03

2 0 0
                                    

Ciara's POV

"Whos that guy ba? Nakakatakot" Bulong saakin ni Ashley habang mahigpit ang pagka kapit sa braso ko.

"Ano ba naman yang care taker ng island niyo Aron. So scary" bulong ni Megan kay Aron

"Sa mismong gitna ng islang ito ipinatayo ang bahay bakasyonan ng familia Hernandez.." pag kwe-kwento niya, "Halos apat na taon na din ng huling bumisita dito ang Mama ni Aron. Ngayon kang ulit ito nadalaw. Sakto dahil naka duty kami ngayon hanggang bukas dito kaya pwede namin kayong masamahan ni Tatay" pagtutuloy nito

"Wala bang ahas dito kuya?" Tanong ni Megan

"Malamang ay meron. Huwag nakang kayong pumunta sa masukal na bahagi ng isla at baka may makita pa kayo,"

"Na?" I asked

"Na mga ahas" he smiled again. Parang may kakaiba ngiti niya

Whatever! Masyado lang siguro akong nagpaparala sa takot.

"Mag-ayos na kayo ng mga gamit. Tumambay muna tayo sa bandang doon, mukhang magandang mag picture" sabi ni Aron saamin

"Pre, kanina pa ako naiihi. Asan ba CR niyo dito?" Tanong ni Cj

"Mga iho at iha, walang banyo ang bahay na ito. Kailangan niyo pang maglakad sa likod at kung makikita niyo ang isang maliit na bahay doon" biglang sumingit ang matandang lalake atsyaka itinuro ang maliit na parang bahay, "iyon lang ang banyo ng buong lugar"

" sige pre, CR muna ako"

"What?" Napalingon kaming lahat kay Megan, "wala din bang signal dito?"

"Wala rin Iha."

"Huh?" Ako naman ang nag salita, "buti nalang pala at dinala ko itong camera"

"Can you guys help me for my photoshoot?" Sabi ni Ashley. Isang brand ambassador ng isang sikat na brand si Ashley sa instagram. May mga kailangan siyang picturan na products kaya rin naisipan kong magdala ng camera.

"Sure" sabi ko

"Grabe babe, nakakatakot yung CR sa may likod" pagtatakot ni CJ kay Ash

"Ano naman ngayon?" Pagsusungit nito

"Kung hindi mo parin ako papansinin hanggang mamaya, hindi kita sasamahan pag natatae ka or naiihi sa likod ng bahay"

"Bati na tayo. I love you!" Ash kissed Cj's cheeks

Mukhang bati nanaman ang dalawang tanga.

"Where's Pao?" Tanong ni Megan

"Wala eh. Hindi sumunod, baka kasama si Aron" sabi ni Rexel

"1,2,3" *click*

"Mas maganda dito para kita yung greeny ng mga leaves" turo saakin ni Cj

"Another pose"

"Guys paypayan niyo pa"

sigaw ko kila Cj,Rexel at Megan na mukhang wala na sa mood. Naka-ilang shot na kasi kaso wala pa daw nagugustuhan si Ashley sa mga kuha ko.

"Rexel!" Sigaw ko ng mapansing nakatulala ito sa malayo

"Game na!" Sigaw niya

I-cliclick ko na sana ang camera nang bigla kong nakita ang dalawang lalake na pinapanood kami habang nag p-pictorial. Hindi ko nalang ito pinansin at nagpa tuloy na sa pagkuha ng litarto ni Ashley.

"Oh san niyo yan nakuha?" I asked when I saw Paolo and Aron running towards us

"Ibinigay ng isang mangingisda na nakilala namin sa bandang doon" pagturo ni Aron sa malayong bahagi ng isla

"Uy andami niyan ah. Masarao ata ulam natin ngayon" ani Rexel

Pusit, tilapia at hito ang nakalagay sa parang basket na dala-dala nila Aron. Mukhang mapaparami nga ata talaga kami ng kain ngayong gabi.

"Magandang mag-ihaw sa bandang doon" Suggest ni Paolo

"Tara!" Sabi ko

"Asan nanaman ba si Aron? Kanina pa yon wala ah" Tanong saamin ni Cj na kanina pa hinahanap si Aron

"Is that Aron?" Turo ni Megan

"Hey!" Pagkaway ni Ashley kay Aron. Nag 'wait' sign lang saamin si Aron habang kinakausap ang dalawang lalaki.

Hindi nag tagal umalis ang isang lalake gamit ang bangkang pinag sakyan namin kanina.

"Where is he going?" Tanong ko ng makalapit saamin si Aron

"May emergency lang sakanila. Tara, ihawin na natin yang mga yan"

"How about that guy?" Turo ni Megan sa isa pang lalake na nanunood lang saamin

"He's going to stay here." Ani Aron

"Let's go na guys" ako na ang nag-ayos ng pag-ihawan habang ang mga boys naman ay bumalik sa may bahay para linisin ang mga isda.

"Type ka yata" bulong ni Rexel saakin

"Who?"

"Yung matanda" tumawa silang tatlo

Tinignan ko ang matandang tinutukoy niya. He's acting weird.

"Don't pansin him nalang" maarteng sabi ni Megan

Rexel's POV

"Ang dugyot mo!" Sigaw ko kay Ashley na nangpapahid ng uling sa mukha

"Oh bakit?" Tanong niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong bakit?!"

"Ah yung uling ba? Hindi naman halata. Kakulay lang ng normal skin mo" at nagtawanan sila. Pati itong Ciara na'to nakikitawa na rin.

"Andyan na sila" sigaw ni Ciara

"Handa na ba lahat?" Tanong ni Cj kay Ash. Pinaulanan niya pa ito ng halik sa pisngi at noo bago maisipang tumulong sa pag-iihaw.

"Guys CR lang ako ha" Pag papaalam ni Ciara

"Samahan na kita" aniko

"No need. Hindi naman ako natatakot, I'll be back. Mabilis lang ako!" Sigaw niya habang tumatakbo papunta sa likod ng bahay

"Mukhang mabaho ata tae ngayon ni Ciara ah" pam bubully ni Ash

"Tro!" Sinakyan ko din ang sinabi niya

"Hoy wag niyong ginaganyan si Ciara ah!" Pagtatanggol ni Aron

"Concern yan?" pambibiro sakaniya ni Cj at Paolo

"Babe nadala mo ba?" Napatingin ako kay Ashley

"Oo babe, ready ka na bang sumigaw?" Kinindatan siya ni Cj dahilan ng pagka kilig niya.

"Ang landi!" Nakapamewang kong sabi, "Anong sigaw-sigaw ang pinagsasabi niyo?" Tinaasan ko silang dalawa ng kilay

Sabay silang tumawa.

"Mamaya niyo lahat malalaman" sabi ni Cj habang naka akbay kay Ashley

"Ang alin?" Biglang sumingit si Ciara

"Ewan ko dyayn sa dalawang yan" sabi ko

"Kainan na. Mamaya na yan!"

IslaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon