루한 Luhan's POV
"Oh my God Lulu, excited na ko sa training natin. First time ko to. Haha." May patalon-talon pang nalalaman si Baekhyun samantalang balita ko, mahihirap daw ang mga pinapagawa dun. Pano naman ako makakasurvive? Kung hindi lang yun requirement para maka-graduate, hinding hindi talaga ako magtitiyaga dito.
"Basta Lulu, tayo lang ang mag ka-buddy, hayaan natin yang si Kyungsoo. Malaki na yan, sa kanya pa matatakot yung iba kaya bahala na sya sa buhay nya." Ngiting ngiting sabi ni Baekhyun. Talagang excited sya promise, kung makikita nyo lang.
"Ok boys, hanay muna kayo, by height. I-ggroup na muna namin kayo and eventually yun ang makakasama nyo sa buong training nyo, understood?" Narinig kong sabi nung officer, di ko alam ang tawag.
"Sir, yes sir!" Sabay-sabay na sagot namin. C.A.T to kaya ganun dapat kami sasagot sa mga nakakataas samin. Para sa iba na nagpunta dito, di ko alam kung seryoso ba sila o ano kasi ginagawa nilang lokohan yung mga ginagawa nila.
"Lulu, pano yan, mas tangkad ka sakin kaya magkakahiwalay tayo." Biglang lumungkot si Baekhyun. Oo nga, matangkad ako, kaya mejo nasa unahan ako hindi tulad ni Baekhyun na mejo nasa gitna.
"Ok mag-bilang kayo ng 1 to 4." Sinunod namin yung utos samin at nagbilang na. 1 ako. Lumingon ako kay Baekhyun, at ayun 2 sya kaya wala na talagang pag-asa na magka-company kami. Ay baka pala meron, ang unti kasi namin sa isang platoon kaya baka pagsamahin ang 1 at 2. Hay sana talaga para naman kahit pano kasama ko sya.
Pinahakbang ng isa sa kaliwa ang mga number two, dalawa ang mga number three at tatlo naman ang mga number four
"Ngayon, pumili naman kayo ng gusto nyong maging platoon leader nyo, sya yung maghahandle at magpapasunod sa inyo kaya dapat pumili kayo ng responsible." Naglinginunan naman yung iba na parang nagtatanong kung sino ba ang gusto naming maging Platoon Leader. Sakin naman ay ayos lang kahit sino basta ba responsable talaga.
"Sir si Luhan po!!" Narinig kong sigaw mula sa likod. Hala? Si Kyungsoo? Ka-Platoon ko pala sya? Kami ni Baekhyun ang nagplano kanina na iwan sya tas yun pala, makakasama ko sya? Haha. Epic.
Bago pa ko maka-react, tinawag na ko papaunahan para daw mag take charge. Takte ano naman ang alam ko sa pagiging Platoon Leader?! Lagot ka talaga sakin Kyungsoo!
Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko naman sina Kai, Lay at Suho. Mga Platoon Leader din sila? Hay. Bahala na nga.
"Platoon 1 & 2 combine kayo at pumili naman kayo ng Company Commander nyo. Ganun din sa Platoon 3 & 4."
Since ako yung nasa unahan, kita ko yung mga pangyayari sa likod ng mga members ko.
Bigla na lang may lumitaw na lalaki sa hanay ng platoon ko. "Sya po. Sya po ang napili naming Company Commander."
Natulala ako nung una kasi si Sehun yun. Ang heartthrob sa buong campus. Matangkad, maputi at makinis kaya sa tuwing dumadaan yan sa hallway, lahat ng tao ay nagtitilian lalong lalo na yung mga bakla. Pero kilala yan sa pagiging cold. Ni hindi mo sya makikitang ngumingiti o kahit ang replyan ka man lang kapag binati mo sya.
Since maunti lang kami ngayon, bale dalawang company lang kami, two platoons in one company at sya nga ang company commander namin. Tuwang tuwa nga yung mga bakla sa platoon ko eh.
Tss. Ni hindi nga nya magawang tumingin sa kasamahan nya tapos ang daming nagkakagusto sa kanya. Bakit sya ganyan? Di ko alam kung sadyang iwas lang sya sa tao o masungit talaga.
BINABASA MO ANG
He's The Company Commander [HunHan Short Story]
FanfictionHe is the Commander and Im just a Cadet on his Company. My C.A.T Training became a great experience because of HIM. HUNHAN SHORT STORY BY: kpop_eonnie 150319