Kabanata 1

250 11 0
                                    

Paninindigang hindi ako mananatili sa kahit anong sitwasyong ako ang talo. Kung kinakailangan isarado ang puso, para makaiwas sa sakit, gagawin ko iyon ng walang pag-aalinlangan.

"Bakit mas pinaniniwalaan mo pa 'yong sinasabi ng iba? Ako ang boyfriend mo, hindi sila!" Sigaw niyang rason. "Hindi kita niloloko! Magkaibigan lang kami!"

Pinatong ko ang kanang siko ko sa ibabaw ng lamesa para humalumbaba. Labas sa tenga kong pinakinggan lahat ng kanyang mga sinabi.

We've been together for about three months. Just like he asserted, this man in front of me is my boyfriend. Or should I label him now as was?

"Don't treat me like a fool here, Josh. You dare to spout lies even though I have proof of your affair with your best friend? Really?" I said, coldly.

Naistatwa siya sa kinatatayuan niya. "Y-you do?"

I breathed out a sigh. "Yes, I do."

Madali siyang lumuhod sa sahig. "It is not what you think it is. We're just playing around," paliwanag niya habang nakayuko.

"Nirarason mo ba sa akin na kanya mo hinanap ang init na hindi ko maibigay sa 'yo?"

Inangat niya ang mukha niya para salubungin ang aking tingin. Maliwanag ang ekspresyon nito na para bang sinasang-ayunan niya ang sinabi ko.

"You understand my position, right?"

I nodded my head in response. "Of course."

Tumayo siya saka naglakad palapit sa 'kin. He spread his arms widely, but I quickly distanced myself through his attempt.

"W-why? I thought-" Hindi nito matapos ang kanyang sasabihin dahil sa labis na pagtataka. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa akin.

"Naiintindihan kita kaya nga maghiwalay na tayo."

"Pardon?"

"Kailangan ko pa ba idetalye sa 'yo ang kasalanan mo?"

"It was just a one-time mistake!"

"I don't care! Kahit ilang beses pa 'yan, hindi n'on mababago ang katotohanan! Nagloko ka pa rin!"

At saka anong one-time mistake? Baka kamo one-time buking! Akala siguro niya hindi ko alam na maraming beses na nila iyon ginagawa. Nanahimik lang ako, pinalampas ko ang kababuyan niya, pero hindi ako bulag at mas lalong hindi rin ako martyr para magtimpi. Tama na ang ilang gabing kalungkutan na tiniis ko.

Now that my feelings and my interest in him are gone, wala ng dahilan para mag-stick pa sa lalaking ito.

"Please, give me a second chance. I won't do it again, promise," mangiyak-ngiyak niyang pagmamakaawa habang kapit ang kanang kamay ko.

Look at this scumbag. Siya pa ang may ganang umiyak sa harap ko, 'no? Kung nagkataong may ibang tao ang makakita sa amin, ako pa ang magmukhang masama dahil sa paiyak-iyak niya riyan.

At ano ulit ang sabi niya? Give him a second chance? Why would I? Alam niya ang tama sa mali pero mas pinili niya ang desisyon na lokohin ako.

Pinatong ko ang kaliwang palad ko sa kanang balikat niya. "Kung mahal mo talaga ako, hindi ka sana nagpadala sa tukso. Sana nag-isip ka muna gamit 'yang ulo mo sa taas, hindi 'yang nasa baba," sarkastikong sabi ko sabay saglit na sinulyapan ang parte ng pagkalalaki niyang nakatago sa suot nitong pantalon. Wish ko lang na ma-gets niya ang ibig kong iparating.

"I love you, Summer. I cannot live without you."

"Then, die."

Natulala siya at medyo napaawang ang labi. Batid kong hindi ito makapaniwala sa narinig. Marahil hindi siya sanay sa ganitong klase ng pagtrato ko. Paano nga namang hindi niya ikagugulat ang kilos ko kung nasanay siyang tratuhin ng tama? Huwag na niyang i-expect mula sa akin 'yan. Mulat na ang mga mata ko. Ayoko nang manatili pa siya sa buhay ko.

His Song RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon