Short Story By: ♣♠Keez of Death♦♥

2K 11 1
                                    

Doppelganger

***In fiction and folklore, a doppelgänger is a paranormal double of a living person, typically representing evil or misfortune.

In modern vernacular it is any double or

look-alike of a person. 

It also describes the sensation of having

glimpsed oneself in peripheral vision, in a position where there is no chance that

it could have been a reflection.

Doppelgängers often are perceived as a

sinister form of bilocation and are regarded by some to be harbingers of bad luck. In some traditions, a

doppelgänger seen by a person's friends

or relatives portends illness or danger,

while seeing one's own doppelgänger is

an omen of death.****

=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=

Isang hapon ay nagkayayaan ang magkaibigang Edith at Mitchy na mag-OverNight ang una sa bahay ng pangalawa.

Napagkasunduan nilang magkita na lang sa bahay ni Mitchy dahil kailangan munang magpaalam ni Edith sa kanyang mga magulang.

Alas-Otso ng gabi nang kumatok si Edith sa pinto ng bahay nila Mitchy. Malugod naman itong tinanggap at pinapasok ng mga magulang ni Mitchy dahil gawain na talaga ito ng magBestFriend. Minsan pa nga ay si Mitchy ang nakikitulog kina Edith.

Medyo nanibago lang si Mitchy sa ikinikilos ng kaibigan dahil tila wala itong imik at napaka tahimik na bihirang bihira na mangyari. Kanina lang bago sila maghiwalay ay napakasaya nito.

Anu kayang nangyari? -tanong ni Mitchy sa sarili.

Ah, mamya na lang nya ito tatanungin sa loob ng silid.

Pagdating sa silid ay panay ang kwento ng kung anu-anu ni Mitchy tulad ng nakagawian.

Samantalang si Edith naman ay tahimik lang at pangiti-ngiti habang sinusuklay at tinitirintas nito ang buhok ni Mitchy.

Sobrang nahiwagaan si Mitchy sa kinikilos nito kaya naman hindi na sya nakatiis ay humarap na siya rito at nagtanong.

"Ok ka lang ba Dith?" ang nag-aalalang tanong nya sa kaibigan. Ngumiti lang ito at niyakap sya ng mahigpit.

"Ok lang ako..." anito sa tinig na sobrang lamig at halos kilabutan si Mitchy. Hindi tuloy sya makatingin ng tuwid dito dahil sa takot.

Laking gulat ni Mitchy nang silipin nya sa salamin ang buhok na tinitirintas kanina ni Edith dahil halos perpekto ang pagkakapusod nito. Samantalang nuon kapag-ginagawa iyon ni Edith sa kanya ay magulo ang pagkakapusod at maraming naiiwang buhok na magulo sa kanyang ulo.

Ginagawa lang praktisan ni Edith ang mahaba nyang buhok...

Pero ngayon...

Ang galing!

Mga Kwentong Multo At Aswang (Based On True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon