CHAPTER 3

4 2 0
                                    

'FLASHBACK'

Lyssi's POV

Giniginaw ako dahil sa hangin, tapos medyo basa nadin kami dahil ma ulan, mabagal ang takbo ng motor dahil madulas ang daan. Nanginginig na yung kamay ko, haystt ayan birthday pa. Nilagay ko yung kamay ko sa likud ni kuya Jhundie heheh kuya na din tawag ko mas matanda din sakin to eh. Bat ba hehe.

"Lhaiza, okay kalang ba dyan sa likud? Sabihin mo pag hihirapan kana ah, baka naman magulat nalang akong wala kana sa likud ko, nahulog kana pala di ka man lang nagsasabi."

Sabi ko kay Lhaiza sa likud para kasing wala na akong marinig o maramdaman na humihinga sa likud ko, patay na kaya to?

"Haha ano kaba okay lang ako no, medyo giniginaw lang ako pero kaya pa naman hehe"

Ay sumagot? Buhay pa pala, sayang hehe.

"Lang, okay ka lang ba? Wag kana nga umiyik, Baka sabihin ng mama mo inaway kita haha kanina pa kita naririnig na sumisinghot tyaka nararamdaman ko sa likud ko nanginginig kamay mo."

Ako ba tinatanong nito? Ano tawag niya sakin lang? Langga? Yiehh. ahemmmness Lyssi umayos ka, dika pinalaki ni Emmaculada ng ganyan, pero wag ko kaya sagutin to snob ako eh, tyaka di naman ako umiiyak ah sipon kaya yung naririnig niya, sininghot ko kasi lahat ng sipon ko binalik ko sa perfect body with the perpek smile ko.

Pahid ko to sa kanya eh. Pero ako nga ata tinanong nito, ako naman na sa likud niya. OMG wag niyang sabihing na pagkamalan niyang ako si Lhaiza? Aba't nonono kenetbee, ayukong ngumunguso. Crush pa naman to ni Lhaiza, crush din kaya niya si Lhaiza? Nako mag ngusuhan sila.

"Okay lang naman ako, medyo giniginaw lang ng kunti"

Eh hug ko kaya to? yiehh, ay wag nalang baka super kiligin to edi ma bangga pa kami.

"Okay lang din si Lhaiza di pa nahuhulog, sabihan nalang kita kong hulog na siya hehe."

"HAHAHA, pag dating mo sa bahay niyo, inom ka agad ng maraming tubig, tyaka mag timpla ka nalang ng gatas para mainitan tyan mo't di kana lamigin" Aba tumatawa siya, hulog ko to si Lhaiza sa motor eh.

"San ba banda sa inyo? Malapit na tayo sa barangay niyo." sabi niya sakin kahit diko tinanong tsk. Nakikita ko naman eh.

"Dyan, pumasok sa iskenang yan" turo ko sa kanya pa puntang bahay nila Lhaiza.

"Tapos lumiko ka sa kanan" wala naman siyang reklamo, sinusunod niya lahat sinasabi ko.

"dito na..."

Agad naman niyang hininto ang motor sa tapat ng bahay nila Lhaiza.

"Salamat Lyssi, ingat kayo ahh, see you sa school bukas"
paalam sakin ni Lhaiza.

"Oum, sige goodnight babye" Tinanguan lang niya ako at ngumuso pa. Ayus ka.

"Saan ba bahay niyo?"
Tanong ni kuyang kargador este driver pala.

"Dun sa unahan pa bahay namin" sagot ko.

"Lalagpas pa ba ng villa bahay niyo?"

"Hindi naman pero malapit lang sa villa" medyo di naman halatang maraming tanong tong si kuya.

"Pag nakita mo yung tindahan na may naka lagay na batchoy's store katabi nun bahay namin"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 30, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PARACORDWhere stories live. Discover now