Isang malamig nahangin ang sumalubong sa akin pag labas ko ng aking sasakyan. It's already 5pm at makulimlim ang kalangitan parang uulan paata.
'South cementery'
Pag basa ko sa nakalagay sa malaking pinto bago pumasok sa loob. Oo andito ako sa sementeryo, dadalawin ko ang isa sa mga dahilan kong bakit buhay ako ngayon.
Ngumiti ako ng makarating ako don, umupo ako agad at nilagay ang mga dala kong bulaklak at nag sindi ng kandela bago pumikit at nag alay ng panalangin.
"It's been 10 years simula nung nawala ka andami ng nangyari, may kanya kanyang mga buhay na kami, lahat may mga negosyo nadin. Siguro kung andito kalang subrang saya siguro natin lahat ngayon, kasi lahat ng mga pangarap natin, mga plano natin para sa buhay natin lahat ng yun na abot na natin" agad pumatak ang luha ko pagkatapos kong sambitin ang mga katagang yun, pero agad ko ring pinahid ito.
"Ayukong umiyak no, papangit ako tsk, by the way mag bibirthday na ang anak ko sa susunod na araw. Excited siya dahil makikita nanaman daw niya ang mga tita ninang at tito ninong niya, sa susunod na dalaw ko sayo dadalhin ko na siya dito para makita kana niya ulit" hinawakan ko ang puntod niya bago tumayo.
"So pano mauna na ako may gagawin pako sa coffee shop eh, dadalawin nalang kita ulit" lumakad ako palabas, agad akong sumakay sa sasakyan ko at pinapahuhurot ito papuntang coffee shop.
Pag dating ko don agad nila akong binati ng magandang hapon, pero ngumiti lang ako pabalik sa kanila. Dumiretso agad ako sa office kung pinasadya ko talagang lagyan para dito ko makausap kong sakaling may mag cocomplain na customer at para nadin kung bibisita man isa mga kaibigan ko, dito ko na sila kausapin para di naman abala sa ibang custumer, ang lalakas pa naman ng boses ng mga yun.
Agad akong napangiti ng mahagip ng mata ko ang isang picture frame na nakasabit sa dingding ng office ko,sa ibaba nito ay may naka lagay na 'PARACORD' kumpleto kaming lahat dito goshhh I miss them. I miss her.
*Blogg
"Oh my god, ka stress yung mga tao sa labas, lahat naka tingin sakin, ngayon lang ba sila naka kita ng maganda? Gossh dipa ba sila sanay? Pero okay lang sino ba namang di titingin kung ako ng rarampa walang katulad tong gandang to bitch, na stress yung anit ko dun ahh" tingnan mo tong babaeng to sulpot ng sulpot, nakakatakot minsan to eh tapos mahangin pa masyado tsk. Imbis na kumatok sa pintuan abay tadyakan ba naman tsk.
Tibay!
"Baka di masira tong coffee shop ko sa tadyak mo, baka masira ito dahil sa lakas ng hangin na dala mo Ms. Joanna Fernandez" I glare at her kainis talaga tong babaeng to sarap bitayin ng patiwarik.
"What ever Mrs. Jenny Verra Cruz. By the way I'm here para ipaalam sayo, na sundo ko na anak mo at andun na sa bahay niyo, ako na pala pumirma sa card niya wala namang problema matalino anak mo mana saakin." With matching ikot pa ang mata. Aba tusukin ko yang mata niya eh.
"I have to go,may gagawin pako dumaan lang talaga ako para sabihin sayo, ingat ka dito" tumayo siya at humalik sa pisngi ko.
"Thank you" sabi ko sa kanya bago pa siya maka labas ng pinto.
"Don't mention it" lumabas na siya at sakto namang pag Tingin ko ng ora's sa cellphone ko 6:20 na. I should go home my baby is waiting for me. Niligpit ko na mga gamit ko tyaka kinuha yung bag ko at lumabas.
"Yanni, uuwi na ako kayo ng bahala dito" Sabi ko sa isa sa mga worker ko dito sa coffe shop.
"Cge po ma'am ,ingat" lumabas na ako agad ng shop at sumakay sa sasakyan ko. Pag dating ko sabahay saktong alas siete na ng gabie.
"Manang Del?" Tawag ko sa kasambahay kong nag aalaga ng anak ko.
"Ma'am?"
"Asan ang baby ko?" hanap ko agad sa anak ko, God I miss her .
"Ay ma'am nasa kwarto na po niya, tapos na po siyang kumain at tapos na din niyang gawin yung assignment niya, baka po natutulog na. Ano pong gusto niyong kainin ma'am paghahanda ko po kayo"
"Salamat manang, pahinga na po kayo medyo busog padin naman ako, bababa nalang ako mamaya pag nagutom ako" ngumiti ako kay manang bago umakyat sa kwarto ng anak ko. Bilib ako sa anak ko dahil kahit sa mura niyang edad kaya na niyang eh manage yung sarili niya, matalino rin naman siyang bata.
I open the door, nakita ko siyang mahimbing na natutulog yakap yung laruan niya na binili ko sa kanya kahapon. Ngumiti ako at lumapit sa kanya, I kiss her forehead.
"I love you, goodnight baby"
Kinumutan ko siya bago ako umalis at lumakad papuntang kwarto ko.Naligo lang ako saglit bago ko binuksan ang laptop ko. Tumingin ako sa wall clock ko '7:50 pwede pa akong mag trabaho di pa naman masyadong late.
I was busy reading documents about the expansion ng coffe shop ko nang biglang naka rinig ako ng katok. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang pitong taong gulang kong anak na babae na bitbit ang kanyang laruang manika habang kinukusot ang mata.
"Mom I have a bad dream and I'm scared, can I sleep beside you?" tanong ng anak ko habang papunta sa akin. I smiled ng makarating agad siya sa akin, agad ko itong niyakap.
"Sure Baby" agad ko itong kinarga at hiniga sa malambot kong kama. I kiss her forehead bago ako humiga sa tabi niya at kinumotan ito.
"Mom I want to hear a story please" with matching puppy eyes.
Natawa ako sa ka cutetan na ginawa niya, kinurot ko ng mahina ang malalaki at malambot nyang pisngi
"Okay so anong gusto mong kwento baby, fairytale ba?"
"No mom, gusto ko po yung story niyo. Yung story sa friendship niyo po nila tita Grace kung saan po kayo nag simula" she giggled.
I smiled with invisible tears because of sudden pang of pain. Tumingin ako sa anak kung naka ngiti parin sa akin, hinalikan ko siya sa pisngi.
"Cge e kekwento ni mommy sayo lahat"
Sabi ko sa anak ko habang naka ngiti. Inalala ang mga magandang nangyari sa aming mag kakaibigan, ngumiti ako naalala ko yung mga kulitan namin, yung mga trip namin, yung asaran na minsan na uuwi sa pikunan. Yung sleep over namin na hindi naman talaga natutulog dahil magdamag nag kukwentuhan.
Siguro kung nakinig lang ako sayo, siguro buhay kapa ngayon. Agad na nagilid ang luha ko pero agad kung pinigilan, ayukong makita ng anak ko ayukong malungkot siya. Tumingin ako sa bintana ng kwarto ko umuulan na, parang bumalik lahat ng alaala ko nung gabing yun. Umuulan din nun.
Diko na napigilan ang mga luha ko kusa na silang bumuhos kasabay ng pag patak ng ulan. Hanggang ngayon nasasaktan parin ako sa katutuhanang kasalanan ko ang lahat ng nangyari. Kahit di nila ako sinisisi alam kong nasasaktan din sila.
Namimiss ko na siya, alam kong masaya na siya kung nasaan man siya ngayon. Sana mapatawad mo ko, nagsisisi akong di ako nakinig sayo pero maraming salamat sayo dahil niligtas mo ako, tinupad mo ang pangako mong proprotektahan mo kaming lahat.
Kung na saan kaman ngayon mahal na mahal ka naming lahat, alam ko ring hanggang ngayon binabantayan mo parin kami. Salamat hinding hindi ka namin makakalimutan.
Tumingin ako sa side table ko, andun yung picture frame naming lahat na naka ngiti, huminga ako ng malalim.
'PARACORD'
YOU ARE READING
PARACORD
ActionA tragedy, a close relationship, drama and friendship. Fate will put them towards the test, but will fate also bring them back together? Sinong mananatili? Sinong mawawala? See who's stay...