.” Sabi naman ni Ate

Maya maya pumunta na ko sa may garden namin at nakita ko na ung mga pinsan, tito, tita, pamangkin at lolo at lola ko.

“Hi Kelly!” salubong ni tita sa akin

“Hello po.” Sabi ko sabay beso sa kanila

“Nako. Ang ganda ganda mo talaga!” sabi naman ng isa kong tita

“Wala pa bang boyfriend???” tanong ng tito ko. Tumawa lang ako

“Nako. Paano magkakaboyfriend e busy masyado. Wala ng panahon yan para maghanap.” Sabi naman ni Papa

“PA!??!” sabi ko naman

“Hahaha! E mabuti na din un. Atleast nag-iipon ka muna for your future diba? Tsaka tulungan mo muna sila mama mo.” Sabi naman ng isa kong tita

“HEY! ITO NA BA SI KELLY!!???” tanong nung tito ko

“Haha. Oo pare. Yan na ung inaanak mo.” Sabi ni Papa

“Abay tignan mo nga naman o. kalaki laki na at ganda pa. Dati buhat buhat ko pa to.” Sabi nung ninong ko na tito ko

“Nako. Kanino pa ba magmamana?? Syempre sa tatay na gwapo.” Sabi ni papa

“Nako a. Ako kaya kamukha ni Kelly.” Sabi naman ni Mama

“Wag na kayong magtalo. Ako kamukha nyan.” Sabi ni Ate at nagtawanan naman ung iba

“Si kuya nga pala??” tanong ko kay ate

“Sinundo si DJ. Papakilala na nya sa mga relatives natin e.” sabi naman ni Ate

Wow lang. Buti pa si kuya may papakilala na….

“Ikaw kasi ang dami dami namang nanliligaw sayo bat ayaw mong pagbigyan?? Sinabi din naman ni Eli sayo na pwede kang mag boyfriend kahit wala sya. Di nya naman hawak ung desisyon mo e.” sabi ni Ate

“Oo nga ate. Pero ayaw ko ng magkamali. Tsaka si Eli lang talaga e.” sabi ko

“Tignan mo. Dati ayaw mo sa tibo e kay eli din pala bagsak mo.” Sabi nya

“Ayun nga e. Karma ko na si Eli ate.” Sabi ko naman

“ngayon na ba balak ni kuya??” tanong ko

“Oo. Ngayon na. Nagtext na nga sya na malapit na sila e.” sabi ni Ate.

Coffee and CakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon