'FLASHBACK'
Jashen's POV
"Kuya"
Tawag ko kay kuya Jhundi ng maka rating siya sa table namin. Pinsan ko siya, pero mas matanda siya sakin he's 21 years old kaya kuya ang tawag ko sa kanya.
"Kuya Jhundi?" tawag ko ulit sa kanya dahil di siya lumingun sakin naka tingin parin siya kay Lyssi kahit di na ito naka tingin sa kanya. Pabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Lutang siya? Mukhang natamaan ang ulo ah este natamaan ang damdamin ah, yiehh kinilig yung bangs ko. May bangs ba ako? Wala naman ahh bahala na nga.
"Ah yeah, kasama ko si Pia may sasabihin siya sayo" may lumabas sa likud niyang cute na batang babae, kasama pala niya si Pia diko nakita ahh hehe. Ang cute talaga ni Pia sarap kurutin yung pisngi kaso wag na baka umiyak pa wala pa naman akong dalang piso dito hehe.
"Hi baby girl, anong sasabihin mo kay tita ganda?" Tanong ko kay pia, yumuko ako para mag kasing tangkad na kami.
"Happi bitde" Sabi niya na parang nahihiya, natatawa ako dahil di niya na pronounce ng maayos pero ang cute pa din. Binigay niya sa akin ang lollipop na dala niya. Ngumiti ako sa kanya bago ko hinalikan sa pisngi.
"Thank you yiehh salamat sa lollipop baby pia hehe" Sabi ko sa kanya bago tumayo at tumingin kay kuya Jhundi, ginulo niya ang buhok ni Pearl at tumingin sakin.
"Happy birthday ulit dai, balik ko lang si Pearl kila mama, tawagin mo nalang ako pag may kailangan ka" ngumiti siya sakin bago kinarga si Pia at palihim na tumingin kay Lyssi at umalis. Ayy talent yun hehe
"Anak niya yun? Sayang gwapo pa naman, diba crush mo yun Lhaiza ayiehh?" Sabi ni Catrina na sinusundot pa ang tagiliran ni Lhaiza.
"Tigilan mo ko Catrina hindi ko crush yun no" depensa naman ni Lhaiza sa sarili niya.
"Anong hindi? Kung maka tingin ka nga sa kanya kanina habang sumasayaw sila tumulo pa laway mo, kadiri ka dun ah" tawang tawa na sabi ni Catrina, di rin nag papahuli si Kentzo dahil boses niya talaga ang nangunguna.
"Guys first of all, di niya anak yun. Pamangkin lang niya yun anak yun ng ate niya" explain ko sa kanila habang tumingin sa direction nila kuya Jhundi na karga parin si Pia habang pumipili sila ng pagkain.
"pero di ko sure kung sila parin ba ng girlfriend niya" tumingin ulit ako sa table namin.
"Oh Lhaiza di daw anak niya wag kanang ma disappoint jan haha" Sabi ni Catrina kay Lhaiza na diko mawari kung natatawa ba siya, kinikilig o naiinis, kasi naman yung labi niya naka nguso. Ano yun tamang pa cute lang? Aba ayus ka.
"Ano Lhaiza, ngunguso nguso kapa diyan di yan nakaka cute oy. Ano lakad na kita?" mapang asar na sabi ni Kentzo kay Lhaiza.
"Eh kung ngusuan kita jan, sabing hindi ko yun crush para kayong mga tanga eh" Sabi ni Lhaiza na inambaan pa ng suntok si Kentzo.
"Oyyy Jun Mark naka hinga ng maluwag di daw crush ni Lhaiza yun, kasi ikaw daw crush niya ayiehhh" malukong sabi ni Kentzo kay Jun Mark na namasid pa ata sa laway niya.
YOU ARE READING
PARACORD
ActionA tragedy, a close relationship, drama and friendship. Fate will put them towards the test, but will fate also bring them back together? Sinong mananatili? Sinong mawawala? See who's stay...