01

7 0 0
                                    

"Can you guys make it faster, please"

"English-english ka pa dyan. Oh eto!" Padabog na binigay ni Rexel ang maleta kay Megan

"Hoy dahan-dahan naman girls" si Paolo na ngayon ay nakuha pang  mag work out habang ang iba ay busy sa pag aayos ng mga gamit. itong si Pao at ang dalawang loves birds ng grupo ay wala ni isang naitulong

"Cj, Ash pwede mamaya na yan? Ayusin mo na natin itong mga pinamili natin" sigaw ko sa mag shota naming barkada dahil kanina pa naglalandian. 

"Istorbo!" Napakurap saakin si Ash nang naudlot ang kissing scene nila ni Cj.

"Wrong timing ka Ciara!" Inis na sabi saakin nitong si Cj kaya agad siyang binatukan ni Aron.

"Tangina kang gungung! Kanina pa kita tinatawag andito ka lang pala" pagtatawag ni Aron kay Cj.

Hindi nag tagal tumigil na rin sa pag w-work out si Paolo at tinulungan na kaming mga girls sa pagbubuhat ng mga gamit sa loob ng van.

"Tangina, ano ba kasing laman netong maleta mo Megan. Pang isang taon na ata 'to ah" natawa nalang kami dahil sa laki ng maleta ni Megan. Tinanong namin siya kung ano ang mga laman neto at mas lalo lang kaming natawa nang sabihin niyang puro lang na swimwear ang laman ng maleta niya.

"Ciara okay na ba lahat?" Paolo asked

"Yep okay na. Beer, wine, soft drinks, waters, chips, cookies and even the emergency kit meron na din" I said habang tinitignan isa-isa ang likod ng van

Seven palang naman ng gabi kaya naisipan muna naming mag karaoke sa may pool area nila Aron. Ang sabi ni Cj nai-move ang byahe namin, ang dapat ay alas tres ay naging alas sinco kaya mapipilitan pa kaminv matulog muna saglit bago kami mag byahe.

Sa grupo, nakasanayan na naming pumunta sa ibat-ibang lugar tuwing summer. Pero ito ang unang pagkakataon na aabutin kami ng tatlong araw sa private island nila Aron.

Kaka-graduate lang kasi namin ng high school, and sad to say halos iba-ibang University yung papasukan namin this incoming school year.

Aron's family is wealthy especially when it comes to lands. Marami silang mga lupain mas lalo na sa ibat-ibang lugar sa mga probinsiya. They also owned a private island.

"Guys mukhang kulang yata ang na grocery na mga pagkain. Mukhang hindi ito kasya for three days"

"I agree, baka isang kainan lang yan ni Rexel"

"Uy ikaw unggoy..." hindi na natuloy ni Rexel ang sasabihin nang bigla siyang tinawag ni Paolo.

"Oo nga pala, Dad told me na medyo madalas ang pagkawala ng kuryente sa probinsiya namin especially sa island. Kaya bumili na ako ng tig-iisa nating flashlight just in case" binigyan kami isa-isa ni Aron

"Hoy unggoy pasok na!" Pagtatawag ni Rexel kay Megan kaya naiwan kaming dalawa ni Aron sa labas

"I hope you guys enjoy this outing" he smiled and not looking directly in my eyes

"I'm happy na nakulayan din itong trip goals na'to. And im blessed na kayo yung makakasama ko for this summer break" I simply smiled at him at wave my hands bago
pumasok sa loob ng Van.

Si Paolo ngayon ang nag d-drive at nasa harap din si Aron. At dahil maypagka maldita talaga si Megan sinolo niya ang unang upuan kaya sa sumunod na upuan nalang kami umupo ni Ash at Rexel. Sa pinaka dulo naman ng van si Cj.

IslaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon