CHAPTER 32

1.1K 34 0
                                    

Naalingpungatan ako dahil parang may dumadampi sa pisngi ko




"Love wake up" si Adam lang pala...napangiti ako at mas siniksik ang sarili ko sa kanya i miss hugging him every morning




"Hmmm.....5 more minutes love" inaantok ko pang sabi tumawa lang ito ng kunti at mas niyakap pa ako





"The kids might awake soon....kakatok na yun mamaya" sabi nya habang hinahalikan ang ulo ko....ang bango nya tlaga ...hehehe ......dito na nya ako pina tulog sa kwarto nya kagabi....pero wag kayong malisyoso natulog lang kami no!!....




Matutulog na sana ako ulit ng may kumatok sa pinto





"MOMMA!!!!DADDY!!!.....WAKE UP!!!!......"pasigaw na sabi ni baby Ady




"Baby sis don't shout " suway naman ni baby Phoenix sa kapatid




"I'm not ...I'm just waking them
up.......momma.....daddy....wake up already" sabi nya ...hayyy yung batang yun tlga




"Love the kids are here " sabi ni Adam kaya wala akong nagawa kundi ang bumangon  nakabusangot ko syang tinignan




"Nag mana seguro sayo yung anak mo...hindi naman ako ganon nong bata ako eh" sabi ko





"Mas lalo naman ako ang bait ko kaya noon" sabi naman nya ...





"Tsk ewan ...buksan mo nga yun pinto baka sirain na yung Ady eh" sabi ko at bababa na sana ng hapitin nya ako palapit sakanya




"Goodmorning kiss ko?" Nakangusong sabi nya ...ang cute .....


hinalikan ko naman sya sa pisngi nya bumusangot naman ito at napatili ako ng bigla na lang nya akong ihiga ulit at hinalikan sa labi.....naman!!! Ang aga aga ang landi mo Adam...naputol lang halikan namin ng sumigaw na naman si baby Ady tsk tong batang to panira ng moment eh ..




"Goodmorning din....segi buksan mo na yun at baka mag alboroto na yung anak mo " sabi ko at bumaba na sa kama at pumunta sa banyo para mag ayos narinig ko pa ang pag reklamo ni baby Ady ...napapailing na lang ako sa kakulitan nya  good luck na lang sayu Adam tsk tsk tsk..




Nag luluto ako ng agahan namin at yung mag aama ay nasa sala pero nakikita ko pa rin naman silang nag kukulitan gumana naman kasi ang pagkakulit ni baby Ady at pagka madaldal halos lahat na ata ng nangyari sa kanya ay nakwento na nya sa ama




Nakikinig lang si Adam sa kanya nakikita kong gaano sya kasaya at kamangha sa anak ..




Inaayos ko yung pagkain ng may biglang yumakap sakin mula sa likod




"Thank you love" sabi ni Adam



"Thanks for what?" Nagtatakang tanong ko




"For everything....for giving me Adylaide ....for loving me again kahit na sinaktan kita" sabi nya humarap naman ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi nya




"I didn't love you again Adam ....kasi kahit kailan hindi nawala ang pag mamahal ko sayu.....at hindi ko kayang magalit sayu ng matagal....dahil mahal na mahal kita at sapat na yon para mapatawad kita" nakangiting sabi ko ngumiti sya pabalik ..and he kiss me in my lips...





"Omg!! My innocent eyes" tili ni baby Ady kaya agad ko naman natulak si Adam ...nako naman....yan kasi eh ang landi kasi ni Adam eh ...



tumingin ako sa mga bata na ngayon ay nakatakip pareho ng mga mata nila ..ang cute tlga ng mga anak ko ...



Pagkatapos namin ay nag ayos na kami dahil uuwi kami ngayun ng mansyon at kakausapin daw nila dad at kuya si Adam




Kinakabahan nga ako  dahil baka kong ano ang gawin ng mga yun kay Adam kawawa naman ang love ko





"Love are you sure na kakausapin mo sila?......kilala ko ang mga yun hindi lang basta usap yun gagawin ng mga yun" sabi ko sa kanya habang tinutulongan ko sya ayosin ang damit nya




"I'm fine love don't worry .....kahit ano pa yun tatanggapin ko basta para sayo" sabi nya




"Ok but promise me ...you tell me if they do something bad ok?" Sabi ko ngumiti naman ito at tumango ..




Malalagot tlga sila sakin pag may ginawa silang hindi maganda kay Adam ....nako!!! Tlaga!!!...gigil nyo si ako!!





Kakarating lang namin dito sa mansyon at papasok pa lang kami ay dinig ko na ang ingay ng mga kuya ko ..





"Papa's I'm back!!!!....."sigaw ni baby Ady ng makapasok sya




"Baby Ady!" Sabay na sabi ng mga kuya ko at nag unhang lumapit kay  baby Ady pero lumihis si baby Ady kaya napa subsub yung tatlo sa sahig hahhaha epic yun ....dumiredyo si baby Ady sa lolo at lola nya



"Hahaha ....anong ginagawa nyo nanghuhuli ng isda? Hahaha" natatawang sabi ko





"Aray naman mga dude....bakit ba lagi nyo na lang akong dinaganan ...mga bakla ba kayo?" Sabi ni kuya bert ....nag sitayoan naman yung dalawa at binatukan si kuya bert





"Ulol....mas muka kang bakla kesa samin " sabi ni kuya tan....





"Tsk mas gwapo dude ....nas gwapo hindi mas mukang bakla ..yakk" sabi naman ni kuya bert ...ang hangin tlga nito





"Tama na nga yan nakakahiya kayo sa bisita natin " sabi ni Mommy kaya napatingin sila sa likod ko kaya agad na sumiryoso ang mga muka nila




"Goodmorning mr&mrs.Storm " bati ni Adam kay daddy at Mommy


"Goodmorning too mr. Montefalco " bati din ni daddy ....ano to business meeting?...kong maka pormal naman sila ...






"Nag agahan na bakayo?" Tanong ni Mommy





"Ah yes Mommy kumain na po kami bago pumunta dito" sabi ko at nilapitan sila at humalik sa pisngi nila






"Princess kami na muna ang bahala dito sa boyfriend mo ah" sabi ni kuya bert na inakbayan pa si Adam..





Pinaningkitan ko naman sila ng mata pero nakangiti lang sila sakin na parang mga anghel tsk hindi nila ako maluluko. 





"Dad....kuya....kapag sinaktan nyo si Adam sa kahit anong parte ng katawan nya malalagot kayo sakin tandaan nyo yan" banta ko sa kanila




"Hayst princess naman ano akala mo samin brutal .....no no no my princess we're so maibait kaya" sabi ni kuya bert tumango naman yung tlatlo





"Wag nyu ko niluluko kilala ko kayo....mga muka nyong ganyan hindi mapagkakatiwalaan nako.....tlga sinasabi ko sainyo hindi ko kayo papansinin ng 1 year" sabi ko





"Grabe ka naman princess...kaya mo ba kaming hindi pansinin ng isang taon?" Sabi ni kuya tan na parang nasasaktan





"Oo nga princess....kaya mo bang hindi makita ang gwapong muka ng inyong kuya bert?" Sabi ni kuya bert at hinimas pa ang baba nya ...





"Kaya mo bang tiisin ang isang taong walang libreng ice cream princess?" Sabi naman ni kuya eros....binablackmail ata ako nito eh






"Nanjn si Adam para bilhan ako kuya eros" sabi ko kaya umakto naman itong parang nasasaktan at humawak sa puso





"Princess ako kaya mo ba akong hindi makita? Hindi na kita mahihile kapag hindi ka makatulog" sabi ni dad naman lahat ba sasabihin nila sa harap ni Adam...





"Dad!!....kuya ano ba ang drama nyo....basta kakausapin nyu lang sya ok .yun lang ...segi na alis na chopiii!!" Sabi ko at tinaboy na sila ang dami pa kasing sinasabi tsk ...

MAID BY YOU (Storm Siblings #1)Altair Athena Storm (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon