▤He's The Company Commander▤

339 23 2
                                    

Nung nakhanay na sila, pinangunahan ko na ang paglalakad papuntang gym. Tinuturuan lang nila kami tungkol saga disasters ek ek. Yung iba nga hindi na nakikinig eh. Kahit ako, hindi rin ako nakikinig. Nasa isang tao lang kasi ako nakatingin. Baka nga mamaya, matunaw na lang sya. Err. Landi! XD

Inabot rin ng isa't kalahating oras ang discussion about dun. Tinanong ako kanina pero di ko nasagot. Kasi naman hindi talaga ako nakikinig, ang boring kaya. Pero buti na lang. Hihihi. Kinikilig ako pag naalala ko. Hihihi. Si Commander Oh Sehun kasi yung sumalo sakin. Hohoho.

Humarap na samin ang Comapany Commander at nagbigay ng Command."Kumuha na kayo ng eating utensils nyo and proceed to the Canteen. Remember, sabay-sabay tayong kakain. You can go." Nagsialisan na sila pero nagpatira ako. "Ah wait lang sir." Tumigil si Sehun at hinarap ako. "Any concerns Lu?" Eh meged te de heyes level! Tinawag nya ako sa pangalan ko. Mahihimatay na ata ako. Saluhin nyo ko please! XD

"Magpapasalamat lang sana ako kanina. Hihi. Salamat sa pagsagot mo para sakin kanina." Youre welcome, Walang anuman o kahit yung Welcome na lang kung walang wala talaga ang inaasahan kong sasabihin nya pero isang malaking 'TSSS' lang ang narinig ko galing sa kanya sabay alis. Hahaha. Sa ginagawa nya lalo ko syang nagiging Crush. Oh my God!!! XD

Baliw na ba ako? Kasi diba kapag sinungitan ka ng CRUSH mo, parang matuturn-off ka? Tapos ako mas lalo ko pa syang naging crush. HAHAHA. Ganun talaga! XD He's playing hard to get. HAHAHA. Edi nice! *sabog confetti everywhere!*

"Hoy gaga! Ano pang nginingiti mo jan. Tayo na! Baka wala na tayong maabutang pagkain dun!" nagpadala na lang ako sa higit ni Baekhyun. Nakaharap ko na naman sya. Kenekeleg eke. Ene be!

"Pag di ka tumigil jan kakangiti, bibingutan kita. Nakakaaduwa ka, igalang mo naman yung pagkain!"
Saka ko lang naalala, hala nasa hapag kainan nga pala kami. Kasi naman si Sehun, kasama namin kumain dito sa mahabang mesa. Cafeteria ang kinakainan namin kaya talagang mahahaba ang mesa. Pero kyaaaah. The way gumalaw yung adam's apple nya, yung the way lumapat yung lips nya sa kutsara. *gulp* kyaaaaaaaaaaaah! Ang hot at ang sexy nya tingnan. Ansarap nyang pagpantasyahan.

"Ehem!"
nagulat ako nung nag-ehem si Sehun. Hala! Nahalata nya ba na kanina ko pa sya tinititigan? Hala pano na yan? Antanga mo kasi Luhan, masyado kang pahalata. Di nag-iingat. Tsk!!!

Tinuloy ko na lang yung kinakain ko hanggang sa maubos ko na yun.

"Problema mo? Parang kanina lang tulala ka at hindi kumakain tas ngayon naman para kang nagutuman. Ayos ka lang baga?"
nginitian ko na lang si Baekhyun. Hohoho. Sisihin mo si Sehun kung bakit ako nagkakaganito. *lunok laway*

"Makikiabot nga nung pitsel." sabi ni Sehun. dali-dali kong inabot yung pitsel para iabot sa kanya pero andaming kamay ang humawak sa pitsel. "Ano ba! Ako ang nauna kaya ako ang mag-aabot sa kanya!" sabi nung isa. "Teka nga. Ako na ang magbibigay sa kanya." tatayo na sana ako para iabot kay Sehun, pero bigla na lang syang nawala, Hala san nagpunta yun? Hinanap ko sya at ayun, nandun na sya sa water station. "Kayo kasi eh. Sabing ako na."

***

"Bilisan mo Luhan, kailangan mauna tayo sa CR pusta tayong ang haba ng pila dun,"
takbo kami ng takbo ni Baek. Sus, tutulog na lang naman kami ah pero sabagay pinagpawisan kami kanina.

"Dito ka sa cubicle na to mag-intay, dito naman ako." tumayo na kami pareho ni Baek sa harap ng cubicle at nag-intay. Nung narinig kong patapos na yung sinusundan ko, inayos ko na yung mga gamit ko, baka kasi bigla na lang malaglag or what, mahirap na ayoko na bumalik oi.

Nung bumukas yung pinto. Shete! Nalaglag yung panga ko. Si Se-Sehun. Naka-pajama na sya pero walang pang-itaas at nagtutuyo na lang sya ng buhok nya. Mga ilang segundo ko pa syang tiningnan at hindi ko napansin na nakahara pala ako sa dadaanan nya. Yung tubig sa buhok nya tumutulo papunta sa chest nya tas pababa sa. Pababa sa waaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Taena! Six pack abs! Ate di ko kinaya. Abs! *tulo laway*

"Uhm. Excuse me?" natauhan lang ako nung nagsalita sya kaya umusog ako kaya nakalabas sya. Pagkapasok ko sa cubicle, gusto ko sanang sumigaw kaso magmumukha naman akong tanga kapag ginawa ko yun.

Kyaaaaaaaaaaaaah! Ito ang cubicle na ginamit ni Sehun-ah! Yung tabo, for sure nahawakan nya to. Inamoy-amoy ko yung cubicle, AMOY SEHUN! Pwede bang dito na lang ako tumira? Waaaaaaaah! Sumandal ako sa dingding nung cubicle at nag-walling. 'Sehun, dapat nagsabay na lang tayo sa paliligo, waaaah!' habang sinasabi ko yun, dinadaus-os ko yung sarili ko para makapag-walling. Hohoho. Mukha man tanga pero wala kayong magagawa dun!!! :P

***

Time to sleep at kailangan umagang umaga bukas gising na dapat kami. Ka-room pala namin si Sehun. Di ako nainform. Wahahaha! Sleepless night diss! HAHAHA!

"Luhan, matulog ka na ngayon, kasi mamaya gigisingin kita para ikaw naman ang magbantay." tinapunan ko sya ng Para-saan-at-bakit-look. "Duduty tayo mamaya, magbabantay, bawal daw kasi yung walang nagbabantay kaya matulog ka na ngayon para di ka masyado antukin mamaya." Ansarap isipin na concern sya sakin pero. Kyaaaaaaah. Ganun na rin yun diba? Ayaw nya akong mapupuyat! Wohoho! XD Pero kahit anong biling biling ko, hindi talaga ako makatulog. Bumabalik sa alaala ko yung nakita ko syang half-naked sa CR kanina. Waaaah. Ang utak ko umaandar naman. Naku. Luhan kinakailangan mo na talagang matulog. Akala ko di na ko dadalawin ng antok hanggang sa namalayan ko na lang na unti-unti na akong pumupikit.

Nasa kalaliman ako ng pagtulog ng maramdaman kong may tumatapik sa balikat ko. Akala ko nga si Baekhyun, magpapasama sa CR para umihi pero nung minulat ko yung mata ko si Sehun ang tumambad sakin. Bigla tuloy akong nagising!

"Ikaw naman Luhan ang magbantay, antok na kasi ako. Sobrang pagod ako kanina. Ikaw na bahala, kapag tapos na yung 1 hr gumising ka na lang ng iba jan, alam na nila ang gagawin." tapos pumunta na sya dun sa may upuan sa may sulok. Akala ko kung ano ang gagawin nya pero umupo sya dun at ipinikit ang mata. Lalapitan ko sana sya para sabihin dun na lang sya sa higaan ko pero mukhang antok at pagod na pagod na sya kaya hinayaan ko na lang sya.

Kung ang titigan at bantayan lang sya magdamag ang gagawin ko, naku yakang yaka yan. Pabor yan sakin. De joke lang, lahat sila dapat kong bantayan hindi lang si Sehun pero mas bet ko si Sehun kesa sa mga ulupong na yan.

***

"Everyone! Gising na! Gising na! Kailangan pa nating mag-warm up! Everybody!"

Waaaaaaaaaah! Pwede bang wag muna? Puyat na puyat pa ko eh!

"Luhan bilisan mo na. Wala daw breakfast ang pabagal-bagal."

Sallyeojuseyo! Puyat pa ko!

1 2 3 4 5 6 7 8 tas change position

Nagsimula kami ng wala pang araw tapos ngayon, sunrise na. Feeling ko, mangangalas ang mga buto ko sa pagod. Tapos maglalakad pa daw kami paikot sa oval, kailangan sabay sabay ang kaliwa at kanan naming paa. Waaaah! Eh 1 kilometer yun! Kaiyak talaga.

Pagkatapos na pagkatapos naming mag-exetcise. Langya, bagksak agad ako sa higaan ko. Sarap ng feeling ng napagpahinga mo na yung sarili mo. "Mamayang hapon na daw ulit tayo kakikitain sabi. Pagkatapos kumain, pwede daw munang magpahinga. Hay salamat." ayun, bagsak din agad si Baek. Grabe nakakapagod talaga, ganito ba talaga kapag nag mimilitary training? O mas malala pa? Aigoo, di ko to pinangarap. Pero si Sehun, ang HOT kapag pawisan. Grabe kung alam nyo lang. Yung tipong kumikinang sya sa kaputian tas gawa na rin ng pawis nya. Hoooooooh!

He's The Company Commander [HunHan Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon