Si Kuya Pogi (One-Shot)

346 9 6
                                    

TEENAGERS OF THIS GENERATION:

-Hindi kayang mabuhay ng walang FB

-Hindi kayang magpahuli sa latest Tweets

-Hindi pwedeng hindi mapanood ang latest music videos.

-Hindi maaaring magpaiwan sa updates ng best authors sa Wattpad.  :)

TEENAGERS ON OUR TIMES:

-Hindi kayang mabuhay ng walang meryenda

-Hindi kayang magpaiwan sa nanay mo pagpunta sa palengke kahit wala ka namang bibilhin dun.

-Hindi pwedeng hindi mapanuod ang latest episode ng Dragon ball at Power Puff Girls.

-Hindi pwedeng magpaiwan kapag ang pinag-uusapan ay ang "Jollibee" at "McDo".

           Ang babaw ko pala nung mas bata pa ako. Pero kahit ngayon na malapit na akong pumasok ng highschool, wala parin talagang tatalo sa larong jackstones,piko,tumbang preso, at ang walang kamatayang ten-twenty na nagturo sa akin ng skip counting by 10 kahit hindi pa man ako marunong magbilang ng 1...2...3...4 hanggang 10.

"Jaja, sali ka?"naglalakad ako sa labas ng bahay nang makasalubong ko ang kapit-bahay namin.

"Sige, pero ayoko maging baby ha, ako pagbubuuin nyo eh,"  paliwanag ko pa habang iniaabot ang kamay ko para sa "kampihan".Kadalasan kasi, kapag ako ang baby, mamatay matay na ako sa pagbuo ng pagkataya ng mga pucho-pucho kong kakampi. (-_-)

   Nasa kalagitnaan na ng laro, nananalo na ang grupo namin, puro maliliit ang kalaban eh.  (--__--)

"JA-JAAAAAAAAAA!!!!" hiyaw ng nanay ko mula sa loob ng bahay namin.Narinig ko pero ayaw ko pa lumapit, nagiinit palang ang laro eh.

"JAAAAAA!!!  Ano ba? hindi ka ba lalapit?!"  pahabol pa niya sa akin. Naririnig ko naman eh. Totoo nga lang na ayoko lumapit.  :)

"Sige po!! nandyan na!!"  (-_-)    "Ano po ba yun?!"  naiiritang tanong ko.

 "Eto ang syete, bumili ka ng sabong panlaba, yung bareta ha, dyan na lang sa bagong bukas na tindahan para malapit." Utos ng nanay ko sabay abot ng syete gamit ang bumubula nitong kaliwang kamay. Sana nagpunas man lang diba? Kaloka ka.Nagbakasyon nga sa assignments, hindi naman bakasyon sa utos ni mama.

   Okey wala akong choice kung hindi umalis muna sa laro at bumili ng sabong panlaba sa kabubukas lang na tindahan. Bagong lipat lang yun,pagkalipat nila, nagtayo din sila ng sari-sari store.Ayon sa mga chismisan sa may amin, (Oo, alam ko ang mga latest chismis, #1 chismosa kasi ang Nanay ko XD). Malapit lapit na ako, kaso natanaw ko agad ang maraming Kanto Girls na nakatambay, yung mga tipong nakasuper duper short shorts sa tabi ng kalsada, naka-varsity jacket sa katanghalian at kasagsagan ng tirik ng araw.  (*O*) *sigh*

  Di pa ako tuluyang nakakabili sa tindahan, dinig ko na ang malakas nilang chismisan at bulungbulungan na hindi mo aakalaing bulong pala sa sobrang lakas. (>__<) 

"Oy, ang cute ni Kuyang tindero diba? Hihihihihi" Nakakabanas yung tawa nila, halatang mga talande itong mga babaeng ito.Tsk...tsk...tsk.

"OO, gusto ko sya, ang pogi nya eh, kaya... akin na sya ah! (*O___---)"  Ito naman si ate, masyadong asumera, ang tanong, gusto ka ba nun kung sino man yung hudas na yun?! HAH! nakaka istress kayo.

"Hinde noh!! Akin lang sya, matagal na kaming nagkaintindihan sa feelings namin," Ano daw?! nagkaintindihan na sila? eh ang alam ko kalilipat lang nun ah, yung totoo ateh? Bongga ka pa sa asumera, ilusyonada ka pa.  Kaloka, sakit sa bangs ng mga kanto girls na toh.  (--___--")

Si Kuya Pogi  (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon