Team building daw mamaya. Paraan daw yun para ma-test ang lahat samin. Nyuk? Pano naman kaya yun?
***
"Loka, maglalaro lang pala tayo sa Team building tas yung pinakang highlight ay maya-maya pagkatapos nung laro, bago maghapunan." anong high light naman kaya yun? Naku kinakabahan ako jan ah. Binalik ko yung tingin ko sa mga naglalaro sa field. Nagtatakbuhan sila pero magkakahawak sa bewang. Kailangan hindi maabot ang dulo ng bawat team, bale magtatakbuhan kayo para maiwasan yun. 25 persons/ team. Sa tingin ko mahirap sya kasi kailangan mabilis tumakbo yung nasa dulo since nandun yung pwersa ng buong grupo nyo. May ilang nadadapa pero walang sugat kasi may damo dun sa field, naku kung wala yun, sira na ang kanilang mga feslak! Kawawa sila, wala na ngang mukha, sisirain pa. Keme!
Next na laro is yung hahanay ang buong company and then padadaanin yung hoola hoop sa katawan ng bawat isa, pabilisan ang labanan. Talo kami kanina kaya kahit sana man lang dito panalo na kami. Last na rin kasi eh.
Magagaling dumiskarte yung mga ka-company namin kaya mabilis kaming natapos at kami ang nanalo sa laro. Tuwang tuwa nga si Baek eh.
"Eto na ba yung High light 'daw'? Waaaaaaah! Exciting, para akong si Darna na lilipad kaso, patalikod pala. Ano ba yan! Oy bat namutla ka?" seryoso ba sila jan? "Di ko yan kaya Baek, takot ako sa matataas, kahit pa sabihing may sasalo, di ako aakyat at tatalon jan." Naiiyak na ko. Kasi naman sa lahat ng pwedeng gawin, bakit kelangan pang aakyat dun sa may hagdan tas ihuhulog mo yung sarili mo patalikod. Kahit pa may sasalo, AYOKO TALAGA! Naiiyak na ko. Takot kasi talaga ako sa mataas.
"Kailangan daw eh. Kung may tiwala ka naman sa members mo, magagawa mo yun. Atsaka wag ka ngang nega! Paunahin mo ko, tas tingnan mo ko. Promise di yun nakakatakot. Masaya nga yun eh \m/" Nung tumalon sya, ayun feel na feel nya. Sumigaw pa nga ng Darna. Loka. Pero di ko talaga kaya. Ako na yung sunod. Tae kinakabahan ako. Tumingin ako sa baba, nakita ko yung mga members ko na nagsasabi na wag daw ako matakot kasi anjan naman sila. Napapikit ako. Di ko kaya, naiiyak na ko. "Kaya mo yan Luhan. Basta ituwid mo lang ang katawan mo then fall, sasaluhin naman kita kaya wag kang mag-alala." boses yun ni Sehun ah. Sasaluhin nya daw ako? Parang nagkalakas ako ng loob dun ah. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha ko. Tama, di dapat ako matakot, ma-fall lalo na at alam kong anjan sya para saluhin ako. Anjan ang mga members ko, at higit sa lahat anjan si Sehun.
Pinikit ko ang mata ko at hinayaan ang katawan ko na mahulog hanggang sa maramdaman ko na lang ang mga braso nila sa likod. Nang imulat ko ang mata ko, bumungad sakin si Sehun. "See, tinupad ko yung sinabi ko, sinalo kita nung na-fall ka." nakangiti nyang sabi. Wait! Ngumiti ba sakin si Sehun?! Di naman umiikot ang paningin ko kaya sigurado akong sakin sya ngumiti. Waaaaaaaaah! Atsaka bakit parang double meaning yung sinasabi nya. Ang OA naman kasi ng pagkakasabi nya. Kaka-ewan ka Sehun, pinapaasa mo naman ako. :(
"Wag kang ganyan, pinapaasa mo ko sa mga sinasabi mo." bulong ko nung dumaan ako sa may tabi nya. Sinigurado kong ako at sya lang ang nakarinig nun. Di ko na nakita ang reaksyon kasi umalis na ko. Bakit ganun? Bakit parang.. Parang may pag-asa na para namang wala. Hays!!!
Nung nakuha na namin ang hapunan namin, parang nawalan ako ng gana. Basta feeling ko. Ang ewan kasi ni Sehun, kung ano-ano ang sinasabi. Sa mga sinabi nya, diba dapat matuwa ako? Eh bakit parang nalulungkot pa ko? Eh kasi naman parang yung sa pagsalo lang talaga ang ibig nyang sabihin at hindi yung fall sa LOVE. Eh yung ngiti nya? Wala ba yung ibig sabihin?
BINABASA MO ANG
He's The Company Commander [HunHan Short Story]
FanfictionHe is the Commander and Im just a Cadet on his Company. My C.A.T Training became a great experience because of HIM. HUNHAN SHORT STORY BY: kpop_eonnie 150319